o1 : We call him Shrimp

53.8K 2.3K 2.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Copeland, bumalik ka rito!" 

Kumaripas ng takbo ang batang si Copeland, hindi alintana ang suot na t-shirt at tsinelas na 'di hamak na napakalaki para sa kanya. Tinatangay ng malakas na hangin ang mahaba niyang buhok dahilan para mas lalo pa itong magulo sa bawat paglipas ng sandali.

"Bata, dahan-dahan! Baka madapa ka!" paalala ng isang isang aleng naglalako ng gulay sa kalsada.

Nagtaas lamang ng hinlalaki si Copeland, diretso ang determinadong tingin sa daang tinatahak.

Sa bawat hakbang, unti-unting nagbabago ang kanyang naapapakan. Mula sa sa konkretong daan, sa damuhan, sa batuhan, hanggang sa maging pinong buhangin. Huminto si Copeland sa pagtakbo nang tuluyang tumama sa kanyang mga paa ang maalit na mga alon.

Sumilay ang lungkot sa mga mukha ni Copeland nang makitang tuluyan nang nakalayo ang maliit na bangkang lulan ng mga mangingisda. 

Ilang sandali niyang tinanaw ang ang bangka, bagsak ang mga balikat at nakanguso.

Sa isang iglap, bigla siyang may narinig na humahangos. Lumingon siya at nagulat nang makita ang isang may-edad na lalakeng nakaupo sa buhangin, tagaktak ang pawis habang naghahabol ng hininga.

"Tito Leo! Iniwan ako nina Mang Glorio! Paano ako magiging mangingisda nito?!" mangiyak-ngiyak niyang pagsusumbong sabay padyak sa buhangin.

"S-sandali!" Nagtaas ng kamay ang kanyang Tito Leo at marahas na lumunok dala pa rin ng sobrang pagod. "Hinga muna ako sandali."

"Tito Leo! Iniwan nila ako!" Lalo siyang nagpapadyak at napanguso. 

Huminga nang malalim si Leo at marahas na napakamot sa kanyang buhok na hitik na sa kulay puting hibla. "Nagmana talaga sa'yo 'tong kapatid mo."

"Ha?" tanong ni Copeland.

"Wala." Umiling-iling si Leo at tumayo, pinapagpag ang buhangin sa kanyang purontong. "Ang sabi ko, bumalik na tayo sa bahay n'yo habang tulog pa ang Mommy at Daddy mo. Sige ka, mapapagalitan ka na naman."

"Ayoko." Umiling-iling ang bata kasabay ng tuluyang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Tito Leo, dito lang ako. Magiging mangingisda ako. Manghuhuli ako ng sharks at mermaid!"

Hindi napigilan ni Leo ang pagtawa. "Sabi mo sa akin noon na gusto mong maging nurse kagaya ko noon? Tapos last month sabi mo gusto mong maging Cashier? Ngayon naman Mangingisda? Bata ka, ano ba talaga ang gusto mo?"

"Gusto ko dito lang ako sa Isla! Ayokong umalis! Dapat maging mangingisda ako para dito lang kami forever tumira!" giit pa ni Copeland na halos mamula na ang mukha dahil sa pagluha.

Bumuntong-hininga muli si Leo, sa pagkakataong ito'y malinaw na sa kanya ang ginagawa ni Copeland. Bahagya siyang lumuhod sa harapan ng bata at pinunasan ang mga luha nito. "'Wag ka nang umiyak. Bibisita pa rin naman kayo dito sa Isla palagi. At saka, dati akong tumira sa Manila. Sobrang ganda doon. Maraming mga amusement park at mall--"

Sleep now, CopelandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon