1

49 4 0
                                    

This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

WARNING: KINDLY READ THE DESCRIPTION OF THE STORY FIRST BEFORE PROCEEDING. THANK YOU!

"Uy, crush ko talaga si Axshien e!" Nakanguso kong sambit kay Ayesha.

3 linggo na ang lumipas ng nagsimulang magpasukan at itong si Ayesha ang una kong naging kaibigan.

"Ay, hinahanap ka nga pala niya kahapon nung dismissal." Sambit niya, "Asan ka ba kahapon?"

"Pumunta ako sa katabing mall eh." Sagot ko.

Napatingin ako sa upuan ni Axshien ngunit imbes na yung upuan niya ang makita ko ay 'yung si Crysraell nanaman ang nakita ko. Lagi siyang nakatingin sa'kin, pansin ko. Kaibigan siya ni Ayesha pero hindi ko pa siya nakakausap kahit isang beses.

"Hindi nangsasama! Gusto ko din kaya gumala sa mall kahapon kaso walang kasama." Napabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi mo 'ko tinext."

"Lowbatt." Napanguso siya.

"Starbucks? Sama natin si Palakol." Nagtaas-baba pa siya ng kilay.

Palakol tawag niya dun, ax daw e HAHAHAHAHAHA.

"Sige." Napalaki ang ngisi ko.

"Sama ka?" Binalingan niya si Crysraell na nakaupo sa kabilang row.

"Ha?"

"Starbucks, mamayang hapon."

"A-Ah eh..." Napatingin siya sa'kin saglit, "Ano kasi-"

Biglang tumayo si Ayesha at lumapit kay Crysraell, "Sama ka na!"

Tumingin ulit siya sa akin kaya ngumiti naman ako ng slight.

"Sige. Sasama ako." Sagot niya kaya tuwang tuwa naman si Ayesha.

"Goodmorning people!" Biglang pasok ni Axshien sa pintuan. Kung kanina ay kaming tatlong babae lang ang nandito, ngayon ay apat na kami dahil kay Ax.

Inilapag niya ang bag niya sa tabi ni Crysraell. Dun siya nakaupo e.

"Hi Aeth!" Sigaw niya at saka lumapit sa'kin.

That's my name, Aetheryzelle, Aeth or Aether for short.

"Ang ingay mo." Natatawa kong sambit.

"Hindi mo ba ako namiss?" Nakanguso niyang sabi saka kinuha ang kanang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

Ayan, ayan. Nagsisimula na namang mabuo ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"Susss! May nabubuo na ba sa inyong dalawa?" Biglang tanong ni Ayesha na lalong nagpakilig sa 'kin.

Tumingin ako kay Ax na pinaglalaruan pa din ang mga daliri ko pero nakatingin na siya sa'kin ngayon. Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Wala." Sagot ko at bumaling kay Ayesha.

Best Actress ka girl?

"Ah nga pala, Axshien-"

"Ax."

"Edi Ax." Napanguso ako, "Arte neto. Ganda-ganda ng Axshien.

"Mas maganda ka." Ani niya sa malambing na tono.

Kinunot ko ang noo ko at hinawi ang kamay niya. Syemps, para di halatang kinikilig!

"Ano ba yun?" Tanong niya at kinuha ulit ang kamay ko.

Love Without RestrictionsWhere stories live. Discover now