Chapter 30

3.8K 171 3
                                    


Chapter 30
Taki Suarez's POV;
'Ikapapahamak mo yang ginagawa mo Taki.'

'Kung may gusto kang protektahan kailangan mong lumaban.'

Hindi naman bigdeal yung nangyari sakin bakit pakiramdam ko may gusto pa silang sabihin sakin.

"Taki ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin kay Jun ng umupo ito sa gilid ng kama ko.

"Ayaw ba sakin ng Black Chasers?"out of the blue na tanong ko kay Jun na kinakunot noo nito.

"Ayaw sayo? Mukhang hindi naman." Sagot ni Jun na kinaiwas ko ng tingin.

'Kaya ayoko sa taong yan masyadong mabait.'

"Posible bang ayawan ka dahil sa mabait ka?" Tanong ko na kinatawa ni Jun.

"A-Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ko kay Jun na kinatigil nito bago salubungin ang tingin ko.

"Masyado ka kasing mabilis magtiwala Taki naalala mo pa yung sinabi ko sayo nung una kang dinala dito ni Kuya Jiro? 'Wag kang magtitiwala kahit na kanino.'." Ani niya na kinatahimik ko.

"Wala namang masama sa pagiging mabait pero hinay hinay ka lang kasi hawak mo sa mga kamay mo ang gatilyo." Dagdag ni Jun na kinakunot ang noo ko.

*bang*

Ani niya na parang may hawak na baril sa kamay niya bago ngumiti ng malapad.

"Si kuya Jiro ang tinutukoy ko." Sagot niya bago sumimangot at humiga sa kama ko.

"Hindi mo pa nakikita magalit si Kuya right?" Tanong niya.

"Wala naman laging expression yun pano ko malalaman." Ani ko na kinatingin ni Jun.

"Kalmado si kuya pag nagagalit at hindi mo makikita ang sarili mo sa mga mata niya pag tinitigan mo siya ng harapan."ani ni Jun bago bumangon at inikot ikot ang daliri niya.

"Isang beses ko lang yun nakita pero nakakakilabot talaga kahit si papa naihi nun sa pantalon ng magkaganun si Kuya." Dagdag ni Jun bago ngumiti sakin.

Sa mga sinabi sakin ni Jun pakiramdam ko unti unti ko ng nakikilala si Jiro sa likod ng walang emosyon niyang mukha.

---
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Napatingin ako sa veranda ng bumukas yung glass door at niluwa nun si Jiro.

"Hindi pa ako inaantok." Sagot ko bago ibaba ang hawak kong libro at tingnan si Jiro na bahagyang niluluwagan ang suot niyang necktie.

"Ayos ka lang?" Tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko at tinatanggal ang suot niyang sapatos.

"Napagod lang ako." Walang buhay na sagot niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya mula sa likod.

"You can lean on me if you want." Ani ko bago marahang haplusin ang buhok niya na kinapikit ko ng bahagya ng maamoy ko ang matapang na amoy ng shampoo niya na gustong gusto ko.

"Sa tabi mo lang naman ako nakakapag pahinga kaya sa ayaw at gusto mo yun ang ginagawa ko." Sagot niya bago sumandal sa dibdib ko at bahagya akong tiningala.

Nang magkasalubong ang mga mata namin hindi ko maiwasang imesmirize ang perfect feature niya lalo na ang kulay abo nitong mga mata na parang nag aagawan ang puti at itim sa reflection ng sarili ko mga mata ni Jiro.

Hanggang sa---.

'Ang ganda ng mga mata mo.'

'Para kang manika hihi.'

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot nanaman yun shit lang.

"Taki ayos ka l---."babangon si Jiro ng yakapin ko ang leeg niya at sumiksik sa mismong balikat niya.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon