Paanyaya

11.7K 22 1
                                    

"Balita namin nagpunta daw si Nico sa bahay nyo ah" Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Maggie kay Lisa.

"Bakit sya pumunta dun?" Mataray na sabi ni Danielle.

"Bakit ka galit?" Natatawang puna ni Maggie. Ngunit hindi ito pinansin ni Danielle.

"Nagpakilala kila mama" Sagot naman ni Lisa.

"Gosh meet the parents agad ah" Natatawang tukso sa kanya sa kanya ng mga kaibigan.

Magkakasabay na umuwi ang tatlo. Kaya naman nagpasya silang tumambay muna sa isang parke malapit sa kanilang school.

"Sasagutin mo na ba sya?" Seryosong tanong ni Maggie.

"Wala naman syang tinatanong e. Kaya ano sasagutin ko?" Paliwanag ni Lisa.

"Gusto mo sya?" Tanong naman ni Danielle.

Namula ang mukha ni Lisa at napatango sya bilang pagsang-ayon.

"Ayyieeee" Tukso ng mga kaibigan nya.

Masaya ang naging kwentuhan ng tatlo at hindi nila namalayan ang oras kaya madilim na ng nakauwi ang tatlo.

Nakahiga si Lisa sa kanyang higaan upang maghanda na sa kanyang pagtulog ng mag-ring ang kanyang cellphone.

Carlo calling...

Napatigil si Lisa, hindi nya alam kung sasagutin nya o hindi ang tawag ni Carlo.

Naputol na ang tawag ngunit hindi pa din mawala ang pagkalito kay Lisa.

Carlo;
Sagutin mo ang tawag ko.

Ayun lamang ang mensahe ni Carlo at tumawag ito ulit sa ikalawang pagkakataon.

"Hello?" Mahinang bati nya ng sinagot nya ang tawag ni Carlo.

"Fuck, mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko. Iniiwasan mo ba? Simula ng magkita tayo hindi mo na ko kinontact ulit ah" Sunod sunod na sabi ng binata sa kabilang linya.

Tama ang binata. Hindi nya na ulit kinausap si Carlo simula ng magkita sila dahil sa guilty nararamdaman nya.

"Sorry naging busy lang" Sagot nya dito.
"Siguraduhin mo lang ah. Pagnalaman ko lang nagsisinungaling ka makikita mo" Pagbabanta nito sa kanya.

"Ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Lisa dito.

"Ayoko lang naman na iniiwasan mo Lisa. Sorry" Paghingi nito ng paumahin sa kanya. "Pwede ba tayong magkita sa linggo? Day-off ko kasi" Paanyaya ni Carlo sa kanya ngunit hindi sumagot si Lisa.

"Dali na Lisa. Namimiss na kita. Ilang araw mo na kong iniiwasan tapos tatanggihan mo pa ko?" Pangungonsensya nito sa kanya.

Napalunok si Lisa "O-okay sige"

Napangisi si Carlo ng marinig ang kanyang pagsang-ayon. "Mabuti naman pumayag ka"

Nagusap pa ng sandali ang dalawa bago naputol ang tawag.

Pagpatay nya ng tawag ay napansin nya ang mensaheng nanggaling kay Nico.

Nico:
Tinatawagan kita pero busy ang linya mo. Sinong kausap mo?

Nico:
Ang tagal nyo naman mag-usap nyan. Kung sino man yan.

Nico:
Text ka pagtapos na kayo magusap ah. Gusto kitang makausap bago ako matulog.

Napangiti na lamang si Lisa sa mga nabasang mensahe ni Nico.

Lisa:
Tapos na po.

Ilang minuto lang ang hinintay ni Lisa at muling nagring ang kanyang cellphone at agad na sinagot ito ng makitang si Nico ang natawag.

"Hello" Natatawang bati nya dito.

"Hmp, sino yung kausap mo kanina? Ang tagal nyong nagusap ah. Nakailang tawag ako laging busy" Inis na sagot ni Nico.

"Grabe naman hahahahaha wala bang hello Lisa muna dyan?" Pangaasar nya dito.

"Tsk, sino nga kasi?" Kahit hindi nakikita ay alam nyang nakasimangot ang binata ngayon.

"Tita ko po tumawag sakin para makikamusta na pasarap ang kwentuhan namin kaya medyo natagalan e" Paliwanag nya dito. "Sorry po" Malambing na sabi ni Lisa.

"Akala ko naman kung sino na. Sorry akin" Natatawang paumahin ni Nico.

"Seloso" Bulong ni Lisa "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Bukod sa gusto kitang makausap. Gusto ko lang iinvite dito sa bahay ngayon weekend. Pwede ka ba?" Tanong ni Nico

"Bakit naman?" Kinakabahang tanong ni Lisa.

"Ipapakilala kita sa parents ko. Sa linggo pwede ka ba?"

Natigilan si Lisa 'Linggo? Pero magkikita kami ni Carlo nun e. Patay pano na to' Problemadong bulong ni Lisa sa kanyang isip.

"Lisa pwede? Please pumayag ka na. Mabait ang parents ko. Promise" Pangungulit ni Nico sa kanya.

"Sige. Sure sa linggo" Nasabi na lamang ni Lisa dahil ayaw nya namang tanggihan si Nico dahil alam nyang sasama ng loob nito at isa pa wala syang maisip na dahilan para tanggihan ito.

"Salamat Lisa. Matulog ka na ah. Good night" Paalam sa kanya ni Nico.

"Goodnight din" Paalam din ni Lisa bago patayin ang tawagan.

'Naku naman Lisa. Problema na naman ang pinasukan mo. Pano na to? Kainis! Bahala na nga!' Inis na sabi ni Lisa sa sarili

〈(_。_)〉

P

lease support my another story entitled "Part-time lover" Thank you. Keep safe everyone.

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora