ONS-"Summary"

482 12 1
                                    

                CHAPTER - 54

     

           Hindi makapaniwala ang kaibigan nya sa sinabi nya. Kahit din naman sya ay hindi nya lubos maisip na  magagawa ito ng ina ni Xian.Pero umamin na ang salarin at pinatunayan na nito ang ginawang kremin at ang tinuturong mastermind ay ang ina nga ni Xian.

      Sa sobrang galit nito ng makitang puno ng pasa sa mukha ang anak ng minsan itong bumisita sa tinitirhan nito.Umuwi itong halos basag na ang mukha.Kaya gamit rin ang sariling mga koneksyon ay inalam nya ang dahilan. At ng malaman nito ay labis itong nagalit lalo pa at may ki nalaman nga kay Eunji.

     Four years ago nalaman nyang nagkagirlfriend ang anak nya sa dati nitong classmates sa highschool,at dahil nga bunso rin nyang anak si Xian ay sinuportahan nya ito sa mga anumang gusto kahit na may tutol sya sa relasyon ng dalawa.Hindi naman nya akalain na ganon kalalim ang pagtingin ng anak sa girlfriend nito dahil ng mga panahon na yon ay nasa ibang bansa ito nag kolehiyo samantalang ang babae ay nandito lang. At inaasahan na rin nya na magbabago ang nararamdaman ng dalawa kapag nagtagal pa at magkasawaan rin tulad ng karamihang kabataan na nakikipagrelasyon lalo pa at long distance ang relasyon ng dalawa.

      Hindi ito nagustuhan ng ama ni Xian nang malaman kaya naman nagdesisyon itong ipakasal ang anak sa anak ng kaibigan at para maisakatuparan ang engagement ay pinauwi nito ang anak mula sa ibang bansa. Pero mas pinili pa rin nitong makipagkita sa nobya at doon nag propose.Bilang ama ayaw nyang makasal ang kanyang anak sa isang babaing anak lang ng isang tagagawa ng kimchi sa isang bayan at halos pahinto hinto pa sa pag aaral dahil sa kakapusan ng pera. Nakita nila kong paano noon umiyak at nasaktan ang anak ng sinabi nitong nakikipaghiwalay na dito ang nobya.
Bilang ina hindi nya matiis ang anak na nasasaktan kaya naman ginawa  nya ang lahat ng makakaya nya para suportahan ito.Nagawa pa nitong kumbinsihin ang asawa para lang wag muna ituloy ang nais nito na kasal sa anak ng kaibigan nya sa pangakong darating din ang time na magbabago rin ang nararamdaman ng anak at sa pagkakataon yon ay wag na muna nilang ipilit dito ang sitwasyon na ayaw nito.

Nagpanggap sila na okay na sila sa relasyon ng dalawa at pinapakitang suportado nila ang relasyon ng mga ito.

Hanggang sa ang babae na mismo ang umayaw at umatras.Noong una akala nila ay anak ni Xian ang dinadala nito pero lalo lang nila itong kinamuhian ng malaman nilang nabuntis ito ng ibang lalaki. Dahil sa nangyari hindi sila nahirapan na kumbinsihin si Xian noon na kalimutan na ito. Pero sa paglipas ng mga buwan bigla na lang itong umuwi ng bansa at hinanap muli ang dating kasintahan. Mula noon ay halos nakabuntot na ito sa dating nobya na ng panahon na yon ay nagsilang na ng isang batang lalaki.

Nagiging tanga na nga ito sa kakasunod dito sa loob ng halos tatlong taon ay ni minsan hindi ito sumuko na suyuin ang dating nobya.Kahit anong paninira na ang ginawa nila ay naroon pa rin si Xian.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito makakapayag pa lalo na sa sinapit ng kanyang anak na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin ang babaing para sa kanya ay wala namang kwenta at iwan bakit ito pa ang minahal ng anak nya.

Alang alang sa anak nya ay naisipan nyang ipaghiganti ito.

Kaya naman nag hired sya ng mga tao na pweding  manggulo sa bahay nito o mas maganda kong mawalan na ito ng tirahan pa at yon nga ang pinagawa nya.Pero malas nya lang dahil nahuli ang ilan sa mga ni hired nya at nagsalita laban sa kanya kaya ngayon pati pangalan ng asawa nya ay naapektohan na dahil sa ginawa nya.At maging si Xian.

"Ma anong ginawa nyo?"
hindi makapaniwalang tanong ni Xian sa ina ng madatnan nya ito sa presento.

"Tama lang yong ginawa ko,kulang pa yan sa ginawa nila sayo!Anak hindi ko makayang tingnan ka lang habang sinasaktan ka ng babaing yon!
galit rin nitong sabi.

ONE NIGHT STAND (UPDATE-ng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon