Simula

180 9 0
                                    

"Dad? Tungkol saan ba ang family meeting na 'to?" Napasulyap ako sa pamilya ni Russel na nakaupo na sa dining area. Habang kami naman ay nasa pinto ng kusina. "Bakit kailangang nandiyan family ng bestfriend ko?" pagpapatuloy ko. Mahihimigan ang pagkalito.

"Anak," sabi niya bago hawakan ang dalawang kamay ko. Medyo mahigpit iyon at mararamdaman ang paghaplos. "Alam mo namang para sainyong lahat ang ginagawa ko diba?" naguguluhan ma'y tumango ako. "Alam mong kapakanan lang ninyong magkakapatid ang iniisip ko."

"Dad, wala ka namang nasagot sa mga tinanong ko," sabi ko habang titig na titig sakanya. Binabalot na ako nang kaba dahil ngayon lang siya nag paligoy ligoy sa pagsasalita o sa pag sagot. Kilala ko si dad, prangka siya at ayaw na ayaw niya ng masiyadong pinaiikot ikot ang usapan.

"Malalaman mo mamaya, mahal na mahal ka namin anak." Ngumiti siya pagkatapos sabihin iyon bago ako alalayang makabalik sa dining area kasama ng lahat. Hindi na lang ako nagsalita. Biglang nagsipagtayuan ang balahibo ko ng tumikhim si dad.

"Kumare, kumpadre, alam kong alam ninyo kung bakit tayo naririto." Bagama't nalilito ay tahimik na nakinig na lang ako.

Kumare? Kumpadre? Wth?

"Narito tayo para pagplanuhan ang kasal ng mga anak natin."

Natigilan ako. Dahan dahan along nag angat ng tingin. Sumalubong saakin ang mga mata ni Russel na puno ng pag aalala. Natutuliro.

Ipinihit ko ang tingin ko kay dad na noo'y nakatingin na rin saakin?

"W-who?" Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na.

"Russel and---"

Napabalikwas ako nang mapanaginipan ko nanaman iyon. Freak. Bakit kailangang gabi gabi pa?

Naihilamos ko ang sariling kamay sa mukha ko. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga bago tumayo at maglakad palabas ng kwarto. Madilim kaya naging maingat ako sa pagbaba ng hagdan. Kumuha ako ng tubig sa ref, muntik ko pang mabitawan ang hawak kong baso at pitsel nang maaninag ko ang isang lalaki. Inalalayan niya ang hawak ko saka tumikhim. "Sorry," sabi niya bago bitawan ang pitsel mula sa nakaalalay niyang kamay.

Dumeretso siya sa switch ng ilaw na pinagliwanag ang buong kusina.

Nagmadali akong uminom. Ipinasok ang pitsel sa ref at inilapag ang baso sa sink.

"I said, sorry." malumanay niyang sabi.

Nakuha ko naman agad ang gustong iparating ni Russel, pero nagkibit balikat lang ako't tumuloy sa pag alis, hindi na nag abala pang lingunin siya. Narinig ko naman ang yabag niya na senyales ng pagsunod nito. Napakabibigat niyon na naging dahilan ng pagngisi ko.

"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan saakin? Look, we live under the same roof, but here you are? Treating me as if you don't see m--"

"Shut up, will you?" iritadong sabi ko ngunit nanatiling nakatalikod. "It is all your fault, remember?" naging papahina nang papahina ang boses ko, pinipigilang kumawala ang murang gusto kong itapon. Emosiyon na gusto kong iparating at panunumbat na gusto kong siya mismo ang makaramdam. "Don't act as if.." Natigilan ako. Natahimik. Hinawakan ko ang batok ko at inikot ang ulo na nakatingila. Pinalabas na sumasakit iyon, ngunit ang totoo'y pinipigilan kong bumuhos ang emosiyon ko sa mga oras na iyon. Pati ang luha'y tinatraydor ako.

"As if what, Ria?" Pambabasag niya sa katahimikan.

"Nothing. I need to go back to sleep. Good night," sabi ko at na sa pag akyat.

Isinara ko na ang pinto at sumandal doon.

Freak! Fuckyou Russel.

Ipinilig ko ang ulo ko at lumapit na sa kama't naupo. "Never, ever, believe on him Ria. You should not, okay?"

Napatitig ako sa sahig. Kusang tumulo ang mga luha, luha hindi dahil sa sakit pero dahil sa katotohanang ako lang, sa mga oras na 'to, ang may kakayahang paaluhin ako.

I bitterly smile, lay down and close my eyes.

You're a brave girl Ria, good night.

---

Inang_Maria

Unconsciously SinnedWhere stories live. Discover now