mahal ko.

8 1 0
                                    

mahal ko, naniniwala ka bang tayo?
naniniwala ka bang ikaw ang iisang iniibig?
totoo ang ipinapakitang damdamin ng pusong ito.
puso ko'ng hinahanap ay ikaw
mga matang gustong makita ang iyong mga ngiti
tengang himig mo ang pakikinggan
labing gustong matikman ang iyong matamis na ngiti
katawan na yakap mo ang hiling.
mahal, ako ba ay hinahanap mo rin? 
sana'y nadarama mo rin ang damdaming ito.
pangalan mo na nakasanayan,
makakasama ko pa ba ng matagal?
makikita ko pa ba ang iyong mga matang kay ganda ng kislap?
maririnig pa ba ang himig mo'ng kaakit akit?
madarama pa ba ang mga labing nakasanayan ko nang halikan?
iyang yakap mong mahigpit,
kung sakali kahit saglit,
mararamdaman ko pa ba ang init nito?
mahal, bakit kailangan ganito?
ang sakit sakit.
ang sakit na wala na.
ang sakit na minahal kita.
pero bakit
bakit ikaw pa rin
kahit na ganito ang iniwan mo sa puso ko
kahit nahihirapan ako noong tayo
mahal na mahal kita ng labis?
hindi kita mabitaw-bitawan
kahit pumipiglas na ang aking mga kamay?
napapagod na 'ko
pero mahal na mahal kita
bakit ba mahal kita?
mahal ko, masakit na
bitawan mo na 'ko
kahit ang puso'y hirap limutin ka.
mahal, bakit kailangang ganito?
bakit kailangan mong umalis?
bakit kailangang mangyari lahat ng ito?
ang bigat ng puso ko
puno ng luha ang mga mata
isipa'y ikaw lang ang iniisip
paano na tayo?
mahal ko, suko na tayo sa laban.
tama na dahil suko na 'ko.
tama na dahil wala na tayong ipaglalaban.
mahal ko, mahal na mahal kita
pero tama na.

                                                                                                                                                                                                                   

Unspoken Words.Where stories live. Discover now