CHAPTER 13

130 2 0
                                    

Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga ng magising ako at agad na inilibot ang paningin sa buong kwarto.

"Finally, you're awake." Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang iniluwa nito si Darius.

"Nasan ako?! Saan mo ako dinala?!" Mabilis akong lumapit dito at inalog alog ang mga braso nito. Ang creepy kasi ng kwarto na ito. May isang master bedroom at sa magkabilang gilid nito at ang dalawang lampshade na siyang nagbibigay liwanag sa kwarto. At sa taas ng kama ay may malaking painting na nakadikit sa dingding. Sa bandang bintana naman ay ang malaking glass window na natatakpan ng malaking kurtina na kulay pula. Sa gilid naman ng pinto ng kwarto ay nandoon ang malaking salamin na hugis bilog na halata sa itsura na may kalumaan na ito. At sa iba pang parte ng kwarto ay ang iba't-ibang nakasabit na larawan. May ibang larawan ay ang creepy tignan kaya lalo akong nakaramdam ng takot.

"Relax. I won't harm you." Seryosong aniya at nilagpasan ako at naupo sa malaking kama.

"Abat antipatiko!" Inis ko itong hinarap habang nakapamewang. "Hoy unggoy na assumerong panget! Baka gusto mong ipakulong kita sa pangkikidn-----"

"I said relax. Hindi kita sasaktan okay? Pwede bang maupo ka muna?" Tinuro niya ang camelback sofa na pinaghalong kulay pula at itim na nasa gilid ko lamang.

Teka bakit parang siya pa ang naiinis?!

"I brought you here because I want you to believe me."

Inis akong naupo dahil mukhang wala naman akong magagawa kung makikipagtalo pa ako sa panget na lalaking ito.

"Wala akong oras para makipaglokohan sayo." Seryoso ko ng sabi rito. Sinasabi ng puso ko na gusto kong malaman ang tungkol sakin pero ayaw ng isip ko. Parang hindi pa ako handang malaman ang katotohanan dahil nararamdaman kong malaking pagbabago ang mangyayari.

"You're right. Once you knew everything, a lot of things will change from the way it is. But you do not have to worry because I won't leave you. At hindi kita papabayaan." Imbes na mainis ako dahil nabasa na naman niya ang nasa isip ko ay tumahimik na lamang ako at hindi sumagot, at umiwas ng tingin.

"Oh bakit na naman?!" Pagsusungit ko dahil nakatayo na ito sa harapan ko.

"Stand up." Seryosong aniya.

"Abat! Kung makapag-utos ka akala m----"

"Just stand up. Tsk."

Wala na akong nagawa at padabog na lamang na tumayo dahil ayoko lang mainis pa lalo sa panget na unggoy na 'to.

Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at ipinatalikod ako. Aangal na sana ako pero agad akong naistatwa nang may bigla itong inilagay sa leeg ko. Nung hinawakan ko ay isa itong kwintas.

"Happy birthday, my Heiress." Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi nito.

"Let's go." Bumalik ako sa katinuan ng hawakan nito ang kamay ko.

"S-aan na naman tayo pupunta?" Hindi ko pinahalata dito na apektado ako dahil sa kaninang ginawa niya.

Hindi ako sinagot nito at hinila lamang ako papalabas na ng kwarto. Hindi naman ito huminto at tuloy tuloy lamang sa paglalakad habang nasa likuran ako nito at hawak hawak pa rin ang kamay ko. Naglalakad kami ngayon sa mahabang pasilyo. Inilibot ko ang paningin ko dito. Katulad kanina sa kwarto ay may mga paintings din itong nakakatakot. At wala akong makitang ibang kulay maliban sa itim at pula.

"Aray!" Napahimas ako sa noo ko dahil tumama ito sa likod nito dahil sa biglaang paghinto nito.

"Kanina pa namin kayo inaantay. Kumain na tayo." Napasilip ako mula sa likuran ni Darius nang may baritonong boses ang nagsalita.

