Chapter twelve

2.5K 72 1
                                        

HANGGANG ngayon tila ba ayaw pa rin maniwala ni Yza na isa na siyang ganap na ina. Dalagang ina. Napangiwi siya sa isipin iyon. Ngunit kung tutuusin ay hindi naging pabaya si Manuel. Besides mas lalong naging maalala ang binata at parati nito pinaparamdam ang kahalagahan nilang mag-ina.

Bigla ay naisip niya ang kanyang mga magulang. Ano kaya ang magiging reakyon ng Daddy Franco niya kapag nakita nito si baby? Ang Mommy Lorraine niya, tiyak sangkada-makmak na sermon ang aabutin niya mula sa kanyang Mommy Lorraine dahil sa nagawa niyang kagagahan.

Pero tiyak kung nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Sigurado hindi siya magkakaganito ngayon.

Pinaghihili ang kanyang anak, nang mga sandaling iyon upang patulogin na si Baby Emman. Napako ang kanyang mga mata roon sa pinto. Nakikita niya si Manuel, nakasandal ang likod nito sa hamba ng pinto, nakahalokipkip ang mga braso nito at naka ekis ang mahahaba nitong mga binti. Tinititigan silang mag-ina.

"Kanina ka pa?"

"Medyo," umayos ito ng tayo. Nilagay ang isang kamay sa bulsa ng shorts na suot nito. Nakasuot ito ng kulay itim na sando. Halatang bagong ligo rin ang binata, sa preskong-presko ang hitsura nito.

Kung gan'on kanina pa siya tinititigan nito. Bakit hindi niya agad napansin ang presensiya ni Manuel.

"May kailangan ka?"

"Sana, gusto ko lang mag goodnight kay Baby," lumakad ito papalapit dito. Huminto ito sa harap niya. Sobrang lapit nito sa kanya. Nasasamyo niya rin ang nakaka addict na pabangong gamit nito.

Yumoko si Manuel upang hagkan sa pisngi si Baby Emman. "Goodnight my boy, Daddy's always here for you."

Para siyang tanga nakamata lang sa kay Manuel. Nilaro-laro nito ang mumunting daliri ng kanilang anak.

"I love you," sabi ni Manuel.

Hindi siya sigurado kung para kanino ang "I love you" kay baby o para sa kanya. Hoy!Yza umayos ka!

Pumantay ito ng tayo sa kanya. "Kung may kiss si Baby, dapat si Mommy rin." Lumanding ang mainit na mga labi ni Manuel sa noo ni Yza. "Goodnight," sabi nito. Hinakbang ang mga paa palabas na rito sa loob ng kuwarto.

Gusto niya magprotesta, ano siya lola? Sa noo halikan? Gusto niya batukan ang kanyang sarili nang hindi siya agad nakahuma. Animo'y katulad siya sa teenagers na first time nagkaroon ng crush at binigyan ng first kiss. Kung hindi pa gumalaw si Baby Emman, nagpeling-pelingan teenager pa rin siya. Naiiling na lamang siya sa sariling kagagahan.

Maingat niya nilapag sa crib si Baby Emman ng nakatulog na ito. Katabi lang din ng kama niya ang crib. Hinihila na rin siya ng antok kaya nakatulog na rin siya.

Sa mababaw niyang tulog ay nagising si Yza. Naramdaman niya na may ibang tao rito maliban sa kanila ni Baby Emman. Napatingin siya roon sa crib na kinalalagyan ni Baby.

Dahan-dahan kinuha ni Manuel ang anak nila nasa crib. Hinayaan niya na lang muna si Manuel kung ano ang gagawin nito.

Nang tumalikod na si Manuel na kanlong sa mga braso nito si Baby Emman. Bumangon siya at naupo rin sa ibabaw ng kama.

"Para kang magnanakaw."

Huminto si Manuel sa paghakbang ng mga paa nito. Pumihit paharap dito. "Gising ka na pala." May alanganin ngiti naka paskil sa mga labi nito.

"Nagising dahil sa'yo."

"Sorry."

Hindi niya alam kung para saan ang sorry.

"N'ong una ang virginity ko ang ninakaw mo. Ngayon si Baby na naman. Sa susunod ano naman kaya?" Nakataas ang isang kilay sabi niya.

"Kung hindi baby girl. For sure baby boy,"nakangiti turan ni Manuel. "Para sa gan'on nag-iisa ka lang na prensesa, staka na ang baby girl."

A PERFECT MISTAKE(Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin