Epilogue

4.4K 82 7
                                    

MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok sina Bea at Slater sa Speed Café. Katatapos lang ng monthly race at siguradong doon ang punta ng karamihan sa mga racers.

Naabutan niyang nakayukyok sa isang mesa ang mga pinsan niya kasama sina Nick at Ivan. "Anong nangyari sa inyo?" nagtatakang tanong niya sa mga ito. Hindi kasi nila naabutan ang racing event dahil na-traffic sila papunta doon.

"Talo sila kaya para silang mga engot na namo-mroblema ngayon." natatawang singit naman ni Terrence na nakaupo sa kabilang mesa.

"Bakit? Anong pino-problema nila? Iyong pagtuturo sa Academy?"

"Hindi. May kumakalat kasing balita sa buong camp na ang mga matatalo sa monthly race ay nagkakaro'n ng lovelife. Just like Mitch, Vonn, Gabby and Keith. And now, Slater." paliwanag naman ni Nate.

Pumalatak si Slater. "Masaya kaya magkaro'n ng lovelife. Tingnan n'yo ko, masaya. Hindi dapat kayo natatakot magkaro'n no'n because it will make your life a lot easier." may himig pang-aasar ng kanyang nobyo sa mga ito.

Halos sabay-sabay pang nag-angat ng tingin ang mga ito at binigyan ng matalim na tingin ang binata na ikinatawa lang nito maging ng ibang taong nando'n. Alam niya kung gaano katakot ang mga pinsan niya na magkaro'n ng lovelife. Ngunit hindi naman maiiwasan iyon. Dadating at dadating iyon sa buhay ng tao kahit gaano man nito iyon iwasan.

Hiling lang niya, sana ay makita na din ng mga ito ang mga babaeng nakalaan para sa mga ito at nang maging masaya na rin ang mga ito katulad niya.

"Halika na, baby. Alis na tayo dito. Mukhang wala tayong mapapala sa pang-aasar sa mga pinsan mong talunan eh." pambubuska pa din ni Slater sa mga ito.

"Beatrice, hiwalayan mo na iyang boyfriend mo. Ngayon na." nanggigigil na utos ng Kuya Zeb niya. Ito ang pinaka-pikon sa tatlong magkakapatid.

Binelatan lang niya ito. "Magiging okay din kayo, mga kuya ko. Be happy lang. Always." Iyon lang at nagpahila na siya sa kanyang nobyo palabas ng lugar na iyon.

Wala na siyang mahihiling pa sa buhay na mayroon siya ngayon. At masasabi niyang kumpleto na siya dahil kasama na niya ang tanging lalaking mamahalin niya habang buhay.

---WAKAS---

Camp Speed Series 3: My Stupid Heart [Published Under PHR] (Completed)Where stories live. Discover now