Kabanata 4

51 2 0
                                    


Kabanata IV
Baliw

Bago kami umuwi ay umuwi muna kami sa bahay nila dahil inimbitahan ako ng mama ni Lennox na maghapunan na daw sa kanila.

Pagkarating namin sa bahay nila Lennox ay agad ako niyakap ni Lennary.

"Ate, I miss you." I chuckled.

"And I missed you too, Len." Hinarap niya ako. Manghang magha.

"Ang ganda mo na ngayon ate? Anong sekreto mo? Baka naman pwede mo iyang i-share sa akin para naman ay pansinin na ako ng crush ko." Nabigla kami pareho ng may pumitik sa noo ni Lennary.

"Aray naman kuya e! Ang sakit kaya!"

"Anong crush? Bakit may crush na agad ikaw?"

"Duh kuya? I'm fourteen years old and it's natural to have a crush! Palibahasa kasi wala kang crush kaya ganiyan ka!"

"Tss."

"Bakit? Wait, what? May crush ka kuya?" Nagiwas lang ng tingin si Lennox.

"Oh my gosh! Si kuya my crush na!" She laughed at Lennox. Hindi siya pinansin ni Lennox at hinarap niya ako.

"Tara na, hayaan mo na diyan si Lennary." Narinig ni Lennary iyon kaya inirapan niya ng palihim ang kanyang kuya at nagmake face. Lihim akong napatawa sa ginawa ni Lennary, mukhang nakita niya iyon at nagsabi na huwag akong maingay sa kaniyang kuya.

Hawak hawak ni Lennox ang kamay ko patungo sa may kusina nila kung nasaan si tita Amalia. Kasabay na lumabas ni tita Amalia galing sa kusina ay ang pagsunod ni Shunyie.

"Hi, Ashiel!" ibinaba niya ang hawak niyang salad at saka lumapit sa amin.

Yumakap siya kay Lennox kaya napabitaw sa paghawak sa akin si Lennox. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin kanina at napatingin sa kanila.

"Ako ang gumawa ng salad, Ashiel. Tikman mo dali." Sabay hila niya sa hawak hawak niyang salad kanina. Napatingin sa akin si tita at nginitian.

"Halika na Auria at dito ka na maghapunan." Ang ganda talaga ng mama ni Lennox, mas lalo na kapag nakangiti siya. Napangiti na lang din ako sa kaniya.

"No thanks, tita. Sa bahay na lang po ako kakain." Napasimangot naman si tita Amalia.

"Pero, sana dito na lang hija. Nasabihan pa naman ako ni Lennox na dadarating nga kayo kaya ako naghanda ng marami." Wala naman akong magagawa dahil request na iyon ni tita.

May bakanteng upuan pa naman sa tabi ni Lennox kaso ayokong tumabi sa kaniya kung katabi niya naman ang lintang iyan. Mas pinili ko na tumabi kay Lennary na ngayon ay naasiwa na sa kanila dahil sa katabi niya.

"Bakit pa kasi na andidito iyang babaeng iyan?" Napalingon ako sa binulong ni Lennary sa kaniyang sarili. Napatingin rin siya sa akin.

"Alam mo ba ate na nakakainis iyang babaeng iyan? Masyadong spoiled sa bahay nila kaya pati din dito sa bahay. Feeling at home pa. Spoiled din kay kuya kaya ganiyan na lang ka-oa iyang babaeng iyan. Nakakairita ang presensiya niya, jusko!" Bulong niya sa akin. Nako, Lennary parehas lang tayo ng nararamdaman. Kung alam mo lang.

Nagsimula na kaming maghapunan at panay ang lingkis pa din ng babaeng iyon kay Lennox. Ni maski maibanggit ko ang pangalan niya ay naiirita na agad ako sa kaniya. Hindi ko naman kayang i-express ang damdamin ko dahil hindi naman ako ganoon ka-klase ng tao na matapang humarap sa mga ganiyan.

Mukhang sanay na naman sila tito at tita kaya hinahayaan na lang nila na lumingkis ang babaeng iyon kay Lennox.

Dapat pala talaga ay pinilit ko na kay tita na umuwi na agad at huwag na dito maghapunan. Makikita ko lang ng matagal ang babaeng iyan.

Love Of Dusk Where stories live. Discover now