Chapter Two

6.1K 195 8
                                    

"Are you okay?" Harry asked her.

Binalik ni Leia ang atensyon sa binata. Nasa cafeteria sila at nakikita niya sa ibang mesa na mag-isang kumakain din ng lunch si Levi. Tumango siya at ngumiti kay Harry na kasama niya sa table nila.

Ang totoo ay medyo guilty siya dahil pakiramdam niya ay iniwan na lang niya si Levi. Natuwa na lang siya nang makitang lumapit sa table ng kaibigan ang classmate nilang si Marie. Parang tinanong nito si Levi kung okay ba na umupo ito doon. She saw Levi nodded at ngumiti si Marie sabay naupo doon kaharap si Levi.

"Hey,"

Muli niyang binalik ang tingin kay Harry. "Yes?"

Nagkatinginan sila. "Your friend?"

"Levi?"

"Yeah, Leviticus Gozon."

"Oh! Magkakilala kayo?" natuwa si Leia.

Umiling si Harry. "Not really. We just saw each other when I went with Dad to the golf course. Sumama rin yata siya sa Dad niya. We were introduced," Harry explained, almost shrugging.

Tumango si Leia. "Do you want me to introduce you to him again? I'll introduce you to each other. If it's okay with you,"

Tumango rin naman si Harry. "Yeah, sure. He's your friend..."

"He's my best friend." Tumango sa kaniya si Harry. Ngumiti na si Leia.

"Levi, wait!" habol niya sa kaibigan nang palabas na ito sa classroom nila. Classes were already dismissed.

Nilingon naman siya ni Levi. Ngumiti siya sa kaibigan. "Papakilala kita kay Harry. Tara nasa gym siya ngayon may practice sila sa basketball." aya niya.

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Why?"

"Why? Of course you're my best friend kaya dapat kilala mo ang future boyfriend ko!" there was a smile on her face.

"Are you sure about this Leia?" Levi asked her.

"Huh? About what? You meeting Harry-"

Umiling si Levi. "No. About Harry."

Bahagyang kumunot ang noo ni Leia. "What about him?"

Levi sighed and shook his head. "Gusto mo ba talaga siyang maging boyfriend?" he asked after a while.

Tumango si Leia. "Yeah... Why?" medyo naguluhan na siya sa kaibigan.

Umiling si Levi. "Isn't it too fast? Noong birthday niya lang kayo halos nag-usap pagkatapos..."

"Levi," Leia sighed. "before his birthday nag-uusap na kami nun sa chat. And," her forehead was creasing a bit. "Hindi naman mabilis. Kaya nga nanliligaw muna si Harry para mas makilala pa namin muna ang isa't isa-"

"At nagpaligaw ka naman agad." putol ni Levi sa kaniya sa isang istriktong tono.

Napangisi na si Leia sa kaibigan. "Grabe, hindi naman ganyan si Dad. Sobra ka pa sa Daddy ko?" bahagya siyang natawa. Nanatili namang seryoso si Levi. Leia cleared her throat a bit. "Levi," she smiled at him. "I know you're just worried. You're my best friend. But, Harry is a good guy. Kaya nga papakilala ko na kayo sa isa't isa para makilala mo na rin siya. And malaman mo na totoo sinasabi ko about him."

Naghintay siya ng sagot ni Levi.

Sa huli ay muli itong nagbuntong-hininga. "Alam ba 'to nila Tito?"

Leia nodded. "Yup! Mom and Dad knows. And! Tita Daniella told me na hindi ka naman daw nila ni Tito pinagbabawalan mag-girlfriend. Ikaw lang, e! Kita mo uunahan pa kita." she kidded.

Tumango na lang si Levi. Ngumiti na si Leia. "Yay! Let's go."

Nang makarating sila sa gym ay naroon na nga si Harry at ang team. Hinintay muna nilang mag-break bago niya tuluyang napakilala ang dalawang binata sa isa't isa. Harry was nice to Levi. Si Levi lang na parang masyadong seryoso. Hinayaan na lang ni Leia. Mukhang wala lang din naman kay Harry.

