Magandang araw mga mahal kong tagapagsubaybay ng aking libro. Kumusta? nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan sa ngayon. Siguro natanong niyo kung bakit natagalan ako sa pagbibigay ng update sa chapter na ito.
Sinadya ko po talagang medyo tagalan upang kayo na mismo ang makapagpaliwanag ng mga simbolo na natukoy sa nakaraang chapter. Nais ko lang na sa inyo na manggaling ang kasagutan batay sa mga naibigay kong simbolo.
Kung sakaling di niyo naman masabi ang kasagutang namuo sa inyong isip ay tumpak, ay hayaan niyong bigyan ko kayo ng karampatang paliwanag.
Sisimulan ko ang paliwanag sa pasimula ng pag gawa。Isinasaad sa libro ng Genesis kung papaano nilikha ng Dios ang sanlibutan, na sa gayon makikilala natin siyang taga paglikha mula pa sa pasimula, dahil layunin niya na ang lahat ng kanyang nilikha ay kikilalanin siya sapagkat nararapat siya sa mga papuri at pagsamba dahil nga tayo ay mula sa kanya.
Ika nga sa kasulatan ng Awit ito ang sinabi:
"Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.""Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
at sa isa pang sipi ng Mateo na nagsabing:
"Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran."
Ngunit, mula pa sa panahon Moises hanggang sa ngayon ay wala pang sinumang nakakikilala sa Dios ng tumpak at ito ay pinabulaanan ni propeta Isaias,sabi niya:
"Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita."
na sinusugan naman ito sa sipi ng aklat ni propeta Jeremias :
"Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin."
Dahil na nga marahil sa ganitong kadahilanan sa sipi ng awit,
"Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa."
Dahil na rin sa kadahilanang hindi nila naunawaan ang sinabi ni Moises sa kanila sa libro ng Genesis. Na doon pa lang sana ay kanila na sanang maunawaan ang kanyang pagiging Dios ng lalangin niya ang sanlibutan. Ngunit hindi ito nangyari dahil sa paglipas ng panahon lumihis ang tao sa dapat nitong tahaking landas.
At dahil narin sa pagkalihis, ang dating malinaw na minsahe sa aklat ng Genesis ay naging animoy putik na sa dilim at ang dating malinaw hayagang katutuhanan ay muling naging lihim. Na si Jehova ay ang buhay at ang tunay na Dios, ang siya ring tagapaglikha.
Sapagkat magmula ng maghari si kamatayan sa panahon pa ni Adan hanggang sa ngayon, ang tao na ang pumutol ng dating magkarugtong na koneksyon ng Dios sa tao. Ang tao ay kahawig kabagay sa mga dios-diosan. Kapagdakay may mga mata ngunit bulag sa katutuhanan patungkol sa buhay na Dios, May mga tenga ngunit bingi sa tining ng Dios na siyang katutuhanan, May ilong ngunit di nakakaamoy sa mabangong hiyas na taglay ng Panginoon, May mga kamay at paa ngunit di makakilos ng mga mabubting gawa na naaayon sa kagustuhan ng buhay na Dios. At dahil sa kanilang pagkamakasalanan naputol ang lubid na nag-uugnay sa tao at sa buhay na Dios.
Kung sino yaong hindi kilala ang katutuhanan patungkol sa buhay na Dios, ay siya ring nakakakilala ng malinaw sa mga kasinungalingan, Narinig nila ng malinaw ang mga kasinungalingan, at pinabulaan sa kanilang buhay ang pagawa ng kamalian. Dahil sa pagkaputol ng koneksyon ng tao sa tunay na Dios, nakahanap ngayon ang tao ng koneksyon sa ibang Diyos na gustong gustong sambahin ngayon ng lahat ng tao. Ngunit di nila napagtanto na ang Dios na kanilang sinasamba ngayon ay hindi ang totoong buhay na Dios at tagapaglikha ng sanlibutan.
Sa madaling sabi halos lahat ng tao ngayon sa sanlibutan ay pinaghaharian maling paniniwala at pagsamba na siyang naging pagkaalipin nila sa huwad na mga Iglesia.
Ngunit aang atng Dios na buhay sa walang hanggan na si Jehova. Ang pag-ibig niyang pangwalang hanggan ay hindi kumukupas kailanman. Na siyang nagtulak upang gumawa ng makabagong kautusan kung saan ang tao ay makakilala sa kanya ng lubasan (Ang totoo at tunay na buhay na Dios at tagapaglikha ng sanlibutan).
Ipinahayag ng Dios ang kanyang mensahe patungkol sa kanyang sarili sa pamamagitan ng piniling banal na Propeta. Dahil di niya hahayang di siya makilala bilang tagapaglikaha sa gitna ng kanyang mga nilikha.
Mababasa sa sipi ng aklat ni Propeta Jeremias na:
"Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:"
"Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon."
"Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;"
"At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin."
Sa papanong paraan mangyayari ang lahat ng ito? Ganito ang mangyayari, batay sa mga propesiya, ang katuparan ng mga ito, si Jehova na mismo na tagapaglikha ng sanlibutan ang siyang pagpapakilala ng kanyang sarili sa ganitong kaparaanan.
"Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, siya'y hihiyaw ng malakas; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway."
"Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang gantimpala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya."
Ito po unang simbolo na nabangit ko sa chapter 4 kung saan ipinahayag ng mga propeta na siya si Jehova at siya ay paparito at isisilang.
Sa susunod na kabanata ay ang kanyang pagkakatawang tao na at kung ano naman ang mensahe sa ikalawang simbolo ng kanyang pagkakasilang. Hanggang sa muli wag po kaligtaang mag bigay ng boto sa page na ito para sa mga karagdagang update...

BINABASA MO ANG
The true GOD to be worship
SpiritualTotoo ba na may Dios? Nasaan siya ngayon? Ano ang kanyang pangalan? May pakakakilanlan ba siya? Sa anong aspeto ba natin siya makikila? Sino siya? Ano siya at paano makakonekta sa kanya kung totoong may Dios nga? Kami ay ang tinatawag mga haring sas...