Kabanata 51: Alaala

396 25 0
                                    

[Last Entry]

1895, Oktubre

       Kapag nagmahal ka, handa mong ibigay lahat para sa kanya. Kapag nagmahal ka, ipaglalaban mo siya, kahit masaktan ka pa.

Nakita ko kaagad ang aking ina at ama nang makarating ang sinakyan naming barko ni Kuya Juan sa daungan ng San Ildefonso. Pagkababa ko sa barko ay agad akong lumapit sa kanila. Niyakap kaagad ako nina Mama at Papa. Matapos noon ay niyakap ko naman si Kuya Simon. Ngumiti ako dahil batid kong nakaramdam din ako ng pangungulila sa kanila.

"Mabuti naman at nandito ka na, Mi prinsesa." sabi ni Papa habang nakangiti sa akin at hinawakan niya ako sa aking dalawang balikat. 

"narito na po ako, Papa." sabi ko habang nakangiti. Lumapit naman sa amin si Mama kaya umalis muna sandali si Papa.

"Kamusta ka, anak? Kuwentuhan mo ako mamaya tungkol sa naging karansan mo sa Maynilla ha." sabi ni Mama at hinawakan naman niya ako sa aking pisngi

Nahagip naman ng aking mga mata sina Papa at Kuya Juan na nag uusap. Nakita ko kung paano napailing si Papa at mababakas sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa kung ano mang pinag-usapan nila ni Kuya

Nagulat ako nung bigla may gumulo sa buhok kong nakalugay

"kumusta bunso? Naging mabait ka ba sa Maynila?" Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtanto ko kung sinong nasa mabuting palad ang gumulo ng aking buhok na halos kalahating oras ring sinuklay at pinaganda ni Rosita

"Kuya Simon!" inis kong sabi sa kanya. Natawa naman si Kuya sa naging reaksyon  ko sa ginawa niya

"kahit kailan talaga ang sarap mong asarin" sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya

Nung binitawan niya ako ay ramdam ko ang pagkirot ng aking mumunting ilong na sa tingin ko ay namumula.Hinawakan ko ito upang himasin. Ang sakit ah! Biglang tumigil si Kuya Simon sa pagtawa kaya napatingin ako sa kanya. Tama! makonsyesya ka sa ginawa mo sa napakaganda mong kapatid!

"Anong nangyari dyan, Montecilla?" sabi niya habang nakatingin sa akin

"malamang namula dahil pinisil mo ang aking ilong" sabi ko sa kanya habang nakasimangot

"Hindi iyan, ito." pagkasabi niya nun ay hinila niya ang aking kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong nakita niya yung sugat ko na ginamot ni Rosita noong isang araw. Hindi pa nga pala ito gumagaling. Nakuha ko ito noong napalupagi ako sa lupa. Agad ko namang hinila ang aking kamay mula sa kanya at itinago ito sa aking likod

"ah, wala ito. N-nadapa kasi ako noong minsang namasyal ako sa Intramuros." sabi ko nalang habang nakatingin sa kanya

"Sigurado ka?" sabi niya habang nakahawak pa ang isang kamay sa kanyang baba

"Oo nga, nadapa ako." sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya

"Ayaw kasing mag-iingat, kaya lalo kang pumapangit eh" sabi ni kuya Simon habang iiling iling

"Aba!" sabi ko sa kanya. Sumbong kita dyan eh. Tumawa nalang si Kuya. Napabuntong hininga naman ako. Buti nalang at di na nagtanonng pa si Kuya

Buti nalang naniwala siya. Ang galing ko talagang magpanggap at magsinungaling!

Agad na kaming umuwi. Natuwa ako nang makita kong maraming pagkain ang nakahain sa hapag kainan. 

"Kain na tayo." sabi ni Mama, agad naman akong umupo  sa tabi ni Mama

"Alam mo bunso, kapag nailuwal na ni Mama ang ating kapatis, tiyak akong diyan siya uumupo kapag lumaki na siya." sabi ni Kuya Simon nang umupo siya sa tapat ni Mama. 

Way Back 1895Where stories live. Discover now