CHAPTER 24

2.1K 26 1
                                    

Avery:

"Wag kana lang kayang umalis Max" malungkot kong bulong sa kanya.

Agad namang humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Baby, if I don't settle things like this hindi tayo matatahimik at ayokong mangyari iyon" sabi niya at hinalikan ng marahan ang aking mga kamay.

Natatakot ako baka may masamang mangyari kay Max doon, alam naman natin na marami siyang kalaban.

"Don't worry babe, after this hinding-hindi na ako mawawala sa tabi mo. Pangako" seryoso niyang saad.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni Dalia hinihintay nalang nila Max si Alas para ihatid sila sa Airport.

Ayokong sumama sa Airport dahil baka hindi ko na talaga pa paalisin si Max.

"Basta mag-ingat ka doon ah, wag na wag kang magpapalipas ng gutom" naluluha kong saad habang nakayakap sa kanya.

Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala ang lalaking ito sa tabi ko. Mahal na mahal ko ito eh.

Bumitaw ako sa yakap. Binigyan nya ako ng isang seryosong titig bago niya ako hinalikan ng marahan.

"Damn! Kaya kita mahal eh" seryosong usal niya.

Agad niyang hinalikan ang aking pisngi at pinunasan ang aking mga luha.

"Kasi naman Max eh" diko talaga kaya.

He smiled ate me.

"Baby, I'm the man of my words. Pag sinabi kong babalik ako, babalik talaga ako. Ayoko naman yatang makita na makasal ka sa iba kay hintayin mo ako" ako naman ang natawa sa sinabi niya. Kahit kailan talaga.

"Opo sir" sagot ko.

Dumating naman si Alas.

"Pano ba yan, alis ka na boss eh" sabi ni Alas.

Tumango lang si Max at hinalikan akong muli bago kinuha ang jacket niya at tumalikod.

"Wait for me baby, I love you so much" naiiyak na naman ako sa sinabi niya.

"Opo sir, ingat ka doon" sabi ko, ngumiti lang siya at bumaling kay Alas.

"Take good care of my Avery dipshit!" saad ni Max bago siniko ng malakas si Alas.

"Putangina! Oo na nga boss eh, paulit ulit? Ang sakit nun ah" reklamo nito kay Max.

"Boss, let's go" salita ni Thrace sa gilid.

Maximus just nod before waving his hand at me.

Sana gabayan ka ng panginoon sa gagawin mo Maximus. Hihintayin kita.



Third Person:

"Ano?!" sigaw ni Thorn.

Agad naman nagulat si Avelard (Avery's Father) sa sinabi ni Thorn.

Pinakita na kasi ni Avelard ang litrato ni Avery sa kanyang step brother.

"Bakit may problema ba anak?" naguguluhang tanong ni Avelard sa anak.

Agad namang sinuntok ni Thorn ang dingding.

"Dad, that girl" hindi siya makapaniwala na ang Avery na kinakamuhian niya ang ang kapatid niya pala sa ama.

Mas lalong naguluhan si Avelard sa inakto ng anak.

"Why? You know her?" tanong ni Avelard sa anak.

Humarap naman si Thorn sa ama.

"Yes Dad, I fucking know her. Girlfriend lang naman siya ng taong muntik ng pumatay sa akin!" agad nanlaki ang mga mata ni Avelard sa sinabi ng anak.

Di siya makapaniwala.

"What?" ano bang nangyayari tanong niya sa sarili.

"Yes Dad, Avery Alvarez is the girlfriend of that fucking son of a bitch Maximus Kerrington! Putangina!" galit na galit si Thorn sa nalaman na kapatid nga niya ang babaeng ayaw niya.

Umupo si Avelard at hinawakan ang ulo, halos mabaliw siya sa nalaman.

"No, this should not happen! We need to separate Avery and Maximus. Damn!" mahinang saad ni Avelard.

Pulang pula ang mukha ni Thorn sa galit. Di siya makapaniwala na kapatid nga niya ang babaeng hampas lupa na iyon.

"Anak ko si Avery, kaya sa atin siya. Hindi ako papayag na sa demonyong Maximus siya babagsak" madiin na saad ni Avelard.

The CEO PossessionWhere stories live. Discover now