TTU 17: JEALOUS??

6 0 0
                                    


3 DAYS AFTER

Excited ang lahat sa event at naghanda narin ang mga cheering squad para magperform bago magsimula ang liga. Marami-rami narin ang mga estudyante na dumarating sa venue kung saan e held ang liga, sa gym. Ilang oras pa ay napuno puno narin ang mga bakanteng bench.

Maya-maya pay lumabas na ang mga players. Una ang red team na pingungunahan ni stephen. Hiyawan at palakpakan naman ang sumalubong sa kanila. Nagtungo na ito sa kanilang pwesto sa may kanan. Ilang oras lang din ay lumabas narin ang blue team na pinangungunahan ni lyndon kasama si lester, leonil at iba pa. Mas nagsigawan lalo ang mga audience at napuno ng ingay ang venue.

" Omg! Stepheeeeen !! "

" Go blue team ! Go lyndon !! "

" Lyndon!! Lyndon !! Lyndon !! Go go go !! "

" Go red team !! Stephen I love you !! Waaaah !! "

" I love you leonil and lester !! Marry me lyndon ! Go blue team !! "

Na excite ang lahat at samo't saring pag cheer ang tanging naririnig. Pumwesto naman sa kaliwa ang blue team. Bago umupo si lyndon ay sinulyapan mo na niya ang VIP seats ngunit wala pa ang babaeng hinihintay niya. Inis ang naging reaksyon ng kaniyang mukha.

Sa labas ng entrance naman ay hila-hila ni sassy si ayesha na para bang nagmamadali ito at hindi na makapagpigil ang pagiging excited.

" Ayeee hurry the game will about to start in a minute baka di tayo makapagsimula " pagrereklamo ni sassy habang hawak2 sa braso ni ayesha.

" Oo na heto na can you please relax " sagot naman ni ayesha sa kaibigan habang bitbit ang dalawang bottled water.

Ng nasa entrance na ang dalawa ay agad naman nilang binigay ang kanilang ticket at dali-daling pumasok sa venue. Agad naman silang tumungo sa VIP Seats at umupo. Ng nakita ni ayesha ang team nina lyndon ay nakaramdam siya ng saya sa mukha.

This is my first time supporting someone... ito pala ang feeling kapag chinecheer mo ang taong unti-unti mo ng nagugustuhan.... Yes I'm learning to like you even your idiot !! But I'm afraid to confess.. baka kasi di ako worth it.....

Ilang oras nalang mag sisimula na ang laro. Napansin naman ni lyndon na dumating na sina ayesha kaya naramdaman niya ang saya at mas lalo siyang lumakas.. napansin naman siya ni lester at leonil at inasar siya ng mga ito.

" Oooww! Bro seems like you have a lucky charm today! " pang aasar ni lester.

" My heart ... ouch! " dagdag pa ni leonil habang hawak2 ang dibdib.

Napailing nalang si lyndon na may ngiti sa mga labi at tinapik niya si leonil at di na pinansin ang dalawa. Nasulyapan din ni stephen si ayesha at ngumiti ito sa dalaga.

Pumwesto na ang cheering squad at nagsimula na nga itong mag perform. Pagkatapos ay naghanda na rin ang dalawang team at pumwesto na sa gitna ng court. Sa blue team ay sina lyndon, lester, leonil at ang dalawa pa nitong kasama habang sa read team naman ay si stephen at ang apat niyang kasama. Nagkaharap na sina lyndon at stephen at pumagitna naman ang referee habang hawak2 ang ang bola na kaniyang itinaas.

Prrrrrrrrrrrtt !!!

Sirbato ng referee sabay toss ng bola. Agad naman itong napalo ni lyndon at napunta kay lester. Tumakbo agad si lester dinribble ang bola at ipinasa kay leonil, agad naman itong nasalo ni leonil at tumakbo pakaliwa habang naka dribble din ang bola. Ipapasa na sana niya kay lyndon pero nahirapan siyang makalusot dahil may nakaharang na kalaban kaya humanap siya ng botas para mapasa niya kay lyndon ang bola. Tumatakbo parin ang oras. Maya2 pay nakalusot na nga si leonil at tuluyan ng napasa nag bola kay lyndon at agad naman niya itong na e shoot.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now