"Tara na-"

"Ako na ang maghahatid sa kaniya." putol ni Harry kay Levi nang hinila na siya nito palabas ng gym.

Tumingin si Levi sa kaniya. Leia smiled and nodded. "Mauna ka na, Levi. Hintayin ko lang matapos si Harry sa practice nila tapos sabay na kami uuwi."

Sandali pang nanatili doon si Levi na nakatingin sa kaniya bago ito tumango at tumalikod na para makaalis.

Bumaling si Leia kay Harry at nginitian ito.

"Mabilis lang 'to. Are you okay here?" Harry asked her.

Tumango siya. "Yes, yes, balik ka na dun."

Tumango si Harry at bumalik na nga sa practice.

Pagkatapos ay hinatid nga siya nito sa bahay nila. The car stopped in front of their house. Bumaling muna siya kay Harry bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Sinulyapan niya ang driver sa harap na 'di naman nakatingin. Nagdalawang-isip pa siya but she kissed Harry's cheek at nagmamadali na siyang lumabas at halos tumakbo papasok sa bahay nila.

Mabilis ang pintig ng puso niya. It was her first time doing that, kissing a boy, kahit sa cheek lang naman 'yun.

Her phone rang habang pumapasok siya sa bahay nila at sinasalubong ng kasambahay. Kinuha nito ang bag niya. Nakita niyang si Harry ang tumatawag. Sinagot niya iyon pero hindi agad siya nagsalita.

"Hey, why did you run? Pa'no kung nadapa ka?"

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha. "Uh..."

She heard Harry chuckling from the other line. "It's okay, don't be shy."

"Ibaba ko na!-"

"Wait," pigil nito sa kaniya. "Goodnight, Leia. I'll see you tomorrow."

"See you tomorrow... Goodnight, Harry,"

And then they ended the call. May ngiti sa mga labi ni Leia.

Excited si Leia na ipaalam kay Levi ang nangyari sa kanila ni Harry noong isang araw. Wala kasi ang kaibigan sa school nang mangyari iyong surpresa sa kaniya ni Harry dahil absent ito at may sakit.

Ngayon nga ay dadalawin niya sa bahay ng mga Gozon na halos katabi lang ng bahay nila. May dala siyang soup para kay Levi na pinaluto niya sa matanda nilang kasambahay. Nang makarating siya doon ay mukhang ayos at magaling na si Levi.

"Dinalhan kita ng soup..." gaya ng lagi niyang ginagawa kapag may sakit ito.

Sinulyapan lang siya ni Levi at binalik din nito ang atensyon sa ginagawa. Mukhang nag-aaral na naman ito. Palagi na nga itong top sa klase nila.

"Magaling na ako." he said na hindi inaalis ang tingin sa binabasang libro.

Leia went to him and touched his forehead. Wala na siyang lagnat.

"I have something to tell you,"

Nag-angat siya ng tingin kay Leia. "What?"

She grinned. "Kami na ni Harry! He surprised me sa school with his teammates. Wala ka kasi absent kaya hindi mo nakita. But we had pictures uploaded. Makikita mo 'yon."

Levi's lips were already parted.

Binalik niya ang tingin sa hawak na libro. And then after awhile he faced Leia again. There was a smile on her face.

"Are you happy?" he asked, instead.

Lumawak pa ang ngiti ni Leia. "Yes!"

He nodded.

"Naalala mo 'yung wish ko nung birthday mo? I wished na mapansin ako ni Harry. At hindi niya lang ako pinansin, we're together now! Boyfriend and girlfriend. Sabi sa 'yo, nagkakatotoo talaga ang mga wini-wish ko sa birthdays mo." hindi halos maalis sa mga labi ni Leia ang ngiti.

Levi was silent.

"Alam ba nila Tita?"

She nodded. "Yes, at wala namang problema sa kanila ni Daddy."

He just nodded.

Revenge of a Broken HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora