Chapter 29:

848 21 0
                                    

Makalipas lamang ang ilang araw ay nakalabas na ako sa ospital. Habang nagpapagaling ako sa ospital ay ni minsan, hindi ako dinalaw at kinamusta ni Zach. Galit na galit naman ang mga kapatid ko sa kanya.

Nitong nakaraang mga araw ay usap-usapan ngayon ang balitang paghihiwalay namin ni Zach. Hindi man lang nya ako sinabihan na balak nyang makipaghiwalay sakin.

Sa social media ay nagkalat ang mga litrato ni Zach kasama si Steffi. Meron din namang mga sumugod sa kanila at inaway si Steffi.

Ang fans ko naman ay b-in-oyscout ang movie ni Steffi dahilan ng pagkakalangaw ng movie nya. Kumakalat din sa social media ang cctv footage na kuha sa sala ng bahay nina Zach.

Kitang-kita sa video kung paano nya ako tinulak dahilan ng pagkakamatay ng mga anak ko. Samu't-saring reaksyon ang pinahayag ng mga netizen. Karamihan ay kumampi sa akin at pinaratangan nila si Steffi na mamamatay tao. Ang ilan sa kanila ay dinidemand ang network na may hawak kay Steffi na tanggalan ito ng kontrata.

Maraming tao ang nakisimpatya sa pagkakamatay ng mga anak ko. Karamihan sa kanila ay galit na galit kay Zach na sinabing duwag ito at walang kwentang ama at asawa.

Dahil sa mga nangyari ay medyo nabawasan ang lungkot ko dahil sa pagkakamatay ng mga anak ko. Sobra ang sayang naramdaman ko nang unti-unting nasisira si Steffi sa publiko. Maging si Zach ay ganun din at nakakaapekto ito sa kumpanya nila.

"Kulang pa yan.. Hindi pa yan sapat para sa kasalanang ginawa nyo sa amin ng mga anak ko.. Nagsisimula pa lang ako." sabi ko sa sarili ko bago ko sinagot ang skype.

"Ate.. Kamusta ka na?" nag-aalalang pagtanong ni Ingrid. Nasa States sya ngayon at nagsabi sya sakin na may aayusin daw sya sa branch ng ospital namin doon.

"I'm fine." tipid kong pagsagot.

Bumuntong-hininga naman sya bago muling nagsalita, "Hindi ka okay. Ganyan na ganyan ka nang mamatay si mama. Ate please.. Bumalik ka na.."

Tinignan ko lang sya ng seryoso bago ako sumagot, "Bumalik? Ganito naman talaga ako ah? Malakas. Matatag. Lahat ng tao kinatatakutan ako. This is the real me, Ingrid."

Nanahimik naman sya saglit bago nagpaalam na may gagawin pa daw syang importante. Alam kong nag-aalala sila sakin. Alam ko yun. Pero nangako ako sa sarili ko na magiging malakas ako. Kailangan ko pang paghigantihan ang pagkakamatay ng mga anak ko.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Athena ang tumatawag.

"Thank God at sinagot mo na!" rinig kong sabi nya mula sa kabilang linya.

"What do you want?" pagtanong ko sa kanya.

"Ang lamig girl ha. Ipapaalala ko lang sayo. Ako ito. Kakampi mo ako, Ysabel." bumuntong-hininga sya bago nagsalita ulit.

"May schedule ka. May shooting ka next week. Baka nakakalimutan mo? May kontrata tayong pinirmahan sa kumpanya ng duwag mong asawa. Marami ring nagpapadala ng invitations para sayo."

Agad nangunot ang noo ko, "Invitations? Para saan?"

"Girl, ipapaalala ko lang ulit. Ramp model ka rin. Iniimbitahan ka sa mga fashion shows. Gusto mo bang pumunta?" sabi nya dahilan ng pagngisi ko.

"Oo naman. Wala namang masama. I'm free. Kaya kong gawin lahat ng gusto ko!" masayang pagsagot ko bago ko tapusin ang tawag.

Maya-maya ay nakita ko si Cathy na unti-unting lumapit sa akin. Nang makalapit ay agad nya akong niyakap nang mahigpit habang hinahagod nya ang likod ko.

Hindi ko alam kung bakit nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko pa pala kaya. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin.

"Magiging maayos din ang lahat, ate Ysabel. Kaya mo ito. Malakas ka kaya alam kong kakayanin mo ito." rinig kong sabi nya habang hinahaplos ang likod ko.

----

Lumipas ang isang linggo at nandito ako ngayon sa isang kilalang salon. Kasama ko sina Athena at Gale na magpapaayos din ng buhok. Kilala ako dito sa salon dahil madalas ako dito noon.

"Queen, anong gusto mong gawin natin sa buhok mo ngayon? Gusto mo bang pakulayan? Sobrang itim ng buhok mo. Matagal-tagal na rin mula ng huling nagpakulay ka." sabi ng may-ari nitong salon.

Agad akong ngumiti sa kanya bago sumagot, "Ikaw na ang bahala. May tiwala naman ako sayo. Alam kong magmumukha pa rin akong dyosa kapag ikaw ang nagtrabaho sa buhok ko."

Masaya naman nyang inayos ang buhok kong mahaba na. Ginupitan nya ako at kinulayan ng pula ang buhok ko. Makalipas lang ang ilang oras ay natapos na rin.

Ang laki ng ngiti ko nang makita ang sarili ko sa salamin. Kahit kailan talaga ay napakaganda ko! Sa gandang ko ito, iniwan pa rin ako ng asawa ko. Tss, wala syang ka-taste taste no! Ang pangit naman kasi ng pinalit nya sa akin. Hindi ko sinasabing si Steffi yun ah. Pero parang ganun na nga!

"Ang dyosa mo talaga, Ms. Ysabel! Naku, siguradong marami na naman ang mahuhumaling sa kagandahan mo!" rinig kong sabi nya.

"I know right!" huling sinabi ko bago kami umalis doon nina Athena at Gale na malaki ang ngiti nang makita ang new look ko.

Nang makapasok kami sa kumpanya ni Zach ay halos lahat ng mga empleyado ay lingon nang lingon sakin. Hindi ko na lang sila pinansin pa.

Malaki ang ngiti ni Kylene nang makita ako, "Kahit kailan talaga ay napakaganda ng dyosang ito!" sabi nya nang makalapit kami sa kanya.

"Andyan ba yung amo mo?" tanong ni Athena na tropa na rin si Kylene.

Tumikhim ito bago may tinuro. Nilingon naman namin ang tinuro nya at nakita ko si Zach kasama ang isang linta na nagngangalang Steffi. Ngumisi ako bago naglakad at pumasok sa elevator kung saan pumasok ang dalawang malandi.

"What are you doing here bitch?!" galit na galit na sabi ni Steffi the snake.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti nang nakakainsulto, "Ang lakas ng loob mong tawagin akong bitch. Sa ating dalawa, alam mong ikaw yun."

Sasampalin nya sana ako nang pinigilan sya ni Zach. Wala naman syang nagawa kundi ang manahimik. Napangisi na lang ako nang may naisip akong kalokohan.

Unti-unti akong lumapit kay Zach at niyakap sya mula sa gilid. Galit na galit namang tumingin sakin si Steffi na ningisihan ko lang.

"How dare you?!" sigaw nya sakin.

Inirapan ko sya bago ako sumagot, "Bakit? Fyi, sa mata ng lahat, asawa ko pa rin si Zach at kabit ka pa rin. Sisiguraduhin kong mananatili kang kabit."

Hindi sya nakasagot nang bumukas na ang elevator at nauna na akong lumabas. Nakasunod naman sa akin si Athena at Gale na parehong malaki ang ngiti.

"Miss Ysabel!" rinig kong pagtawag sa akin ng team ko.

Nandito kami ngayon sa shooting at imomodel ko ang mga daring na damit para sa mga kababaihan.

"Na-miss namin kayo, Ms. Ysabel! Mabuti at nakarating kayo!" sabi ng photographer na ningitian ko lang.

"Ms. Ysabel, ito po ang mga damit." sabi sakin ng isang assistant bago pinakita sakin ang mga damit.

Nakangiti kong kinuha ang mga damit na inagaw naman sakin ni Gale. Magkakasabay kaming pumasok sa isang kwarto na para sakin.

Nang makalabas ako ay napasinghap ang nga tao. Ang ilan ay hindi makapaniwala sa nakita. Unti-unti akong naglakad palapit sa harap ng camera.

"Ang ganda mo talaga Ms. Ysabel! Isa ka talagang dyosa ng kagandahan!"

"Sobrang ganda nyo po, Ms. Ysabel at ang kinis ng balat nyo. Nahiyang tumambay ang pimples sa mukha mo."

"Ang ganda-ganda nyo po talaga Ms. Ysabel. Tiyak na marami na namang mahuhumaling sa inyo."

Ilan lang yan sa mga papuring narinig ko na nagpangiti sakin nang malaki. Hayys, ang hirap talagang maging maganda!

---

Untold Stories 1: Ate (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin