TTU 4: LET'S DATE

8 1 2
                                    

AYESHA'S POV

Ahh! Ang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Dahan2 kong minulat ang aking mga mata at parang hindi pamilyar sa akin ang lugar na to. Tingin sa kanan tingin sa kaliwa. Teka! Parang may mali. Nasan ba ko.. hays ano ba kasing nangyari at bat napunta ako di-.... wait.. ang naalala ko may nagnakaw sa bag ko tapos nabangga ako sa bench at... ok fine! Diko na maalala ang nangyari. Hays!

"Nasaan ba kasi ako ! Tsk!" Padabog kong tanong sa sarili.

Nilibot ko ang napakalaking kwarto na to. Ang ganda at napaka organize. May mga palamuting nakasabit kung saan at mukhang mamahalin ang mga ito. Pumunta ako sa may bintana na parang pinto na siya at ang ganda ng hangin, presko. Nilibot ko na siguro ang boung kwarto na to pero diko parin alam kong nasan ako. Pumunta ako sa may harap ng kama kung nasan nandoon ang isang malaking TV na mukhang sinehan na at ang baba nito ay ang mga nakapatong na mga Picture frame na kuha ng isang pamilya. Apat sila, isang babae at isang lalaki kasama ang ama't ina nito.. nagulat nalang ako ng may nagsalita..

"Good Morning lady." Bati niya sakin at ng humarap ako nanlaki ang mga mata ko. Nakatayo siya sa pinto na may hawak na isang tasang kape habang sinisigop niya.

"Why are you here !! I mean.. why am I here?!" Sigaw ko sa kaniya. Bakit ba siya nandito? Wait.. wag niyong sabihing pamamahay niya to! No way.

"Can you lower your voice? Your in my place." Sagot naman niya sakin . So nandito nga ako sa pamamahay ng hinayupak nato. Bakit ba niya ako dinala dito. Tsk!

"Then why did you bring me here?! Did you do something to me ?" Bulalas ko uli sa kanya.

"Can you please stop talking nonsense? Can you just be thankful because I save your life?!" Pa iritang sagot niya sakin. So ako pa ang nagka utang na loob dito. Di ko naman sinabing tulungan mo ako ah!

"Eh di sana di muna lang ako tinulungan! Easy as that!." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You're just too confident lady, you can't even defend yourself Tsk! Tsk!" sabi niya na mukhang ng aasar pa at pa iling-iling. Naku! Pag ako di nakapag pigil sayo sinasabi ko talaga!

"Duh!!.. I need to go home now, I have still class today! and I don't want to waste my time talking to immatured people." Paalis na sana ako kaso hinarang niya ang isa niyang kamay sa dadaanan.

"Where do you think your going lady? Do you know what can I do to those stubborn people?" Pagbabanta niya sakin. The hell I care !

"You don't need to attend the class today, your already excuse and it's fix. I already ask permission to your mom as well." paliwanag niya. Anong mom ka jan di mo kami kilala hoy! Di mo pa nga ako kilala mama ko pa kaya.

"What are you talking about!? You're really insane.. I said I want to go home!" Sigaw ko ulit sa kanya pero di ako pinansin at patuloy lang niyang sinisigop ang kape na nasa tasa.

Ano bang problema ng hinayupak na to ?! Sapakin ko na kaya? I don't care kung nasa teretoryo niya ako Lakumpake! Tsaka pano siya nakapag paalam kay mama eh di nga siya kilala ni mama. Naku talagang ng gigil na ako sa mokong na ito eh!

"It's payback time Lady." Nakangising sabi niya. Bakit ang cute niyang ngumiti... hayss no ayeee magkaaway kayo kaya tigilan mo yang kagagahan mo.

"Anong payback2 sinasabi mo jan! Tsaka stop calling me lady!" Sinungitan ko naman siya ulit. Wala na bang katapusan to? Hays gusto ko ng umuwi alam kong nag alala na si mama sa kin huhu.

"Do you still remember what you did to me last time, Lady? Hmm?" Tanong niya sakin na may pinapaalala.

"Then?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

"Well, As I've said to you earlier. It's time for you to pay what you did." Sabi niya ng naka cross ang dalawang kamay. Ano bang sinasabi ng gagong to!

"Ano namang dapat kong pagbayaran eh wala nga akong atraso sayo! Ano dahil lang ba to sa nasira mong gamit? Mygad naman maliit na bagay lang yun napa--" hindi niya na ako pinatapos at bigla niya akong sinigawan.

"Shut the f*ck up!!" nagulat naman ako at nanlaki ang mga mata ko. Ibang aura ang mukha niya ngayon at parang nag dilim ang kanyang mga paningin. May nasabi ba akong mali?

"Don't say that it's just a little thing and don't act like you know the reason why I really valued that thing!! Because you don't know what's behind on it!!" Paliwanag niya sakin at di pa rin naalis ang galit sa kanyang mukha.

"Fine! Then leave me alone!!" Aalis na sana ako ng pigilan niya ulit ako.

"I told you, you can't go home until you did not pay your consequences." Pagharang niya ulit sakin at nawala nadin ang galit sa kanyang mukha. Ano ba kasing gusto ng hinayupak nato!

"What do you want?!" Iritang tanong ko sa kanya. At mukhang pinag isipan pa ang kanyang sasabihin.

"Let's Date." Nakangiting sabi niya habang  ako, heto nanlaki ang mata sa sinabi niya. Ano raw? Da..Date?! Baliw ba siya?

"Da--Date?!! Are you insane? No way! Just no way! Ano ka sinuswerte." Halatang gulat padin ako pero lakas loob kong sigaw sa kanya. Date niya mukha niya.

Baliw na talaga tong mokong nato. Di pa nga ako nagkapag boyfriend, date na agad!? No way. Kung makikipag date man ako not to this evil one...Nakaharap padin siya sakin at naka cross ang dalawang kamay.

"Stay here then." Sagot niya na may kasamang pang aasar.

"You're really crazy! Pwedi naman  ibang bagay jan. Kahit maglinis nalang ako dito sa kwartong to. Oh di kaya taga gawa ng assignments mo. Pero yang sinasabi mo, it's impossible to happen. Never! Ano ka siniswerte ? If I have one person to date not like an evil like you!! Date mo muk---" di na ako nakatapos ng pagsasalita dahil unti unti na siyang lumalapit sakin at ako naman napapaatras nalang.

Nakatingin siya sa mga mata ko at dahan2 niya namang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at ilang layo nalang magkakahalikan na kaming dalawa. Ramdam ko na ang hininga niya. Wait ginawa na niya to dati ah! Ano batong lalaking to ! He's really crazy! Di parin siya tumitigil sa paglapit sakin at napapaatras na lang din ako hanggang sa namalayan ko ang dulo ng kama at kunting lapit pa niya ay matutumba na ako. Ayan na ang lapit na niya... at.. at.... tuliyan na akong natumba sa kama at palapit pa din siya na may sinasabi.

"Let's date or I'll kiss you?" Dahan dahan niyang sabi at kunting lapit nalang talaga niya hahalikan na niya ako huhu help me people may rapist dito ! I really hate this evil! Diko na talaga kaya ang ginagawa niya at wala na akong magawa kundi ang pumayag haish!!

"Fine ! Let me go !" Sigaw ko habang tinulak siya palayo at dali dali akong tumayo.

"Good. See you. I'll pick you up tomorrow." Nakangiting sabi niya at tuluyan ng lumabas. Ng aasar batong gagong to ? Hayss! Kainis. Pero teka he'll pick me up e hindi nga niya alam san ako nakatira haler ! Bahala siya sa buhay niya. Di ako sisipot, mag date siya mag isa!

****

The Truth UntoldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora