Kabanata 10

52 2 1
                                    


Kabanata X
Naiinis si Yeon

Busy ang lahat sa loob ng dressing room. May kaniya kaniyang pwesto ang mga modelo ngunit hindi katulad sa amin na mas malaki ang espasyo. Naririning ko ang mga bulungan ng iba na nakatingin sa akin tapos nagtatawanan minsan ay iniirapan ako. Nanatilihing tahimik lang ako.

"Huwag mo na lang sila pansinin. Insecure lang ang mga iyan sa iyo. Cheer up, girl." napalingon ako kay Yeonissa na katabi ko. Nilingon niya din ako.

"Ang ganda mo kasi masyado. Ayan tuloy." Sabay halakhak niya. Dahil sa pagtawa ni Yeonissa ay napatingin sa amin ang mga babaeng tinutukoy ko. Nagiwas ako ng tingin at inayos na lang ang sarili. Nilingon kong muli si Yeonissa.

"Tama na, Yeon. Ang ingay mo na." Nilingon niya ang likod namin. Nagtaas siya ng kilay.

"Oh? Anong tinitingin tingin niyo diyan? Ang ganda ko ano?" Sabi ni Yeonissa sa mga babae. Nagiwas lang sila ng tingin at umalis.

"Akala mo naman mga magaganda hindi naman. Tsk!" Sabay padabog na binaba ang foundation na hawak hawak.

"Nakakainis! May gana pa talaga silang magmaldita sa harapan ko? Sa akin pa talaga? Grabe!" At muling binigyan ng mapanlilisik ng mata. Tatayo na sana para sugurin sila ng pinigilan ko.

"Tama na, Yeon." nilingon niya ako at napanguso siya sa akin.

"Bakit ba kasi ang bait mo? Ay hindi, hindi ka naman mabait e." nakatitig lang ako sa kaniya.

"Tss. Sino ba ang niloloko ko?" sabi niyang muli. Nababaliw na ba si Yeon?

"Oo nga pala. Salamat nga pala sa paghatid sa akin." Nilingon ko siya.

"Huh? Ah, oo. Si kuya naman ang naghatid sa iyo pauwi, hindi ko nga nasabi ang address mo dahil umalis na si kuya bigla. Mabuti at maayos ka na." Tinititigan niya ako, nginitian ko naman siya at humarap sa salamin.

Nilingon ko siya muli ng napansin na hindi siya gumalaw. "Okay ka lang ba?"

"A-Anong...sabi mo?" Mukha naman siyang natauhan siya.

"Bakit? Ayos ka lang ba, Yeonissa? Namumutla ka." Umiling siya.

"Ok-Okay lang ako. Sa labas muna ako s-saglit. Magpapahangin." tumango ako sa sinabi niya at bumalik ang tingin sa salamin.

"Just don't get caught, okay?" She just nodded at me and storm out. Alam ko ang ibig niyang sabihin sa magpapahangin muna, maninigarilyo siya.

Matagal ng naniniragarilyo si Yeonissa, naimpluwensyahan ng mga barkada niya dati. Malakas din siyang uminom pero ngayon hindi ko na soya nakita na bumalik sa dati niyang buhay na pariwara. Nagbago na siya dahil sa lalaki. Hindi ko man kilala pero malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

Tumayo na ako para makapagbihis. Tiningnan ko ang orasan at malapit na magsimula ang event. Tinulungan ako ng nag-aayos sa akin sa pagsuot ng damit. Isa itong puti na madaming palamuti, magara at makintab na dress. Lagpas sa paa ko at may pabuntot pa sa likod nito. Mahaba ang slit na abot hanggang hita ko na bumagay sa buhok ko na nakalugay at pinakulot. Natural na kulot ang buhok ko dahil sa madalasang pagtali ngunit mas lalo itong pinakulot at nilagyan ng disenyo ang aking buhok.

May nag-aabang na mga media sa labas pagkalabas ko ng kwarto. Agad na nagliwanag at nagsisi-ilawan ang mga flash nila. Kaniya kaniyang mga tanong.

Sinabihan ako ng staff na picture mjna daw para sa event. Kasama ang host ng event at ang president. Kasama na din ang kapwa ko mga models na kasama na doon si Shunyie Escueta. Hindi na ako nabigla na napasama siya.

Love Of Dusk Where stories live. Discover now