Prologue

79 6 0
                                    

"Hoy, 'Wag mo na ituloy yan! Sasakalin kita eh." "Sure ka na? Ipapaalam mo na sakaniya?"

Oh. Mga kaibigan ko 'yan, napakaingay diba?

"Oh please! It's your birthday! Stop this sh*t! Ipagpabukas mo nalang yan sis!" "Maawa ka sa sarili mo! Sasakalin kita!"

Hindi ko na sila pinakinggan. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papuntang stage.

"P'wede natin i-cancel yung special number na dineclare mo. Please, please?" "Takte naman! Napakadami niyo ng napagdaanan tapos gan'to lang pala mangyayari sa huli?"

Tumakbo na ako papuntang stage. Narinig ko pa silang sumisigaw pero hinayaan ko na.

Sabay ng pagtungtong ko sa stage ay sya ring pagtutok sa'kin ng spotlight.

Nagsisimula na akong pawisan at maluha dahil sa kaba.

Magbaback-out pa ba ako? Hindi na p'wede! I'm already here, standing infront of them.

"Good evening everyone! So this is the last performance you'll hear and see for tonight's party! I will sing a song, yes, I will sing hahahaha!"

Many of the people who's here tonight always requesting me to sing but I'm always refusing too.

"But this performance is kinda different. May pinag-aalayan ako ng kantang 'to." Hinanap ko silang dalawa. There, I saw them smiling.

"Bago ako magsimula, nais ko munang magpasalamat sa inyong lahat. Sa pagsuporta sa relasyon namin," Nang ituro ko siya ay tumapat sa kaniya ang isa pang spotlight, "At ito na, para sa lahat ng nag-aantay ng pagkanta ko. Narito na, maririnig niyo na muli ang boses ko."

Nagpalakpakan sila. Napatingin ako sa dalwang kaibigan ko na pumipigil sa akin kanina.

Umiiling sila while their eyes are ready to cry. Nginitian ko sila at saka tumingin sa Sound Operator.

Nagsimula na ang intro ng kakantahin ko, nagsimula na ulit silang magpalakpakan. Muli akong napatingin sakaniya, sa taong nakasama ko ng ilang taon na. Nakangiti siya sa'kin habang pumapalakpak.

Dahil sa mga ngiting 'yun ay tuluyan na akong napaluha. This is the last time I'll saw your smile because of me. I'm sorry and thank you for everything. I love you, baby. I always will.

Love Without RestrictionsWhere stories live. Discover now