♥ 16

4K 66 0
                                    

RK's POV

Bumalik ako sa plaza kung saan ang meeting place namin pero wala siya dun. Di ko na tuloy alam kung saan siya hahanapin, di ko nman kasi saulo ang lugar na to eh. Maglalakad-lakad muna ako baka sakaling makita ko siya.

Kinuha ko yung phone ko sq bulsa at hinanap sa contacts ko si Charlie.

Wala pa nga pala akong number nun.

"Buhay naman oh!" masyado atang napalakas ang sabi ko. Nagtinginan kasi yung mga tao.

Kanina ko pa siya hinahanap pero di ko pa rin siya makita. Hanggang sa mapadpad ulit ako dito sa simbahan, sinusubukan ko pa rin siyang hanapin. Baka nasa loob ng simbahan at nangungumpisal ng mga kasalanan niya.

Papasok na ko ng may marinig akong parang iyak.

Sinundan ko agad kung saan nanggagaling ang iyak na yun. Sa di kalayuan, may nakita akong isang batang nakaupo sa hagdan, nakayuko siya ngayon kaya sa tingin ko siya yung umiiyak. Mukhang naiwanan siya ng magulang niya.

Habang papalapit na ko sa kanya, bigla kong naisip na pwede tong si Charlie. Pero pwede rin namang hindi.




Charlie's POV

Nakayuko ako ngayon habang umiiyak na parang bata. Ilang minuto na kasi akong naghihintay sa kanya pero wala pa din siya.

Napatigil ako sa pag-eemote ko ng biglang may nagsalitang boses lalake.

" B-bata? Nawawala ka ba? " tanong nito sakin.

Ano ba 'to, gagshow? Pang-asar 'to ah. Bata ka diyan. Mas maliit ka pa nga kaysa sa akin.

"Wag kang lalapit. Patay ka sa kasamahan ko." Hehe kunwari lang 'to.

"Tinutulungan lang naman kita. May hinahanap rin kasi akong isip bata..at nasa harapan ko na siya ngayon. Tumayo ka na nga diyan Charlie!"  sabi niya sakin sabay tawa.

Okay tama na ang drama! Inhale exhale Inhale exhale. Galit Mode is ON!

Tumayo ako at humarap sa kanya, "SAN KA BA KASI GALING?!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin, san ka nanggaling!" sabat naman niya sakin.

"Sabi mo kasi susunod ka? Halos pumuti na yung mata ko kakahanap sayo." sagot ko.

"Ikaw lang ba ang paputi na ang mata? Sa tingin mo, hindi kita hinanap?"

Napatahimik ako. Siyempre kailangan niya ko hanapin dahil siya ang kasama ko. Siya ang kukwestyunin ni mama at ng mga pulis kapag nawala ako.

"Buti sana kung tumigil ka sa isang lugar, mas madali kitang makikita nun. Halos halughugin ko na lahat, kulang na lang hanapin na kita sa basurahan."

"Ang sqkit mo namang magsalita."

Sino ba namang tao ang hahanapin ang kanyang kasamahan sa basurahan unless kung may sayad yung taong yun.

"Uwi na tayo." pagalit nyang sabi sakin. Sabay hila sa kamay ko ng sobrang higpit.

"Aray naman Ranz! Mas mabuti pang wag mo na lang akong hawakan please, kesa sa ginaganyan mo kamay ko." reklamo ko sa kanya.

"Baka kasi mawala ka na naman... kaya manahimik ka na please lang." sabi nya sakin habang pinagdidiinan yung salitang please.

Pinabayaan ko na lang siya. Ramdam ko din nman na ako ang may kasalanan. Kita ko nman sa mukha nya ang pagkaconcern eh. Maya- maya tumigil na rin kqmi sa paglalakad.

"O sumakay ka na dito, ako na ang bahala sa pamasahe mo, bukas sa plasa ulit ang meeting place 9am sharp. " sabi nya sakin.

Agad naman nya pinara yung tricycle na dumaan at pinasakay na nya ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to, may goodside pa naman pa lang natitira sa kanya.



Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon