AKALA niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina.
Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati itong may kausap sa cellphone at kapag nandyan na siya ay kaagad din nito tinatapos ang pakinipag-usap sa kung sino man amg kausap ni Manuel sa kabilang linya mg tawagan.
Hindi rin maiwasan na magdududa siya sa lalaki. Sa tuwing tinatanong niya ito ay ang palaging sagot ay “Business matter.” Madalas na rin umuuwi ng late si Manuel. Di kaya may ibang babae na si Manuel? Gusto niya ma praning sa isipin iyon.
“Mommy,” boses ni Emmam na nakalapit na pala ito rito na hindi niya namalayan. Nagpabalik sa kanya mula sa malalim niyang pag-iisip.
“Saan ang punta mo?” Nakakunot-noo tanong niya.. Nakabihis ng damit panglakad si Emman.
“Pogi na po ba ako, Mommy?” sa halip na sabi ni Emman na nagpapacute pa.
“May pupuntahan ba tayo?” Nagtataka tanong niya. Nakalimutan niya lang na may pupuntahan sila ni Emman at nakalimutan niya, dahil sa nakatuon ang isip niya sa pagdududa sa kay Manuel.
“Kami ni Daddy ang aalis po.”
“Hah…Bakit hindi sinabi ng Daddy mo sa ‘kin na may pupuntahan tayo?”
“Mommy, hindi ka naman kasama. Stay at home ka raw,” nakangiti turan ni Emman.
“Hey, sweetheart,” si Manuel na nakalapit na rito. Bagong ligo ito, as usual napaka yummy ng hitsura ng lalaking nakatayo sa harap niya. Nakabihis din ito, diya’t may pupuntahan nga ang mga ito at hindi siya kasama. Magaan at mabilis na halik ang iginawad ni Manuel sa kanyang mga labi.
“Aalis kayo?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa kay Manuel.
Tabingi ngumiti si Manuel. “Oo, gusto ni Emman nagyaya na lalabas daw kami.”
“Saglit magbihis lang ako at sasama na ako sa inyo,” aniya hinakbang ang mga paa paalis. Ngunit naka isang hakbang pa lang siya ay nagsalita si Emman.
“Mommy, stay at home ka. Huwag matigas ang ulo.”
Teka lang siya na ang pinagsasabihan ng anak niya. Hinarap niya si Emman. “I'm your mother, para pagsabihan ng ganyan.” Nilakipan niya ng galit ang boses.
“Sorry po,” nakayokong sabi ni Emman. “Kasi naman po, bawal ka atsaka sec…”
“Sweetheart, boys bonding kaya dumito ka na lang muna,” sabad ni Manuel. “Let’s go son,” yakag nito sa kay Emman at hinila sa kamay paalis ang anak.
Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. At ayon tunog na lang ng kotse na papalayo ang narinig niya.
Naupo na lang siya sa sofa. Tinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa panonood ng palabas doon sa television. Ng mag ring ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone na nakapatong doon sa ibabaw ng console tv, sa pag-aakala na si Manuel ang tumatawag at nakunsensiya ang mga ito at gusto na siyang isama sa lakad ng kanyang mag-ama.
Pangalan ni April ang naka registered sa caller ID ng screen monitor ng cellphone niya.
“Yza, where are you?” Bungad agad ni April ng sagutin niya ang tawag nito.
“Home,” matamlay niyang sagot. Muli itinuon ang mga mata niya sa pinapanood na palabas doon sa tv.
Tumawa ng mahina si April nasa kabilang linya. “Bat ganyan ang boses mo, Mare? Hindi ka ba pinapakain ng mabuti ni Manuel?”

YOU ARE READING
A PERFECT MISTAKE(Completed)
General FictionLumayas si Yza sa bahay ng kanyang mga magulang ng sapilitan siyang ipapakasal ng ama niya sa lalaking hindi pa niya nakikita't nakilala. Ngunit ang ginawa niya ay malaking pagkakamali dahil nang gabing umalis siya sa kanila ay nagahasa siya ng la...