Chapter 28

5.1K 108 1
                                    

Jema's POV

Nakaalis na sina Deanna papuntang Japan for their training,one week na sila dun and 1week na rin kaming hindi nagkakausap dahil focus sila sa training

Papunta ako ngayon sa airport dahil may 1week vacation kami prize daw samin dahil nagchampion kami nung open conference,sa Singapore kami pupunta dahil yun ang request ng teammates ko.Pagkadating ko sakto rin pagdating nila coach

"Kumpleto na ba kayo lahat?" tanong nila Coach Ed samin

"Yes Coach" sagot nilang lahat

Saglit lang ang pag antay namin ng tawagin na yung flight namin,sumakay na kami sa plane and nagtake off rin naman agad

Nakipagkwentuhan lang ako kela Kyla hindi naman kami inaantok eh

After ng ilang oras na flight ay nakalapag na ang plane dito sa airport ng Singapore,kinuha na namin yung mga gamit namin at bumaba na kami ng plane

"Hello Singapore!" sabi ng teammates ko

"Oy pinagtitinginan kayo oh" sabi ko sa kanila

Nahiya naman sila kaya natawa kami nila Coach,naglakad na kami at lumabas na ng airport.Sumakay na kami sa service bus namin,nagkukwentuhan lang naman kami dito tungkol sa mga activities na gagawin namin habang nakabakasyon kami dito

Maya maya ay nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin,bumaba na kami at kinuha na yung mga gamit namin.Pumasok na kami sa loob and umupo na muna kami sa lobby habang kinukuha nila Coach yung key cards

"Ang ganda sa hotel na to,halatang mamahalin" sabi nila Ate Mich at nag agree naman sila

Nandito pala kami sa hotel ng pinsan ni Deanna

"Here's you key cards,4 by room" sabi ni Coach Tai samin

Binigay niya samin yung key cards and inassign samin yung roommates,kasama ko sa room ay sina Ate Ly,Ate Jia at Kyla

"Jema?" napalingon ako sa tumawag sakin

"Kuya Nate,Ate Nathalie" niyakap naman nila ako kaya niyakap ko rin sila

"Its nice to see you again couz,namiss ka namin eh" nakangiti nilang sabi

"Namiss ko rin po kayo" nakangiti ko ring sabi

"Hindi mo yata kasama ang jowa mong pangit?" sabi sakin ni Ate Nathalie

"Nasa Japan po sila eh,may training po kasi sila dun.Kami naman on vacation lang dito" sagot ko sa kanya "Kuya Nate,Ate Nat teammates and coaches ko nga pala" pinakilala ko naman sila isa isa "Guys si Kuya Nate at si Ate Nathalie,mga pinsan ni Deanna"

Naghi lang sila at nakipagshakehads

"Bukas punta ka kela Lolo,I'm sure matutuwa sila na nandito ka.Isama mo na rin yung teammates mo at mga coaches niyo" sabi ni Kuya Nate sakin

"Sige po Kuya" sagot ko sa kanya

Tinawag naman nila yung supervisor ng hotel,pinoy rin naman

"Asikasuhin niyo sila ng mabuti,kayo na ang bahala sa kanila ha" sabi ni Ate Nathalie

"Okay po Ms. Nathalie" sagot ng babae

"Oh pano Jema we'll go ahead na ha,see you tomorrow" sabi nila sakin

"Sige po,ingat po kayo" sabi ko sa kanila

Niyakap lang nila ako ulit then nagpaalam na sila sa mga kasama ko then umalis na kami naman sumakay ng elevator

"Ang gwapo at ang ganda ng mga pinsan ni Deanna" sabi ng teammates ko

Because Of YouWhere stories live. Discover now