CHAPTER 12

108 0 0
                                    

"T-iya..." Mabilis namang humiwalay si Tiya sa pagkakayakap sa'kin.

"Sige na tapusin mo na yan. Magpapahinga na ako." Aniya at mabilis akong tinalikuran at nagsimula ng humakbang paakyat ng hagdan hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Mahigpit kong hinawakan ang kwintas at panyong ibinigay niya sakin. "Elizabeth." Basa ko sa pangalang nakakurba sa panyo. Inilagay ko agad ang panyo at ang kwintas sa bulsa ng shorts ko at ipinagpatuloy na ang paglilinis ng karinderya.

Kasalukuyan akong nakaupo sa mahabang silya sa gilid ng hagdan habang nakatingala sa kalangitan. Nasa isip ko pa rin yung kwintas at panyo. Masaya ako na ibinigay sa'kin ang mga ito ni Tiya. Sabi ko na nga ba at hindi ganon kasama si Tiya.

Malinaw na sakin kung bakit alam ni Tiya ang kaarawan ko. Sa baba kasi ng pangalan ko ay may petsa ring nakakurba一07.26.22. Marahil ito ang totoong petsa kung kailan ako ipinanganak.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." Napakunot-noo ako at hinarap ang lalaking walang habas na naman na gambalain ako sa pagmumuni-muni ko. Cool itong nakatayo sa kabilang gilid ng hagdanan at nakasandal sa may hawakan nito habang nakapamulsa.

Hindi ko alam kung bakit naiirita na ako sa'kanya siguro'y dahil sa pasulpot sulpot niya. Feeling close. Hindi ko talaga ugaling maging masungit pero talagang sinusubukan ako ng assumerong panget na ito!

"Hoy assumerong panget! Alaka mo ba natutuwa ako sa pasulpot-sulpot mo?!" Mahina kong sabi rito pero may inis sa boses ko. Baka kasi magising pa sila Tiya sa taas. Mahirap na.

Napataas ito ng kilay sabay kunot-noo. "What did you just say?! Me?!" Tinuro niya pa ang sarili nito. "Did you just say that I'm ugly?!" Parang hindi makapaniwalang aniya.

"Hoy! Hina hinaan mo nga yang boses mo at baka'y magising ang tao sa taas! Mapagalitan pa ako sa kaepalan mo!"

"Tsk. Pasalamat ka....nevermind." Aniya at umiwas na lamang ng tingin. Aba buti naman at baka matusok ko ang magaganda niyang mata!Sayang naman一erase! Hindi pala maganda kasi ang panget niyang tao. Teka, tao nga ba talaga? Tss.

Iniba ko na lang rin ang direskyon ng tingin ko kesa makipagtalo sa unggoy na 'to. Nakakaubos lamang ng enerhiya.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi na uli ito nagsalita. Ang akala ko ay wala na ito pero nung tinignan ko ito nahuli ko itong nakatitig sa'kin at seryosong seryoso ang mukha. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig nito pero hindi ako nagpatinag. Baka kasi isipin nito na madadaan daan niya ako sa ganong titig niya.

"Oh anong tinitingin-tingin mo diyan?" Masungit kong tanong rito pero hindi ito sumagot at nakatitig pa rin sa'kin. Aba! Ang akala ata nitong unggoy na ito matatakot na ako sa'kanya.

"Pwede ba wag mo kong titingang unggoy ka! Ang panget mo." Madiin kong sabi na siyang ikinakunot na naman ng noo niya.

"What the fuck. Kung ano-ano na lang ang tinatawag mo sa'kin! Bulag ka ba?! Hindi mo ba makita ang kagwapuhang taglay ko?!"

Ang kapal ng mukha. Grabe.

"Tigilan mo ko at tumataas ang dugo ko sa ulo ko ng dahil sa kayabangan mo."

"You started it. Psh!" Hindi naman na ako sumagot. "Anyway, ano yang nasa bulsa mo?" Pag-iiba niya. Sa pagkakataong ito ay seryoso na ang tono ng boses nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit alam mong may laman ang bulsa ko? Sabi ko na nga ba't man----"

"I can feel the power on it." Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Aba't pakabastos nga talaga.

Inirapan ko na lamang ito at kinuha ang kwintas at ang panyo na kanina pang nasa bulsa ko.

"Anong nangyari sayo at gulat na gulat ka?" Tanong ko rito dahil titig na titig ito sa kamay ko at makikitaan ng gulat ang mukha nito pero agad ring nawala.

"Paano napunta sayo ang kwintas na yan?" Seryosong tanong nito. Iniba ko ang direksyon ng tingin ko bago ito sagutin. "Binigay ito ng Tiya sa'kin." Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakipagtalo dahil pakiramdam ko'y kailangan ko siyang makausap dahil mukhang may malalaman ako sakanya.

"I can read your mind. Fyi."

"Tss. Alam mo ba ng privacy?" Nainis na naman tuloy ako. Letse!

"So going back. Bakit nasa kamay yan ng Tiya mo?" Sumeryoso na uli ito. Hindi naman na ako nakipagtalo pa.

Tinignan ko ang kwintas na hawak-hawak ko at saka ito sinagot. "Nung nakita ako ni Tiya malapit sa basurahan, nakasabit raw ito sa'kin kasama ng panyo. Kaya itinago niya. At ngayon niya lamang ibinigay."

"Mukhang umaayon sa tadhana ang lahat."

"Ha? Ano na naman ang sinasabi mo?" Naguguluhan na naman ako sa pinagsasabi nitong lalaking ito. Bakit kasi parang ang dami niyang alam sa'kin? Sino ba talaga sa buhay ko itong assumerong panget na unggoy na Darius na ito?

Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko. "Did you know the meaning of that necklace?" Pag-iiba niya na naman.

"Hindi malamang. Obvious bang may alam ako?" Pamimilosopo ko dito na siyang ikinabusangot ng mukha at umalis sa pagkakasandal at umayos ng tayo.

"The necklace symbolize the power of all the vampires. It passes through generation by generation. And the heiress of the vampires must have it as soon as she turns 18 years old. Or to the son of the queen and king of the vampires. Because that was the time that her/his power will awaken." Tumigil ito sa pagsasalita at tinitigan ako ng seryoso na siyang ikinakaba ko. "Nakakasigurado akong alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. At alam kong nararamdaman mo ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan mo pero hindi mo ito napapansin. That's because of your unconsciousness." Mahabang paliwanag nito at para bang nagbubuffering lahat ng mga sinasabi nito sa'kin.

"I-big mong sabihin? Bampira ako?!" Natatawa kong sabi rito at pinipilit na magbiro. Pero hindi man lang ito natawa dahil seryoso pa rin ang mukha nito.

"You're still refusing to believe me. Then I'll let you see everything for you to believe." Aniya at biglang ipinitik ang mga daliri sa hangin at namalayan ko na lang na unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Vampire's Heiress [Ongoing]Where stories live. Discover now