f o r t y - n i n e.

267 10 2
                                    

『stellvester's.』

"mga hatdog, okay na ba kayo?" narinig ko na tanong ni paulo sa iba.

"wait, teka! yung buhok ko sandali!" sigaw ni justin habang nagaayos ng buhok niya.

"aba dalian mo kaya! naghihintay na sila stellar dun sa bahay nila galexia!" sabi niya pabalik at sumakay na sa sasakyan ni josh.

ngayong gabi na ako aamin.
sa wakas, malalaman ko na kung tinadhana ba talaga siya sa akin.

mawawala nanaman ako sa totoong mundo, ng inakbayan ako bigla ni josh.

"pre, wag ka magalala! sure ako sasagutin ka ni stellar. ikaw pa? nako! habulin ka ng babae, boss! napakaimposible na hindi ka niya tanggapin." banggit niya at sumakay na sa drivers seat ng sasakyan.

"jah, bilisan mo!" saktong pagsigaw ko, lumabas si justin ng bahay kasama si ken na nakikinig lang ng tugtog sa airpods niya.

"bagal kasi kumilos, yan tuloy nagmamadali ka ngayon." banggit ni ken sa kanya ng makasakay na sa sasakyan papunta kila stellar.

"hoy po! sino yung naligo na parang nag-rosary pa? dapat talaga ako yung naunang maligo sa'yo." sagot naman niya pabalik at tumigin nalang sa bintana para iwasan yung usapan.

napatingin naman ako agad sa suot ko, brown coat na may white undershirt na parang blouse yung material at brown na pantalon.

okay naman ang itsura ko, siguro?
magugustuhan niya naman siguro, hindi ba?

"bro, wag mag-overthink. magugustuhan ka ni stellar, at magugustuhan niya yung suot mo. chill ka lang." sabi ni paulo mula sa passengers seat sa harapan.

iisipin ko nalang muna siguro kung paano ko siya tatanungin mamaya.
tama, ganon nalang.

"we're here mga inihaw! baba na! naghihintay na yung magkakaibigan sa loob." sabi ni josh at pinatay ang makina ng sasakyan.

bumaba kami, at nag doorbell sa gate ng bahay ni galexia.
at lumabas ang isang lalaking, hindi katandaan.

"kayo po ba yung mga susundo kila ma'am?" tanong niya sa amin.

at tumango nalang kami, bilang sagot.

"sige po, pasok nalang po kayo." sabi niya at hinayaan kaming pumasok sa loob.

napakalaki ng bahay ni alex, hindi mo maipagkakaila na galing siya sa pamilya ng mga designer.

hindi pa kami nakakapasok, rinig na namin ang ingay nilang apat habang may kausap.

"no! what i'm telling you is that, i'm going to the concert next week!"

"aurora, naririnig mo ba si cassiopeia? nagwawala na ata yun!"

"hoy andromeda! bumalik ka muna dito bago mo ako asarin hoy!"

andromeda?

napatingin naman ako bigla kay ken.

"huy, okay ka lang?" tanong ni justin na sa tingin ko rin ay nakaramdam.

"yeah, okay lang ako. kumatok na kayo mga manok!" banggit niya.

pero hindi matanggal ang tingin ko sa kanya.
isang taon na pala ang nakalipas, when misaki left the philippines dahil sa isang pangyayari.

"oh! you guys are here! wait lang ha, we'll just say goodbye sa kausap namin. anyway, come in! " sabi ni aurora na nagbukas ng pintuan at muling pumasok sa loob.

wala kaming nagawa kung hindi pumasok sa loob ng bahay nila, at kitang kita ang isang malaking flat screen television na naka-mount sa pader nila at may malaking upuan.

katulad ng bahay ni stellar, may malaking family picture din sila.

"misaki! nandito na yung mga ka-date namin! goodbye na muna!" sigaw ni cassiopeia.

at lahat kami ay napatingin bigla kay ken.

"okay ka lang?" tanong bigla ni josh sa kanya.

at tumango lang siya bilang sagot.

"alright! i still have few more meetings din naman, see you later!" at rinig ang boses ni misaki na nagpaalam at namatay ang video call.

at isa isa na silang nag silabas.

si stellar.

white lacy dress, na may pearl headband at black boots. napakasimple.
kinuha bigla yung kaluluwa ko sa gulat.

humarap siya sa akin at ngumiti.

"hi, stell! tara na?" sabi niya, at isa lang ang pumasok sa utak ko.

mahal, bakit napakaganda mo?

to be continued.

alluring : sb19 stell | completed Where stories live. Discover now