Chapter 32 - Hold Me

3.6K 103 0
                                    


JM's POV

Waking up with him just made my day special. It's a weekend and we don't have plans.

"Can we just stay in this bed? Kahit ganito lang tayo maghapon." Paglalambing ng lalaking mahal ko, si Paolo.

Yakap yakap niya ako habang nakasandal siya sa headboard ng kama. Ako naman ang nakasandal sa dibdib niya. Just like those romantic scenes in the movie na yung lovers ay nagka-cuddle in the bed.

"We need to eat. Hindi pwedeng magstay lang tayo dito Pare." Sabi ko.

"Pare" pala ang naging endearment namin sa isa't isa. Weird kasi its common for guys to call each other as such and sa amin iba ang meaning.

Tiningnan ko ang mukha niya na nakasimangot. Pero yung tipong nagpapa cute lang. He doesn't need to do it though. Hindi bagay sa kanya ang maging cute. Gwapo na kasi siya.

Kung dati naniniwala ako na mas okay pag cute ang tawag sayo, exception to the rule si Paolo.

Pinisil ko ang mga ilong niya.

"Pare naman. Wag ganyan. Lalo kang akong nagaguwapuhan sayo!" Niyakap niya lang ako sabay ngiti.

"Sinasadya ko eh!" Sabi niya.

"What do you wanna eat?" Usisa ko.

"Hmmmmm.. Let me think.. You! I wanna eat you!" Pinamulahan ako sa sinabi niya. Para kasing hindi bagay sa kanya ang sabihin yun. Napansin niya din ata bigla ang ibig sabihin ng mga tingin ko. "Ohhhhh yeah! Sorry! I didn't mean what you are thinking. I mean, i wanna eat this." Sabay kinagat niya ang labi ko pero tolerable na kagat sabay dampi ng labi niya sa labi ko.

"Umayos ka nga at baka mapagbuksan tayo bigla ng pintuan!" Kinurot ko pa siya na nakangisi lang.

"How about lets make some pancakes!" May excitement sa boses niya kaya agad naman akong nag oo.

Sabay kaming tumayo pareho na nakasando at boxers lang.

"Oooops! Di tayo pwedeng lumabas ng ganito!" Kumuha ako ng dalawang jogging pants sa aparador. Buti na lang kasya lang sa kanya ang napili ko.

Bago niya ako sinundan sa kusina ay sumaglit muna siya sa sala at magpapatugtog yata.

Maya maya nga ay narinig ko ang kantang pinatugtog niya.

Call me old fashioned sa music pero I like the yesteryears songs. Mas meaningful. Mas may laman at mas nakakarelate ako. And I never thought na he is into those types of music.

The song was titled "Save Me a Dream by Paul Williams".

Habang nagsisimulang sumahimpapawid ang tugtugin ni Paul Williams ay naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap sa likuran ko. Napangiti ako. Ito yung mga moments na gustong gusto maranasan ng isang tao with his/her special someone. Sweet sweetan in the morning while preparing a breakfast. SSWC - Sway Sway While Cooking.

Save me a dream... Sabi ng kanta

Nakikanta na din ako. Memorize ko kasi ang kanta at isa sa mga favorite songs ko.

Yung tipong gusto kong lumutang sa saya dahil sa ginagawa niyang pakikipag duet sa akin. Well, pareho kaming sintunado pero yung moment na magkaharap kami habang kinakanta ang bawat letra ng tugtog, that was one of the sweetest moment.

Nang matapos ang unang chorus ay ninakawan niya pa ako ng halik sa labi. Hindi naman ako pumalag.

Pinagpatuloy ko ang pag mix ng pancake ready-to-mix-and-cook na nakuha ko sa cupboard. Siya naman nakatungko ang baba sa shoulders ko habang kumakanta pa din.

I Love You, Paolo! (Complete) (BxB)Where stories live. Discover now