TAONG GRASA
Isinulat ni Alex AscIlang araw ng palaboy-laboy sa kalye si Badong. Matapos siyang bugbugin ng taong bayan at palayasin sa sarili niyang bahay ay hindi na niya alam kung saan siya patutungo.
Narating niya ang isang bayan at pumuwesto sa may mataong daan. Naglapag ng karton at naglagay ng lata. Nanlilimos siya sa mga taong dumaraan doon. Nagmuka na siyang taong grasa dahil ilang araw ng hindi nakakapagpalit at nakakaligo. Nangangamoy na siya. Kaya't imbes na maawa sa kaniya ang mga tao ay nandidiri pa sa kaniya.
Nakilala ni Badong si Moymoy na isang batang lalaki na mataba at magiliw ninuman. Napakabait at napakamasunuring bata ni Moymoy.
Nagtitinda ang ina ni Moymoy ng gulay sa palingke at isinasama ng ina si Moymoy upang makatulong.
Medyo may kalapitan lang din ang puwesto nila Moymoy sa pinupuwestuhan ni Badong.
"Kain ka muna, kaibigan." Abot ni Moymoy ng pagkain na natira nila mula sa kanilang baon ng kaniyang ina kay Badong.
Labis naman ang pasasalamat ni Badong dahil ilang araw na siyang hindi nakakatikim ng kanin. Madalas mga tinapay na tira-tirang itinapon sa basurahan ang kaniyang pinagtitiisan.
"Naku, Estrella, huwag mong pinapalapit ang iyong anak sa Badong na iyon, may iilan akong naririnig na nandadakip daw 'yan ng mga bata. Siya nga raw ang may pakana ng ilang batang nawawala sa tabi ng aming probinsya. Ngayong wala na siya roon ay natahimik na ang kalunos-lunos na sinasapit ng mga bata roon," babala ni Aling Asun na nagtitinda ng mga karne.
Ipinagkibit-balikat na lamang ni Aling Estrella ang sabi ng katabi sa puwesto. Para sa kaniya, hindi niya pipigilan ang kabaitan ng kaniyang anak ninuman. Hindi rin siya naniniwala sa paratang nila sa nakakaawang lalaki.
Mag-isa lamang si Moymoy ng gabing ito sa kanilang bahay, dahil biglang napasugod si Aling Estrella sa palingke. Nasusunog raw ang maliit na bahagi ng palingke at kailangan niyang i-pull-out ang ilan sa mga kagametan niya roon.
Sa mga sandaling ito'y mag-isa lamang si Moymoy na natutulog sa kanilang bahay. May iilang lalaking nag-iinuman sa kabilang bahay na may kalapitan din sa bahay nila Moymoy. Napatanaw ang lalaki sa malaking asong itim na umaali-aligid sa bahay na iyon. Dahil bago lang iyon sa paningin ng lalake at kakaiba ang laki ng aso ay binato niya upang makaalis roon.
Madaling araw na ng dumating si Aling Estrella sa kaniyang bahay at laking pagtataka niya dahil hindi niya nadatnan roon ang pitong taong gulang niyang anak na si Moymoy. Hinanap niya iyon at ipinagtanong-tanong ngunit bigo siyang matagpuan ang bata. Dumulog na rin siya sa kalapit na presento upang isumbong ang problema niya. Sumisikat na ang araw ay hindi pa niya natatagpuan ang anak at alalang-alala na siya.
"Nasaan ka na ba, Anak." Pinahid niya ang kaniyang mga luha.
Bandang alas-sais ng umaga ng may matagpuang bata sa pangpang ng ilog. Nakakaawa ang sinapit ng bangkay ng bata. Nang marating iyon ni Aling Estrella ay labis siyang napaiyak.
Si Moymoy, wala ng lamang-loob ang nakahandusay nitong bangkay. Napakasakit sa kaniyang damdamin bilang ina na matagpuan ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang nag-iisang anak.
Sa kabilang dako ay naroroon si Badong, malungkot na malungkot siyang nakatanaw sa kaniyang kaibigan.
"Nakita ko ang taong iyon kagabi! Kasama niya ang batang ito!" Turo ng isang lalake sa kinaroroonan ni Badong.
Natanaw siya ng mga taong nagpupulong sa bangkay ng bata at mabilis na tumungo roon.
"Itong taong ito! Pinalayas sa bayan ng Marabila dahil sinasabi nilang aswang daw ito!" wika ng isang babae.

YOU ARE READING
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 5 Mga Oneshot stories ni Alex Asc MGA NILALAMAN 1- Tres Marias Aswang 2- Monkey Island 3- Anak ng dagat 4- The Boyband 5- Baby Sitter 6- Depression 7- Samantha 8- Surot 9- Lipi ng Diablo 10- Taong grasa 11- Karend...