e p i l o g u e.

183 6 0
                                    

『stellvester's.』

papunta na kami ng pamilya ko sa restaurant na sinabi ni stellar kung saan magkikita lahat ng myembro ng pamilya namin.

sa totoo lang kinakabahan ako.

malapit lang sa school kaya hindi na ako nagabala na mag palit, dahil sinabi ni stellar na siya din ay tinatamad na. uuwi din naman daw sila pagkatapos, kaya bahala na daw.

"eto na daw." banggit ko ng napansin na five-star restaurant pala ito.

"sigurado ka ba dito, anak? mukhang mamahalin dito." tanong ni nanay sa akin.

tumango nalang ako at pumasok.

"good evening, guests. do you have a reservation?" tanong sa akin ng waiter.

"kay misis stella denise fernandez po." banggit ko at hinatid naman kami ng waiter sa table nila stellar.

napansin ko naman na nakahanda na ang iba sa mga pagkain at natakam naman ang dalawa kong pamangkin.

tumayo naman si stellar para batiin at ipakilala ang pamilya niya sa nanay at tatay ko. tinulungan niya na rin sila makaupo para simulan na ang pag-serve ng pagkain.

"wag kayo mahiya, kami ang nag-invite sa inyo dito. we will pay for everything, at tsaka we're celebrating our kids' success kaya sapat na to." banggit ng tatay ni stellar at mukhang nagkakasundo naman sila ni tatay.

habang kumakain, naramdaman ko naman na sinisipa ni stellar ang paa ko gamit ng paa niya sa ilalim ng lamesa.

"after dessert, labas tayo sa garden ha?" sabi niya at ngumiti.

*

kakatapos lang ng buong kainan at napagisipan na ng mga kapatid at pamangkin ko na umuwi na dahil may pasok pa daw sila bukas.

habang kami naman ni stellar ay lumabas sa garden ng restaurant para makapagusap ng maayos ang mga magulang namin.

naglalakad lang kami at napansin na may swing sa isang gilid kaya naman naisipan namin na umupo dito at tumigin sa itaas habang naguusap.

"alam mo ang saya ko today, hindi lang dahil sa graduation at marami tayong nakuha. ewan ko, basta sobrang gaan sa feeling." banggit niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"kailan nga ulit ang alis mo? one month after? two weeks ka mag-bbond kasama ng pamilya mo, two weeks naman sa akin?" tanong ko at tumango siya.

"mami-miss kita, stellar. pero alam ko na gagawa tayo ng paraan. magkikita tayo after natin maging successful, for now magkikita nalang muna tayo sa screen." banggit ko at niyakap siya.

and i wish, tayong dalawa parin sa  huli.

『stellar cassandra's.』

"i'll always support you kahit anong mangyari, stell. i know maabot mo yung pangarap mo na maging isang sikat na performer. kakayanin mo, dahil alam ko na kaya mo." banggit ko at hinalikan siya sa labi.

ngayon lang nag sink in sa akin na we need to spend every moment to make new memories dahil aalis na ako for college.

as much as i don't want to, i want to also be successful like mom and thankfully sobrang supportive ni stell sa lahat ng gusto ko. and sobrang thankful ako to find a guy a like him.

nananahimik lang kami habang nakatingin sa langit at pinaglalaruan ko ang singsing sa daliri niya at naghu-hum siya ng tono ng kanta.

"anong kanta nga yan?" tanong ko at ngumiti ng niyakap siya sa bewang niya at tinitigan siya sa mukha.

"pangarap ko ang ibigin ka." banggit niya at tinatapik ang tono ng kanta sa balikat ko.

"yan ang kantahin mo sa audition mo, sure ako na papasa ka pag yan ang ginamit mo, sure ako diyan." banggit ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

nakita ko naman na ngumiti siya at tinitigan ako pabalik at nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"sure ka diyan? papasa ako pag ito ang kinanta ko?" tanong niya at tumawa naman ako ng mahina at tumungo.

"sabi mo yan ha." banggit niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

natahimik muli kami ng may dumaan na shooting star at nagmadali akong nagwish.

"stell mag-wish ka dali!" banggit ko pero hindi siya kumibo at tinitigan niya lang ako.

tumigin ako sa kanya ng maayos at lumapit siya sa akin. at hinawakan niya ang leeg ko.

and that kiss, i suddenly felt all the butterflies in my stomach flying in happiness.

"ikaw ni-wish ko. i love you, mahal." banggit niya at hinalikan ako.

hindi ko alam pero sobrang magical ng feeling habang hinahalikan niya ako. yung feeling na parang sobrang damang-dama ko yung pagmamahal niya.

sasabihin ng iba na napaka-perfect ng buhay ko, may supportive at successful na pamilya, matalino, ang daming responsibilidad na hawak sa school, at may supportive na boyfriend.

pero i can say, God gave me this guy because he knows i deserve it.

i deserve to have someone like stell in my life.

pero still, up until now.

that thought is still in my head.

i still don't know how i got allured by this guy,
yet i'll still love him until the end of time and our lives.

『end.』

alluring : sb19 stell | completed Место, где живут истории. Откройте их для себя