Prologue

9.2K 85 14
                                    

TINAPAKAN ni Slater ang silinyador ng sasakyang gamit niya at lalong pinaharurot iyon. Hindi siya maaaring matalo sa labang iyon at ayaw rin naman niyang matalo. Simula nang maging isa siyang stock car racer ay hindi pa niya nararanasang maging kulelat sa mga nagiging laban niya, ngayon pa na isang Monthly Patron Race lamang ng mga Camp Speed members ang nagaganap? Stock Car ang race nila para sa buwang iyon kaya kahiya-hiyang tingnan kung matatalo siya sa labang iyon.

"Hindi mo ba ako puwedeng bigyan ng pangalawang pagkakataon? Talaga bang wala nang pag-asang mapatawad mo ako?"

Napamura siya dahil sa tinig na iyon na muling umukilkil sa isip niya. Hindi siya maaaring ma-distract ng isang babaeng matagal na niyang ibinaon sa limot. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya.

Talaga?

Nahampas niya ang manibela nang sa wakas ay matapos ang race. Alam niyang kasama siya sa limang huling nakatapos ng karerang iyon. Siya, na kilala bilang magaling na racer hindi lang sa loob ng Camp Speed kundi sa ibang panig ng mundo, natalo sa isang simpleng match dahil sa isang babaeng walang abog na ginulo ang isip niya dahil sa muling pagbabalik nito sa buhay niya.

Lumabas siya ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto. "Anong nangyari sa'yo?" tanong agad ng papalapit na si Vonn. Siguradong isa rin ito sa mga kasama niyang nangulelat sa karerang iyon. Isa naman itong racer sa Formula One. Hindi katulad niya, mukhang wala lang naman para dito na natalo ito.

"I don't know. Hindi ko lang siguro araw ngayon." simpleng sagot niya. Magkaagapay silang naglakad palapit sa mga kasamahan nila na nagkakagulo na.

"Here comes the other kulelat among the racers." salubong sa kanila ni Nick na nakangisi pa ng nakakaloko.

"Don't start, Nick." banta niya dito. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin dahil nanahimik na ito at ang ibang mga kasama na lang nila ang inasar nito. Nagpasya na siyang umalis na lang nang sa pagpihit niya ay nakita niya si Zeke. Mataman ang pagkakatingin nito sa kanya. "What?"

"Alam ko kung bakit ka natalo." makahulugang sabi nito. Seryoso man ang mukha nito, kumikislap naman ang mga mata nito.

Kumunot ang noo niya dahil hindi agad rumehistro sa isip niya ang ibig nitong sabihin ngunit ilang sandali lang ay nag-sink in na iyon sa utak niya. Hindi ito mukhang nang-aasar lang ngunit naasar pa rin siya dahil sa sinabi nito.

"Walang dahilan kung bakit ako natalo. Hindi ko lang talaga araw ngayon." malamig ang tinig na sagot niya dito. Tinalikuran na niya ito at dere-deretsong naglakad patungo sa locker room.

May palagay siyang hindi na matatahimikang mundo niya ngayong nagbalik na ang taong siyang dahilan ng malakingpagbabago sa buhay niya sa nakalipas na limang taon.

Camp Speed Series 3: My Stupid Heart [Published Under PHR] (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora