Episode 41

8K 85 1
                                    

Sinugod agad sa hospital si Emman. Nakahiga si Emman sa isang stretcher at hawak naman ni Kate ang kamay ni Emman habang papinta sila sa Operating room. Hindi na inisip ni Kate na buntis siya sa oras na yun basta masundan lang si Emman. Dali dali nilang ipinasok si Emman sa OR.
Nabitawan na niya ang kamay ni Emman at dahan dahan isinara ang pinto.

Umiiyak si Kate. Dinamayan naman siya nina Wendy at Flora. Naroon naman sina Aster kasama nila. Sumunod rin ang ina ni Kate sa kanila. Nagpaiwan ang ina ni Emman sa restaurant at kasama si Pink roon. Babalitaan nalang nila sila sa kalagayan ni Emman. Ayaw makita ng ina ni Emman na nahihirapan si Emman dahil baka atakihin pa siya. Sinamahan nalang rin niya si Pink dahil bawal ang bata sa hospital.

"taha na.. Magiging okay rin si Emman, " sabi ni Flora na niyakap si Kate.
Lumapit ang kanyang ina.
"magpakatatag ka anak! " payo ng kanyang ina na hinahawakan ang kamay nito.

"Ma! Si Emman.. " niyakap naman ni Kate ang kanyang ina.

-Flashback-

Napasigaw silang lahat.."Emman!"
Natumba na si Emman. Lumuhod si Kate at pilit na ibangon si Emman na nasa lupa.
Ang magandang damit ni Kate ay may halong mantsa ng dugo.
"Emman!!" umiiyak na sabi ni Kate.

Napatakip ng bibig naman si Beverly na nakatayo malapit sa kanila. Hindi niya kayang makita si Emman na walang malay at may dugo. She was speechless.  Tiningnan naman niya kung sino ang pumukol sa ulo ni Emman, at yun ay si Tony.. Isa sa kanyang kasama.

Sinugod naman ni Aster at sinuntok si Tony. "Gago ka!!"
Napaatras si Beverly.

Napaiyak rin ang ina ni Emman. Umiiyak si Pink at tumakbo patungo sa kanyang kuya. "Kuya!!"

After, dumating na rin ang mga police at may ambulance rin. Ang tagal naman nilang dumating!!

Puno ng luha ang pumapaligid sa lugar. . Ang tawa at galak ay napalitan na ng luha.
Si Tony pala ay may galit kay Emman na hindi naman alam ni Beverly. Hindi niya akalain na sasaktan niya si Emman na wala naman sa kanilang plano.
Bakit galit si Tony?.. Dahil sa scholarship noon. One year ahead si Tony but same sila nagapply ng scholarship but then, si Emman ang napili at hindi siya kaya hindi na siya nakapag aral roon at sa ibang school na lang siya.
Galit at paghihiganti ang nagudyok kay Tony at nang makita niya ang pagkakataon na makapaghiganti, ginawa niya. Hindi na niya inisip na maaari siyang makulong.
Dinakip silang tatlo ng mga police.
Pumipiglas si Beverly, " teka lang.. Gusto kong samahan si Emman sa hospital! Bitawan ninyo ako!" sigaw niya.

Kate's pov
Kung kailan.. Medyo okay na ang lahat.. Kung kailan na alam ko na siya si E at nasabi kong ako si K at hindi si Beverly, yun pa ang panahon na nangyari ito. Bakit? Hindi ba pwede na maging masaya? Bakit nangyayari ito? Kung kailan naging masaya kami, nasaktan naman siya. Hindi ba kami para sa isat isa? Sana maging okay ka na..

Still, nasa Operating room pa rin si Emman. Inooperahan siya dahil sa mga bubog sa kanyang ulo at tinatahi ang sugat nito.
Kinakabahan si Kate. Nasa labas sila at matiyagang naghihintay.

It was 12 midnight.

Nakaupo sila sa bench. Umuwi muna si Aster habang naiwan sila Flora at Wendy kasama si Kate at ang ina nito.

"anak, ayaw mo bang umuwi?" tanong ng kanyang ina. " magpahinga ka muna. Nakakasama kay baby ang stress at puyat."
Sinagot siya ni Kate," dito lang po ako hanggang maging okay si Emman at lumabas sa OR. Gusto ko ako ang una niyang makita pagkagising niya.. Kaya dito lang po ako ma.."
"sige anak.. Uuwi muna ako at kukuha ng mga gamit. Alagaan mo ang iyong sarili. Magpakatatag ka." sabi ng kanyang ina.

She touches the face of Kate, " mahal kita anak"
"ako na po ang bahala kay Kate auntie.. " sabi ni Flora na katabi lang ni Kate.
"salamat.. Napakabuti ninyong mga kaibigan. Salamat!" pasasalamat ng kanyang ina.

"auntie, sasamahan ko na po kayo," sabi naman ni Wendy.
Bago umalis ang kanyang ina.. She smiled on Kate. Kate looked at her mom. Ang hindi alam ni Kate, ito na pala ang huling beses na makikita niya ang ngiti ng kanyang ina.

Nakaalis na sina Wendy at ang ina ni Kate.
Lumilipas ang ilang minuto. Kinakabahan sila. Bakit ang tagal.? Nahirapan yata ang mga doctor.

Holding the locket at tiningnan ni Kate ang picture nila.. " Emman.. "

Biglang may pumasok sa isip ni Kate.
In her mind..
" kasalanan ko ba ito? Kasalanan ko ba? Kung hindi ko pinatulan si Beverly, mangyayari ba ito? Kung hinayaan ko nalang, masasaktan ba si Emman.? Sana maging okay ka na.. Sana.. Maging okay ka lang at hahayaan ko nalang kung ano ang pinaniniwalaan mo, Emman. Kung saan ka magiging masaya.. Kung saan ka hindi masasaktan... I will let you go basta maging okay ka na!"

Then suddenly, Flora received a call. She answered it.

"Hello Wendy.. "

Biglang..

"Ano!?" napasigaw at napatayo si Flora.
Napatingin si Kate kay Flora. Bakas sa mukha ni Flora ang pagkagulat na may luha.

To be continued.. .

MISTAKEN  (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant