CHAPTER 32

23 0 0
                                    

Previously on BLooDy MooN

Iyon ay ang pagkakaroon ng anak at ang pag sakop ng mga vampira sa amerika, pero nanatiling naka pikit at nagkunwari akong tulog dahil ramdam ko ang sakit na ginawa niya para lamang pahintuin ako sa pag inom ng kanyang dugo.


Chapter 32

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko gusto ang nangyari sa aking pag babago , lalo pa at kabilugan ng buwan. Kahirap pigilin ang pagka uhaw sa dugo, halos lahat na nang gamit sa buong kwarto ay pinag babato ko na sa inis at galit.




Bawat pag wawala ko ay pilit na pini-pigilan ako ni Denver, hanggang sa umabot na ng pakikipag talik sa kanya, at unti unti ay nararamdaman ko na ang pag mamahal na ipina pakita niya sa akin, maraming beses ko na siyang gustong patayin , pero palaging my pumipigil sa akin.





Ang sakit, sakit kasi..dahil biruin mo, ginawa ka nang vampira at pagka tapos ay nagka anak ka pa?...two in one, lalong kamumuhian ako ni mom
At paniguradong papatayin rin nila ako sa galit, dahil galit na galit sila sa mga vampira.



Sumunod ang mga ilang araw, hanggang sa nag edad ng walong taon ang anak ko na si Vlandemirre,
Nakuha nito ang ugali ko na pagiging tahimik, matalino at hindi nag titiwala sa ibang vampira o kahit Sino pa man.




Huminga muna ako ng malalim bago muling bumaling sa labas ng palasyo
Ito kasi ang araw na ipapakita na ako sa buong mga vampira, nais akong ipakikilala ng kamahalan sa kanyang nasasakupan, at Ito na siguro 'marahil na kailangan kong tanggapin ang pagiging vampira.





Lumapit sa tabi ko si Vlandemirre, gwapong gwapo Ito sa suot niyang amerikana , ang buhok niya ay sinuklay at ginel upang mas maging maayos at perpekto ang itsura nito.
Siya kasi ang mag mamana ng trono naming mag asawa (kristella at Denver) " mom, the event is getting started!" Napa tango ako sa sinabi niya. Strict  na strict ang anak ko.





Kahit ayoko pang tumayo , ay pinilit ko upang hindi ako pagalitan ni Vlandemirre, "let's go!" Saad ko sa kanya , inilahad ko ang kamay ko para I abot ang mumunting palad niya at hindi naman niya ako binigo.







Unknown Point Of View

"This is the second time na mag hihiganti Tayo!!!.. handa na ba kayo'?...!!!!!" Sigaw ko sa mga sundalo at ang iba pang kawani ng gobyerno. Ito na ang oras na aming iniintay, saktong sakto ang pag punta ng mga vampira sa palasyo , at Doon namin sila tatapusin.




"Dugo! Laban sa Dugo!!...buhay Laban sa mga patay!!!!" Muli ay sigaw ko na ikina sigaw ng mga alagad ng batas, " OO!!!!" Sigaw nila na ikina ngisi ko. " Tara na!!! Sugurin na natin silaaaahhh!!!" Muling sigaw ko at naka pila ang mga sundalo na my hawak hawak na mga sandata,



May mga basbas iyon upang madagdagan ang bilis at lakas ng mga ito, ibat ibang klaseng sandata ang ginawa nila, karamihan ay mga baril o kahit na anong klaseng pumuputok. Ang mga bala nila ay may gamot na siyang makaka patay sa mga vampira kaya Wala nang makaka pigil pa sa amin. Meroon  namang  mga sandatang espada ang gamit ng mga sundalo dahil sinanay  sila ni rina na maging mahusay sa pag gamit ng espada,  pumasok ang limang soldiers sa loob ng elevator.






Kada limang soldiers ay pumasok sa loob ng elevator, batid nilang magiging mapa nganib ang susuungan nilang digmaan, sapagkat mga kakaibang nilalang ang kanilang kakalabanin, halo halong emosyon ang bumabalot sa mga sundalo.




Ang bumabalot sa kanilang emotions ay ang inis, galit, excitement at higit sa lahat ay ang takot. Takot na maaring ika matay nila, ng mapuno ng mga soldier ang sala , kusina, kwarto, nang mga sundalo sapagkat iniintay nila ang kanilang pinuno'.





Na si kristina , huling lumabas sa elevator ang mag asawang Williams at si Kristina, hindi na pinayagan ni Kristina na sumama ang presidente ng amerika , dahil bago sila umalis ay pina inom niya ito ng pang patulog.
Natatakot kasi si kristina na hindi niya mapigilan ang asawa na sumama sa kanyang Laban.





Nais kong maka tulong sa ating bansa
Kaya hindi ko hahayaang , masaktan ang asawa ko. Nang makita ko lahat ng mga taong sasabak sa digmaan ay nakita ko ang katatagan sa kanilang mga mukha. Lalo kong tinatagan ang pag hawak sa aking sandata. Ang mahika na nag tataglay ng malakas na kapangyarihan.





Nauna akong lumabas ng dobleng pintuan, malaki ang tuwa ko ng mapansing walang kahit isang vampira ang nasa paligid, humakbang ako ng isang libong metro sa mansion ng mga Williams.





Isa Isa ang pag labas ng mga tao', nag martya ang mga ito at pumila ng maayos, nang maka pila ay nag salita ako. " Ito na ang pina hihintay natin.. Ang kalayaan na matagal na nating hindi na lalasap!!. Kaya naman! Mag handa na tayo!!. Sino ang gustong ibuwis ang buhay para sa ating bansa? Humakbang kayo' ng Isa !" Matatag na tanong ko sa kanila, lahat sa kanila ay humakbang na ikina ngiti ko.




"Sugod!!" Sigaw ko, kanya kanyang sugod ang mga sundalo, kasama ang mag asawang Williams,  pero mas nauuna ako sa kanila, sapagkat gamit gamit ko ay ang walis na matagal ko ng Hindi pa nagagamit, bilang kahuli hulihan na mabuting witch, ay hindi ko na itatago pa sa mga tao at pati na rin sa anak ko.





Sa wakas ay natatanaw na namin ang malaking palasyo, saglit na huminto ako at nag taas ng kamay, "sandali!" Mahina kong saad sa mga sundalo. Kaagad na huminto ang mga ito sa ginawa kong senyas. Saglit akong sumilip sa itaas ng balkoni , sumama ang mukha ko ng makita ang hari at reyna, nag uusap ang mga ito.



At sa hindi ko inaasahan ay ang pag labas ng babae na may kapit kapit na bata sa kamay nito, biglang lumukso ang galit ko, "napaka walang hiya!!.. nila!!. Ginawa nilang Isa sa kanila ang anak ko!!.. at...pati na rin ang Apo! K0!! Hindi ko sila mapapatawad!!" Gigil na sa wika ko sa aking sarili.






Humarap ako sa mga sundalo at nag wikang " change plan!" Kaagad na nakuha nila iyon, at mabilis na sinugod ng mga sundalong my hawak na espada ang mga studyanteng vampira. Kaagad na nagulantang ang mga studyanteng vampira sa mga tao'






To be continued...



A/N

Hello guys! Ang susunod na chapter ay last chapter , pero my special chapter naman po.


Pag pasensyahan nyo na po ako, kung maikli lang ang BLooDy MooN. Kasi naka pokus din ako sa book two nito.
Ang the Awakening Vampire and the maid.





Hope you can read this first before the second book.

Bloody Moon Where stories live. Discover now