o3 : Memento

24.4K 1.6K 921
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The lights above the ceiling are hurting my eyes so I pulled the hoodie of my jacket up and kept my head down.

Mabagal ang bawat hakbang ko habang tinutulak ang trolley na naglalaman ng mga bagahe ko. Kagagaling ko lang sa tatlong connecting flights kaya naman hapong-hapo ang katawan ko at parang napakagaan ng ulo ko.

Paglabas ng airport, nakita ko agad ang mga taong may dala-dalang mga karatula ng iba't ibang travel agency. Bukod sa kanila, mayroon ding mga taong tila ba naghihintay sa kanilang mga kamag-anak.

I pulled my hoodie down, trying to get a better view of my surroundings.

"You have gotta be kidding me..." Natigilan ako nang bigla kong mapansin ang dalawang babaeng may dalang isang tarpaulin... tarpaulin na may litrato at pangalan ko.

Handang-handa na akong umikot at pumasok ulit sa airport nang, sa kasamaang palad, bigla akong tinuro ng isa sa mga babae. 

"Ms. Wilma, siya yata 'yon!" Umalingawngaw ang matinis nitong boses, parang tuwang-tuwa na makita ako kahit hindi ko naman siya kilala.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

***

"I'm so glad to meet you! I've heard so much about you! Yay! We're beshies from now on ha?"

Napangiwi ako nang bigla akong niyakap ng babaeng parang kasing edad ko lang. Hindi ko na nga siya kilala, tumatama pa sa mukha ko ang malaking bow sa headband niya. Nakakainis. Para siyang isang batang may sugar rush. No. Scratch that. Para siyang isang aso na matagal hindi nakita ang amo niya.

Hinawakan ko siya sa braso at tinulak palayo, pero mas lalo siyang kumapit at niyugyog-yugyog pa ako. 

Tumingin ako sa babaeng tinawag niya kaninang Ms. Wilma. Abala ito sa paglalagay ng mga maleta sa likod ng kulay asul na sasakyan. She looks to be in her late 20's or early 30's. She exudes a professional and demure aura. She doesn't look familiar to me kaya naman nakakapagtakang siya ang sumundo sa akin. 

"Si Tito Leo?" tanong ko.

Biglang bumitaw sa akin ang babaeng may sugar rush. Hindi matanggal-tangal ang ngiti sa mukha niya. Tinitingnan ko pa lang siya, napapagod na ako.

"Nasa Manila pa siya pero sabi niya uuwi siya agad!" Kumapit siya sa braso ko. Tinangka ko siyang sikuhin pero para sa isang mistulang bata kung umasta, malakas siya.

"Hindi mo ba tatanungin anong pangalan ko?" She giggled while batting her eyelashes rapidly, trying to look charming and shit.

"You're so fucking creepy." Ngumiwi ako at umiwas ng tingin.

"Hala Ms. Wilma! Si Copeland, nagmura!" pagsusumbong nito sa akin sabay yugyug ng braso ko. I'm so close to punching the daylights out of her.

Sleep now, CopelandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon