Chapter 38

3K 138 0
                                    


Chapter 38
Taki Suarez's POV;
Napangiwi ako ng pag kagising ko nakita ang Black Chasers at White Fang sa gitna ng gymn.

"2 hours ka ng tulog." Ani ni Jiro na kinalaki ng mata ko.

"Jiro sabi ko gisingin mo ak---."

"Iloveyou." Nakangising sambit niya pagkatapos niya akong halikan at tumayo para puntahan ang dalawang grupo sa gitna.

"Jiro Porter." Pailing iling na sambit ko habang kinukusot ang mata ko.

Feeling ko full energy na ulit ako.

"Tara practice na ulit!" Sigaw ko pagkababa ko ng stage na kinatingin nilang lahat maliban kay Jiro na naglalakad palapit sakanila.

"Anong meron tanggal na ba ako?" Tanong ko habang naglalakad palapit sakanila.

"Taki wala ka bang napapansin sumusunod sunod sayo?" Tanong ni Loki na kinatigil ko lalo na ng makita ko ang mga pic na nasa maliit na mesa na pinalilibutan ng White Fang at Black Chasers.

"Bakit...ano tong mga pic na ito?" Tanong ko bago damputin ang mga pictures ko.

Nang makita ko ito hindi ko maiwasang kilabutan lalo na ng maalala ko yung mga pic na nakita ko sa labas ng dorm ni Jiro.

"Mukhang malaki ang galit nito sa kambal lahat ng pic nila dito may ekis ang picture naman nina Jun at Devin may ekis.

"Andito din sina Yuan at Loki." Ani ni Mathias bago itaas yung dalawang pic.

Yan yung sa labas ng building namin.

"White Fang!ano ito? Binubully niyo Kuya Taki ko?" Nakataas ang kilay na tanong ni Devin na kinagusot ng mukha ni Yuan.

"Matagal na yan noh." Sagot ni Yuan na kinalapit ko sa table at tingnan isa isa ang mga litrato.

"Grabe naman pagkaobsses nito kay Taki ang creepy na ang daming picture." Komento ni Jun.

"Hindi yun ang iniisip ko ang kinakatakot ko baka mailabas ito in public masisira ang White Fang at Black Chasers." Ani ko na kinatingin nina Loki sakin.

"Exposure din kay Taki." Dagdag ni Neon na kinasapo ko sa noo.

"Sa dami ng pictures na yan kung plano talaga ng stalker na buwagin tayo bakit hindi niya pa ginagawa hanggang ngayon." Sabat ni Jairus bago paghiwa hiwalayin ang mga pic.

"Dito pa lang durog na tayo." Ani ni Jairus bago ilapag ang mga pic.

May pic na pumasok ako ng dorm ni Jiro,yung kasama ako nito nung unang beses na dinala niya ako sa building nila, kayakap ako ni Devin, kaakbay ako ni Gray at yung kina Yuan at Loki nung nasa labas kami ng building namin.

"Halos lahat ng litratong andito kasama si Taki pero karamihan dito mga pic ng kambal." Ani ni Mathias bago ibaba yung pic ni Jairus na kasama si Jun.

Pagpasok nito sa office, buhat ni Jairus si Jun at lalong lalo na yung kissing scene ni Jun at Jairus.

"Kailangan natin mahanap ang stalker kinikilabutan ako sa mga nakikita ko." Ani ni Devin habang nakatingin sa mga pic.

"Hindi mo ba nakita ang mukha Loki?" Tanong ni Jairus na kinatingin ni Loki.

"Junior high hindi ko nakita ang mukha niya dahil hinampas niya sakin yung bag na itim na dala dala niya kaya nahulog yung mga pic." Ani ni Loki na---.

"Wait." Napatingin kami kay Devin ng hampasin nito yung table.

"May naalala ako last last week may nakabangga saking Junior high din nahulog niya yung camera niya ng hablutin siya ni Neon at nakita ko yung pic ni Taki sa camera niya." Ani ni Devin.

"Anong pic?"tanong ko kay Devin.

"Nasa stock room ka yata nun ng cafeteria kasama si Jun." Sagot ni Devin na kinalaki ng mata ko.

"Nanggaling ba yung estudyante sa likod ng cafeteria?" Tanong ko.

"Yeah kalalabas lang namin nun ng cafeteria ng mabangga niya si Devin ng pabalik na kami ng building." Sagot ni Neon.

"Tangna!ano ba?!" Mura ni Neon ng hilahin siya sa kwelyo ni Jiro kasunod ang ang White Fang na kinalaki ng mata ko.

"Jir---."

"Diyan lang kayo." Putol ni Jiro bago lumabas ng gymn.

"This is not good." Komento ni Jun.

3rd Person's POV;
'Ang White Fang at Black Chasers!'

Nagkanya kanyang takbo papasok ng classroom ang mga lalaking estudyante ng umakyat ang dalawang grupo ng elite habang ang mga babae naman ay halos mabali ang leeg sa kasusunod ng tingin sa mga nagagwapugang kalalakihan.

"Mr. Porter bawal ang---."

"Tabi."walang emosyong sambit ni Jiro ng harangin sila ng dalawang prof.

"Pero Mr.Porte---."

"Kung gusto niyo pa magbilang ng taon dito sa university aalis kayo." Sabat ni Loki na kinatabi ng dalawang prof.

"Nandito ba?" Tanong ni Titus kay Neon na tumitingin tingin sa mga classroom.

"Wala dito." Ani ni Neon ng---.

"Ito pa Ferrer gusto ko bukas tapos na yan naiintindihan mo?!" Napatingin si Neon sa bintana ng pinakalast na classroom sa dulo ng hallway ng---.

"Nandito." Bulong ni Neon ng walang kaano anong buksan ang classroom.

"Ayun sa dulo." Ani ni Neon na kinatayo ng mga estudyante ng walang kaano anong lumapit si Loki at hablutin ang kwelyo ng lalaking estudyante.

"Sumama ka samin." Bulong ni Loki ng makitang nanginginig sa takot ang lalaki bago hilahin palabas.

'Anong gagawin ng Elites kay Ferrer?'

'Ang White Fang at Black Chasers.'

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon