A guy who had everything but he felt he still incomplete.
A girl who live in a simple way by her complicated life, but she believe that there still hope if you believe'n.
Until one night....
They sharing with pleasure...but in a wrong way, and in...
Dumating si JC lulan ng paborito nyang kotse ng sya lang mag isa sa gusaling pagmamay ari ng pamilyang Jeon. Pagbaba pa lang nya ng sasakyan ay sinalubong na sya ng mga reporter na bigla na lang nag sulputan kung saan.
Ngunit nanatiling cool at no comment lang ang binata sa mga binabatong tanong ng mga ito.Agad naman syang sinalubong ng mga security at sinisigurong malaya at walang haharang at makakalapit pang mga taga medya dito hanggang sa makapasok sya sa VIP elevator.
Maging ang mga staff nya sa opisina ay nagulat sa pagdating nya.Will, ilang araw ba naman syang hindi pumapasok dagdagan pa ng isyu na hindi lihim sa mga ito.
Maraming mga binasa at pinirmahan na mga dokumento si JC na nakakumpol sa ibabaw ng mesa nya.Sa kalagitnaan ng pagbabasa nya may kumatok sa pinto.
"Come in" anas nya na hindi pa rin inalis ang tingin sa binabasa nya.
"Mr President,kanina pa po tumatawag ang secretary ng LG Corp." ani nito.
Nag angat sya ng tingin dito. "Ive never receive a call from them."sagot nya which is totoo naman talaga.
"Sa personal number nyo po sya tumatawag Mr.President."bigay alam muli nito. At doon lang sya napatigil sa ginagawa at napatingin sa cellphone nya na may limang misscalls na.
Tumunog nga ito kanina dalawang beses pero nang makita nya kung sino ang caller ay hinayaan nya lang itong mag ring. Ang buong akala nya ay si Sammi pa rin ito.
Wala syang balak na sagutin ang tawag ng dalaga.Ito ang paraan nya ng pag iwas dito.
Tahimik at nakayuko lamang si Eunji sa harap ng matanda na sinasabing lola nga ni JC.Matapos syang titigan nito mula ulo hanggang paa ay pinaupo rin sya.
Nakakatakot ang lolo ni JC pero mas nakakatakot itong nasa harapan nya ngayon tingin pa lang pakiramdam nya ay lalapain na sya. Oo nga at matanda na ito pero para syang nasa harapan ngayon ng reyna.Isang nakakatakot na reyna.Ganoon ang pakiramdam nya.
"Gusto kong marinig mula sayo kung ano ba talaga ang totoo.Marami akong apo pero si JC ang bukod tanging hindi ko nakikita at nakakasama magmula pa noon kaya itong paglapit nya sa akin ay hindi ko rin inaasahan.Pero dahil sayo nakuha nyang humingi ng pabor sakin.Bukod sa ina ka ng anak ng apo ko,sino ka ba?Hindi naman ikaw ang anak ng tagapagmana ng LG Corp."
Napaamang si Eunji at hindi malaman kung ano ang isasagot dito.
"Alam mo bang dahil sayo naungkat muli ang matagal ng tinago ng pamilyang ito! Sa tingin mo ba mapapalampas ko ang kalokohang ito?Dahil sa mag amang yon namatay ang nag iisa kung apong babae.!Dahil sa kawalang hiyaan ng ama ni JC hindi ko na nakita pa ang pinakamamahal kung apo."
Naging emosyonal ang matanda nang mabanggit nito ang nasirang apo kaya naman naputol ang mga pagtatanong nito sa kanya.Muli itong hinatid sa silid ng mga taga silbi.
Nakakatakot ang mga tanong ng matanda.Hindi naman sa nagpasalamat sya at nangyari yon para makaiwas sa mga tanong nito. Ang totoo nakaramdam din sya ng pag alala lalo pa at nakikita nya ang biglang paglungkot ng mukha nito nang banggitin nito ang sinasabing apo.
Sa kakahanap nya sa anak ay napunta sya sa tapat ng isang silid na may malaking larawan ng isang babae. pamilyar sa kanya ang hitsura ng babae ngunit hindi nya matandaan kung saan nya ito nakita noon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.