Napalunok ako nang mahuling nakatingin pala ito sa'kin kaya nagtama ang tingin namin. Nakakatakot ang awra nito. At tanya ko nasa mid 40's na ito.

"Wanna die, Tucker?" May tono ng pagbabanta ang boses ni Darius. Nung tinignan ko ito ay matalim na ang tingin nito sa lalaking katabi ng lalaking nagsalita kanina.

Hindi naalis ang ngisi sa labi nung Tucker kaya lalong tumalim ang tingin dito ni Darius.

"Tama na yan, kumain na muna tayo." Pagsuway nung lalaking katabi nung Tucker kaya hinila na ako ni Darius paupo. Sa mahabang lamesa ay may tig limang upuan sa magkabilaan. Sumunod naman agad samin yung dalawa. Bale magkakatapat na kaming apat. Katabi ko si Darius syempre at sa tapat namin yung dalawa.

Nag-umpisang sumandok ng pagkain si Tucker dahil may mga nakahanda na agad na mga pagkain sa mahabang mesa.

"By the way, I'm Caldemore Tucker. And this is my son Roven Tucker." Pagpapakilala nung lalaking nasa mid 40's na at tinuro niya ang lalaking kanina pang pasulyap sulyap sakin habang tahimik lang na nakikinig at nauuna ng kumakain.

Ngumiti naman ako ng tipid para hindi ako magmukhang masungit.

"Wag po kayong magagalit pero gusto kong malaman kung bakit ako andito? At ano ang kailangan niyo sakin?" Diretso kong tanong dahil kanina pa ako nalilito at kating kati na magtanong.

Yung kaninang seryosong mukha nung si Caldemore ay biglang napalitan ng ngiti at mabilis na lumabas ang mga pangil nito na dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko. Pero agad ring itong nawala. Hindi ako nagkakamali一 pangil ang mga iyon.

"I assumed that it is your 18th birthday today. And this is the right time for you to know everything."

Hinawakan ni Darius ang nanlalamig kong kamay. Gusto ko mang alisin ito ay parang naubusan ako ng lakas.

"Kailangan ka na namin." Mahihimigan ng lungkot ang boses nito. "And we will do anything to protect you, our Heiress."

"H-indi ko kayo maintindihan." Halos basag na ang boses ko dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Ikaw ay anak ng reyna at hari ng mga bampira. At itinakda ang araw na ito. At sa pagkakataong ito ay magbabago ang lahat. Wala kang magagawa dahil sa tungkulin mo."

Hindi ako umimik at nanatiling lang ang tingin sa kanya. Biglang naging pula ang kaninang itim na mga mata niya.

"B-akit ako? Isa lamang akong ordinaryong tao." Sa wakas ay nagawa ko ng maibuka ang bibig ko.

"Hindi ka ordinaryo at batid kong alam mo yan. Nahihirapan ka lamang tanggapin ang katotohanan."

"Kailangang manatili siya rito dahil nanganganib na ang buhay niya. Alam na nila kung nasaan siya." Singit ni Darius.

"Talagang hindi sila titigil hangga't hindi tayo nauubos." May galit sa boses nung Caldemore kaya lumabas na naman ang mga pangil niya at naging pula ang mga mata nito. Pero agad ring nawala ng ilipat niya ang tingin sa'kin.

"You will be living here with us, our Heiress." Sa pagkakataong ito ay naging malumanay na ang boses niya.

Huminga ako ng malalim at sumagot. "Hindi ko alam kung paniniwalaan ko kayo pero sinasabi ng puso ko na kailangan kong malaman ang lahat. Pero hayaan niyo muna akong makapag-isip isip dahil hindi pa ako handa sa ngayon dahil mas lalong gumulo ang isip ko. At sa oras na makapagpasya ako, babalik ako." Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Halata sa mukha ni Caldemore na hindi siya sang-ayon pero agad ring marahang tumango.










A/N : (Photo below) Yung necklace na ibinigay ni Darius.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Vampire's Heiress [Ongoing]Where stories live. Discover now