Chapter 26

5.2K 102 0
                                    

Jema's POV

Bukas birthday ko na and nandito kami ngayon ni Deanna sa condo,till now hindi pa rin ako makapaniwala sa MVP award na natanggap ko.Malapit na rin magsimula ang SEA games kaya busy na sina Ate Ly

Kakadeliver lang namin kahapon ng cookies sa Luna and sa Ally's,yung mga teammates namin umoorder din and yung ibang nakakita ng post ni Deanna.Nagpost kasi si Deanna about dun sa cookies,huli niya na sinabi sakin nung may gustong umorder lahat sila umorder for christmas and new year

"Love turuan mo kong magluto please" sabi niya sakin

"Sige tara sa kitchen" sagot ko sa kanya

Pumunta kami sa kitchen at nagsuot ng apron

"Anong gusto mong matutunan?" tanong ko

"Adobong chicken" sagot niya

Kumuha ako ng ingredients sa ref at nilagay yun sa kitchen counter,tinuro ko muna sa kanya yung mga ingredients

"Magslice ka muna ng garlic at onion,ingat lang para hindi ka masugatan" sabi ko sa kanya

"Yes boss" sagot niya sakin

Sinimulan niya ng magslice ng garlic at onion,after nun pinahugasan ko sa kanya yung chicken.Ako na yung umayos ng paglulutuan niya at tinuro ko sa kanya yung tamang temperature sa pagluluto ng adobo

"Lagyan mo ng oil then antayin mong uminit" sabi ko at sinunod niya naman ako

Tinuro ko lang sa kanya yung procedure and mabilis naman siyang matuto

"Tikman mo love" hinipan niya muna yung nasa spoon then tinikman ko yun

"Good job love,ang sarap ng niluto mo" nakangiting sabi ko

"Ang galing kasi ng mentor ko eh" nakangiti niyang sagot sakin

Dahil sa ginanahan siyang magluto nagpaturo pa siya ng kung ano ano,then kaming dalawa lang naman ang kumain after niyang magluto

After namin kumain nagmovie marathon kaming dalawa,ayaw niya namang manuod ng horror kaya cartoons at batman yung pinanuod naming dalawa

"Love magpalit ka may pupuntahan tayo" sabi niya sakin

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Sa Tagaytay" sagot niya

"Ang layo nun eh,gagabihin tayo love" sabi ko sa kanya

"Dali na wag ka na munang kumontra" sabi niya sakin

Hindi ko nalang siya kinontra at sinunod ko nalang yung sinabi niya sakin,nagshorts lang ako na black at white shirt

"Tara na" sabi niya paglabas ko

Chineck muna namin yung condo then lumabas na kami,nilock muna namin yung condo at sumakay na ng elevator.Pagkarating namin sa groundfloor lumabas na kami ng elevator at pumunta na sa parking lot sumakay na kami ng car niya at nagdrive na siya paalis

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nasa biyahe

Pagkatapos ng mahabang biyahe nakarating na kami sa Tagaytay,8pm na kami nakarating dito.Dumaan muna kami sa isang resto para magdinner

"What do you want for dinner love?" tanong niya sakin

Tumingin naman ako sa menu

"Steak nalang love" sagot ko sa kanya

Yun nalang din ang inorder niya at umalis na yung waiter

"Bakit mo nga pala naisipan na pumunta dito love?gabi na kasi eh" tanong ko

Because Of YouWhere stories live. Discover now