15

105 4 0
                                    

Sunny's pov;

Kung titignan, mas seryoso ang mga prinsepeng nasa gilid ko. Tinititigan ako ni prinsesa vien na may nakakaawang tingin ngunit seryoso ang kaniyang mukha.




Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko sa bandang dibdib.




"Wag kayong masyadong magseryoso, pumapangit kayo e." pabirong sabi ko sa kanila. Ngisi lang ang isinagot nila sa akin.




Sumenyas ang kanilang pinuno at lahat sila ay biglang sumugod. Tumingin naman ang mga prinsepe sa akin na pawang naghihintay rin. Tinanguan ko ito habang nakangiti. Nakipagsabayan sila ng takbo sa iba pang mga prinsepe. Patakbo ring pumunta ang mga prinsesa sa akin. Naglakad lamang ako. Sino ba sila para takbuhin ko rin, oras? hmp




Inambangan ako ng suntok ng isang prinsesa, iniilag ko naman ang katawan ko rito paabante. Sabay na sumugod sa akin ang dalawang prinsesa sa dalawang gilid. Tumalon ako paitaas at silang dalawa ang nagsalo ng suntok na para dapat sa akin.




"Aaargh!" untag ng isa habang masamang nakatingin sa akin.

Sugod lamang sila ng sugod habang ako naman iniiwasan ang mga suntok at tadyak nila. Masasabi kong mabibilis at malalakas ang bawat atakeng inihahanda nila para sa akin. Saglit silang tumigil sa aking harapan. At sabay sabay silang tumingin sa akin.




Tatakbo na sana sila ng sabay sa akin ng tumakbo rin ako papunta sa kanila na may mapaglarong ngiti. Mabilis na napunta ako sa harapan nila.




"WOAAH!" sigawan ng mga tao ng sabay sabay kong sinipa ang tyan ng limang prinsesa. Napaupo ang ilan sa mga ito.




"Napalakas nanaman ba?" nakangusong sambit ko sa mga ito. Lalo naman akong sinamaan ng tingin ng isang prinsesa.




"You will pay for this." biglang sumugod sa akin ang prinsesa. Sinuntok niya ang kaliwang pisngi ko nailagan ko naman ito gamit ang isa kong kamay. Nanginginig sa galit ang kamay mg prinsesa.




"Huminahon ka." bigla kong pinaikot ang kamay nito ng walang kahirap hirap at napasama ang kaniyang katawan sa pagbagsak.





Sunod sunod naman silang umatake sa akin at ilag lamang ako ng ilag habang nakatingin sa mga prinsepeng nakikipaglaban rin. Tatlo na lamang ang mga kasama ko. Mukhang pinagtutulungan na ang mga kagrupo ko.




"Hoy! Need niyo na ba ako diyan? Tatapusin ko na dito." sigaw ko sa mga prinsepeng kasama ko. Umiling naman sila habang nakikipagsapakan parin. Tumingin naman ako sa mga prinsesang pilit akong sinasapak at nginitian.




"Pag sa ganitong laro, patas patas. Walang prinsesa-prinsesa sa akin." seryosong sambit ko na saglit nilang ikinagulat. Inihanda ko naman na ang aking mga kamay at mabilis na binigyan ng suntok ang mga prinsesa sa mukha. Napaatras ang mga ito. Iniisa isa kong puntiryahin ang binti at tyan ng mga ito. Hindi na nakatagal ang apat na prinsesa at ang prinsesang masama parin kung makatingin sa akin.




Inilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa likod habang nakatingin sa kaharap ko.



"Minamaliit mo talaga kami ano?" pagalit na sambit ng prinsesa. Tinaasan ko naman ito ng kilay at dalawang beses sinipa ang tyan nito na naging dahilan ng pagsuko nito. Naghiyawang muli ang mga tao.




"Shh guys, quiet class." nakalagay pa ang hintuturo ko sa aking bibig. Nagtawanan naman ang mga manonood. Andirito rin pala si jack. Kinindatan ko ito. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng tenga nito.




Sunny Adelson: The journeyWhere stories live. Discover now