Chapter 13:

1K 23 0
                                    

Masaya akong gumising kinaumagahan hindi dahil kumain ako ng hotdog at eggs ni Zach kagabi kundi dahil inamin ko sa sarili kong mahal ko na sya. Mahal ko ang asawa ko. Hindi ko pa nga lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Naramdaman kong may humalik sa noo ko at nang tignan ko ay si Zach pala. Ang taong nagpapatibok ng puso kong minsan nang naging bato. Kung iisipin, parang naging madali lang kay Zach na palambutin ang puso kong singtigas ng bato noon.

"Good morning baby!" pagbati nya bago ako binuhat papasok sa banyo.

Nang malaman nyang pinagbubuntis ko ang panganay namin ay sobra pa sa sobra ang pag-aalaga nya sakin ngayon. Heto nga at tuwang-tuwa syang pinapaliguan ako araw-araw.

Matapos nya akong paliguan ay sya rin ang nagbibihis sakin. Sya rin ang nagpapatuyo ng buhok ko. Speaking of my hair, medyo mahaba na ito. Magpagupit kaya ako?

"Baby? Sa tingin mo ba, kailangan ko nang magpagupit ng buhok ko?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang ilang hibla ng buhok kong itim na itim. "Magpakulay din kaya ako? What do you think, asawa ko?"

Hinarap nya ako sa kanya at hinalikan ang noo ko bago sumagot, "Kahit anong gawin mo baby ko, sure na sure akong babagay sayo!" hinawakan nya ang baba ko bago nagpatuloy, "Dyosa kaya ang asawa ko!"

Tumawa naman ako bago sya kinurot sa magkabila nyang pisngi. Bakit parang mas gumwapo sya sa paningin ko? Hinalikan ko naman ang buong mukha nya bago kurutin ang ilong nyang matangos.

Tatawa-tawa naman sya bago huliin ang mga kamay ko at hinawakan nang mahigpit, "Hula ko ay pinaglilihian mo ako, baby." sabi nya at nagtaas-baba ang mga kilay nyang makapal na nakapagdadag sa kagwapuhan nya.

Hinawakan ko ang mga kilay nya at tinitigan sya sa mga mata nya. Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mga mata nya. Parang nangungusap palagi. Mga matang nagsasabing mahal na mahal nya ako. Hinalikan ko ang noo nya bago nagreklamo ang tyan ko.

Parehas kaming natawa bago nya ako binuhat palabas ng kwarto. Nang makarating sa kusina ay si nanay Lidia lamang ang naabutan namin. Si tatay Kanor naman ay maagang pumunta sa bukid.

Ibinaba ako ni Zach sa upuan bago ako pinagsandok ng almusal. Paborito kong hotdog at itlog na may kasamang sinangag ang almusal. Nitong mga nakaraang araw ay mas gusto kong kumain ng hotdog at itlog. Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga gusto ko kasama na rin ang hotdog at eggs ng asawa ko.

"Zach, anong oras ba kayo mamamasyal ng asawa mo? Wag mong kalimutang magdala ng mga mangga nya." sabi ni nanay Lidia kay Zach na sinusubuan ako.

"Mamayang hapon po nay para hindi na ganun kainit." sagot ni Zach na inabutan ako ng gatas.

"Sige. Mamaya ay ipaghahanda ko kayo ng pagkain bago ako pumunta sa bukid." nakangiting sabi ni nanay Lidia.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang magsalita ang asawa ko, "Baby, kailangan pala nating dumaan sa mall bago tayo mamasyal. Konti na lang ang gatas mo, kailangan na nating bumili."

"Okay, basta bibilhan mo ako ng spongebob na stuff toy." sabi ko na sinagot nya ng pagkurot sa ilong ko.

Natawa naman samin si nanay Lidia. Maya-maya ay nagsalita sya, "Masaya ako para sayo Ysabel. Alam kong sobra ang paghihirap mo nang mawala ang mama mo. Ikaw na ang tumayong magulang ng mga kapatid mo. Kaya alam na alam kong magiging mabuti kang ina ng anak nyo ni Zach."

"Pinapaiyak nyo naman po ako eh." nakangusong sabi ko.

Tinawanan lang nila ako ni Zach na hinalikan pa ako sa mga labi ko bago nagpatuloy sa pagpapakain sakin. Kahit kailan talaga ay napakaalaga ng asawa ko sakin. Dahilan na rin ng pagkahulog ko sa kanya. Maswerte na lang ako at nauna na nya akong sinalo bago pa man ako mahulog sa kanya.

---

"Baby!" pagtawag ko kay Zach. Nandito na kami sa mall upang bumili ng gatas ko nang bigla kaming nagkahiwalay.

Tumitingin lang ako ng mga spongebob na stuff toys, pagtingin ko ay bigla na lang syang nawala. "Zach!" muli kong pagtawag sa kanya hanggang sa nagdesisyon akong lumabas ng store na yun para hanapin sya at para na rin pumunta sa cr dahil naiihi na naman ako.

Palabas na sana ako sa cubicle nitong cr nang marinig ko ang pangalan ng asawa ko. "Ang sabi mo ay nandito si Zach sa Baguio?! Ilang araw na ako dito ay hindi ko pa sya nakikita!"

Saglit syang huminto sa pagsasalita. Siguro ay pinapakinggan nya ang kausap na hula ko ay sa cellphone nito. "Wala akong pakialam kung may mahal na syang iba at kung kasal na sila! Ang importante sakin ay makasama sya hanggang sa pagtanda! Mahal ko sya at walang kahit na sino ang makakapigil sakin." rinig ko pang sabi nya bago ako nagdesisyong lumabas sa cubicle.

Nang makalabas ako ay sya ring paglabas nung babae kaya naman hindi ko nakita ang mukha nya. Well, wala naman akong pakialam sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay naging tsismosa ako kanina?

Nang makalabas sa cr ay nagpasya akong pumunta sa kung saan ko nakita yung magandang sandals na nakita ko noon na pumunta kami ni Zach dito. Balak ko na sanang bilhin iyon. Ipabibili ko sa asawa ko at babayaran ko na lang dahil mahal talaga iyon at nahihiya ako sa kanya.

Nang makapasok sa boutique ay agad akong napangiti nang makita ko yung sandals. Buti na lang ay mukhang wala pang nakakabili. Ang alam ko pa naman ay limited lang iyon at kailan lang nailabas sa market.

Kukunin ko na sana nang may biglang humablot doon. Nang tignan ko ay may babaeng nakangisi sakin habang hawak yung sandals na gustong-gusto ko.

"This is mine." sabi nya bago ako lagpasan at dumiretso sa counter para bayaran yun.

Bigla akong nanlumo. Wala na. May nakakuha na. Hindi ko napigilan ang umiyak. Ang emosyonal ko talaga. Para akong batang naagawan ng candy.

"Ma'am, may problema po ba?" nag-aalalang tanong sakin ng staff dito.

Umiling ako sa kanya bago ko muling tignan yung babae pero kanina pa pala nakalabas. Narinig ko namang pinaupo ako ng staff na nagtanong sakin kanina.

Lumapit naman sakin ang isang babae na hula ko ay manager nitong store. "Ma'am, are you okay? May problema po ba?" maayos na pagtanong nya sakin.

Nang iangat ko ang mukha ko para tignan sila ay nagulat sila nang makita at makilala ako. Nakalimutan ko, sikat nga pala ako. Kahit dito sa Baguio ay umabot ang kadyosahan ko.

"Miss Ysabel?!" sabi ng manager.

"Ahm.. May stock pa ba kayo nung magandang sandals? May nakakuha na kasi kanina eh. Gustong-gusto ko talaga iyon." humihikbing pagtanong ko.

"Ahh Ms. Ysabel, iyon lang po kasi ang meron kami. Pero wag po kayong mag-alala, ipapaalam ho namin sa inyo kapag mayroon na. Sisiguraduhin kong magkakaroon kayo." nakangiting sabi nya na nagpangiti rin sakin.

"Talaga?! Pangako?!" sabi ko na sinagot nya nang pagtango.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko si Zach na nag-aalalang tumingin sakin. "Baby!" pagtawag ko sa kanya.

Nang makalapit sya sakin ay inalok ko sya ng mango juice na binili sakin nung manager kanina. Ang bait nya diba?

Agad na yumakap sakin si Zach nang mahigpit at binaon ang mukha bya sa leeg ko. "I thought I lost you, baby." bulong nya sakin bago halikan ang noo ko. "Thank God I found you."

Pinakita ko sa kanya yung mango juice, "Baby bili mo ko ng ganito ah. Ang sarap eh! Bago ko ng paborito ito." nakangiting sabi ko bago lumapit samin yung manager.

"Ms. Ysabel, ito po oh." sabi nya bago iabot sakin ang isang papel kung saan nakasulat ang number nila para pwede akong magtanong kung meron na silang stock nung sandals na gusto ko.

"Thank you ah. Ang bait mo!" sabi ko sa kanya bago muling hinarap si Zach at inilahad ang palad ko sa harap nya. "Baby, may pera ka ba? Kailangan nating bayaran yung pinangbili nya ng juice ko." ang dami pa naman nyang binili.

Mag-aabot na sana si Zach nang pigilan sya nung manager, "Naku wag na po. Pero pwede po bang autograph nyo na lang Ms. Ysabel? Fan na fan nyo ako."

Nagbigay naman sya sakin ng papel at may sinulat ako dun bago ko ibinalik sa kanya. "Thank you ulit ah!" sabi ko bago kami umalis dun ng asawa ko.

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon