First

33 20 9
                                    

The Rain

Rain's POV:

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko.

"Ang guwapo talaga ng boyfie ko, ano?"

Lumapit ako sa kanya, at niyakap ang likod niya. Umaasa ako na sana, na sana humarap siya at sabihing 'mahal kita' tulad ng dati niyang ginagawa. Habang may mga ngiti sa magagandang labi at babanggitin ang pangalan ko.

Pero hindi nangyari.

" Kaya madaming nalilink na pangalan sa'yo eh. Ang guwapo mo kasi. Pero alam ko na maha-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang humarap siya. Walang emosyon sa mukha, ibang iba sa una kong nakita at nakilala. Ibang iba sa lalaking minahal ko't nakasama.

Pinipilit kong pigilan ang sariling mapaiyak.

" Let's end-" Siya naman ang hindi ko pinatapos. Napalunok ako ng ilang beses. I have an idea, pero hindi ko magawang paniwalaan.

Mahal ko kasi.

Nanlalabo man ang aking mga mata dahil sa pinipigil na luha, nakayanan ko pa ring magsalita.

"Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na iyon. Iyong nasa litrato? Hindi 'yun totoo. Mahal mo ako eh"

"Rain"

He' s always been like that. So cold and authoritative. But when you really meet him, inside, he's different. He seems heartless, but in fact, he's warm.

"Tapos, akala pa nila, wala na tayo. Kung makasalita-"

"Rainzell Jierney."

Doon na naglandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. My heart broke into pieces, parang paulit-ulit nag play sa utak ko ang malamig na pagtawag niya sa pangalan ko. Napakasakit, it's nothing like before.

Tumingala ako upang kahit papaano ay mabawasan ang lungkot na nadarama, sakit at mga luhang kanina pa rumaragasa.

Traydor talaga ang luha, ngayon pa talaga hindi tumitigil?

Nang tumingin ako sa kanya ay lalong nadagdagan ang sakit. Habang nakatingin ako sa mukha niyang walang emosyon, natanong ko ang salitang hindi ko alam kung kaya ko pa bang pakinggan.

"Bakit?"

I saw different emotion in his Doe eyes. Nagkaroon ako ng pag-asa. I tried to reach his hand, but he slapped mine away. Naipit ang boses ko sa lalamuna ko.

I was dumbfounded. Am i really that hard to love?

"I used you"

So totoo nga. Alam ko iyon. Pero bakit triple ang sakit ng marinig ko mismo sa bibig niya? Bakit parang mas masakit pa ito kaysa sa panliliit ng mga kaklase niya?

"You were always following me. Like a dog. I was about to reject but my friends interfered and said that i shoul use you. It all went well, right? At least, may pakinabang ka"

"Stop!" Napapikit ako ng mariin.

I can't. Palaban akong tao.....

"Oh bakit? Ayaw-"

Pero pagdating sa iyo......

"I said stop!"

Nakakalimutan ko ang sarili ko....

Hindi ko na kaya. Basag na ang puso ko. Durog na durog na. Hindi na kaya. Gusto kong magwala... Pero hindi ko magawa.

"May isang tanong lang ako" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na lapitan at itanong ito sa kanya. Akmang hahawakan ko ang pisngi niya ng ilayo niya ang mukha niya. I smilled bitterly.

"Minahal mo ba ako?"

Ako na nga ata ang pinakatanga. Pwede nang ma award han ng "best tanga in the world". Alam ko na nga ang sagot.

Pagak akong natawa ng mag-iwas ito ng tingin.

"Bakit ko pa tinanong? Alam ko namang walang magmamahala sa akin. Maski ikaw na.... Ikaw na pinaniwalaan ko." Doon lamang siya humarap sa akin. Hindi ko maaninag ang guwapong mukha iniibig ko, na kahit sana ilang saglit ay masilayan ko.

"Ano bang mali sa akin? Bakit lahat kayo inaayawan ako?"

Naaalala ko na naman ang mga sandaling nagkasama kami. Lagi kaming masaya, na parang walang problema... At parang.....

At parang hindi siya nagpapanggap.

Tila may bikig sa lalamunan ko ng magsalita ulit ako." Yung mukha ko ba? Katawan? Ah, siguro yung status ko sa buhay?"

Napatingin at napahawak ako sa kwintas ko. Isa iyong antigo na susi. Lumang-luma na ito, pero alagang alaga ko kasi bigay niya ito.

"Ah, siguro yung ugali ko, tama? Kasi lahat kayo, iniiwan ako.... Kasi lahat kayo.... Ginagamit ako."

Masakit eh. Masakit lumaban sa laban na wala namang kasiguraduhan. Masakit lumaban kung una pa lang, talo ka na. Masakit ipaglaban ang raong ayaw naman maipaglaban.

" Pasensiya ka na, ha? " muli na naman akong naiyak. " Kasi, ginulo pa kita. Sorry dahil kinukulit kita palagi. Sorry kasi nagtiis ka sa ugali ko. Sorry talaga" Tinanggal ko ang kuwintas at hinarap siya.

"S-salamat. Salamat sa mga alaala. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat dahil pinagbigyan mo ang hiling ng puso ko." Hinila ko ang palad niya na hindi man lang gumagalaw. Ipinatong ko doon ang kuwintas na minahal ko na rin.

Gulat ang lumantad ngunit agad na naalis iyon sa mukha niya.

Ang kaisa-isang bagay na nagpapatunay na naging kami, ay wala na. Ang bagay na sumisimbolo sa mga alaala namin ay bumitaw na. Ang bagay na nagpapaalala sa pangako namin ay sira na.

Nakita ko ang paglandas ng luha sa kaliwang pisngi niya. Ngunit hindi na ako magpapaloko.

"Hindi ako ang nagma may-ari ng susing iyan. Dahil kahit kailan, hindi ko nabuksan ang puso mo. Hindi ko nawasak ang mga pader na ipinalibot mo sa puso mo" basag na boses ang boses ko.

"Nakakainis dahil isa na namang minahal ko ang aalis."

"Pero hayaan mo, paggising na paggising mo, ay wala na ako. Walang bahid na nakasama at nakilala mo ako"

Kasabay ng pagtalikod at paglakad ko, ay ang pag-uunahan ng luha ko, ang pagpatak ng ulan tuluyang pagdurog sa puso ko.

Ngayon lang ako na tuwa sa ulan. It helped me cover the tears.

But i wish it could wash the pain away.

The RainWhere stories live. Discover now