2

17 2 0
                                    

"Good morning!" Nakangiting bati sa'kin ni Crysraell. Sumabay siya sa'kin sa paglalakad papunta sa building namin.

"Good morning," Ngumiti ako sa kaniya pabalik, "Ang aga mo lagi ah. Malapit ka lang ba sa school?" 6:00 pa lang kasi ng umaga at 6:30 pa ang simula ng klase namin.

"Nope. Malayo ang bahay namin sa school. Dalawang sasakyan pa ang kailangan mo sakyan bago ka makapunta sa amin." Tumawa siya. Ay shet, malayo talaga?

"Saan ka ba nakatira?"

"Somewhere in San Pablo." Kinindatan niya ako, "Sa Calihan." Bawi niya.

"Okay? Saan 'yun?"

"Not familiar 'no? Malayo yun sa bayan e pati hindi ka yata outgoing person."

"Yep. Sa bahay lang ako nag-iistay palagi since masiyadong strict ang parents ko pero ayos lang din kasi nga hindi ako mahilig lumabas ng bahay."

"No wonder." Tumawa pa siya.

"Hm?"

"Ang puti mo kasi."

"Since birth hahaha joke. Kayumanggi 'to 'no. Proud to be." Nagtawanan kami pagkatapos non.

Biruin mo, kahapon lang kami nagkausap tapos parang close na close na agad kami.

Nakarating na din kami sa building namin at kinakailangan pa namin na umakyat sa 2nd floor.

"Minsan ba hindi ka tinatamad kapag papasok? Ang layo kasi ng bahay niyo e. Last year kasi sa San Pablo ako nag-aaral and dito kami nag-iistay. So malayo din. Madalas akong late kasi tinatamad gumising ng sobrang aga hahaha. Pagkababa kasi ilang kanto pa ang lalakarin ko." Pagkukwento ko habang umaakyat kami ng hagdan.

"Hm. 'Di naman gasino. Ayaw ko rin kasi ma-disappoint ang parents ko na malayo sa'kin kaya nagsusumikap talaga ako mag-aral. Pati may driver naman kami na naghahatid sa'kin." Sagot niya.

Ay wows. May driver.

Tumango-tango pa ako. Nakakahiya naman. Parang ang sama-sama ko tuloy estudyante last year, tamad na tamad kasi ako pumasok.

I may be lucky at the same time unlucky. Lucky because before, everytime na nagbibigayan ng award or certificates after gradings, kahit anong position ko sa honors ayos lang daw kay mommy kasi ang importante may natututunan ako. Kapag naman hindi ako satisfied sa position ko sa honors, she'll say na 'May next time pa.'

Unlike the other parents pine-pressure nila yung anak nila sa pag-aaral kasi gusto nila maging rank 1 yung anak nila. Kapag naman hindi nakamit yung expectations nila. Dadalihan nila ng masasakit na salita yung anak nila and I think that's wrong. Bakit kasi nila tina-try hard na ipush yung anak nila sa pinaka-taas? I mean, they're doing their best just to reach their parent's expectations. Hanggang dun lang ang kaya nila e. Stop being mean to them.

Sometimes, nagkakaroon ng depression yung anak nila and sometimes it will lead to suicidal thoughts.

Ang nagpapahirap lang kasi sa'kin, never akong kinumusta ni mommy sa studies ko at kapag minsan nagkukwento ako about school, she never listened. Masakit yun para sa'kin because I'm doing this for her. Nagsusumikap ako makapagtapos for her and for my two younger sisters.

Yes, I'm doing this for them kasi I want to help my mom someday.

"Hey, dito room natin." Boses ni Crys.

Ay shet. Lampas na pala ako. Nagdrama pa kasi ako e.

Bumalik ako at sumunod na pumasok sa kaniya.

Konti palang ang tao sa room namin since 6:10 pa lang ng umaga. Mamaya pa yan sila magdadagsaan kapag 6:25 na. Malalapit lang din kasi ang bahay namin. Si Crysraell, Axshien at Ayesha lang ang malayo sa school na'to. Ewan ko kung bakit dito sila nag-aral, kasi maganda dito? Weh? Hahahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Without RestrictionsWhere stories live. Discover now