27

91 4 0
                                    

"Anong armas ang nais mong gamitin sa laban?" tanong sa amin ng hari. Siya mismo ang magsasanay sa amin para sa pagbabalik ni darth.

"Ang espada na iyon." Itinuro ko ang espadang hinawakan ko kagabi. Hindi na naalis ang atensyon ko sa espadang iyon kahit na madami pa itong ipinakita sa akin. Habang sila dio naman ay hindi na kailangan pang humawak ng sandata dahil sila na mismo ang magiging sandata nila.

Ang reyna ang nagbigay ng puting espada sa akin. Nang mahawakan ko na ang espada ay hindi naman ito gaanong mabigat at tamang tama lang para sa pakikipaglaban.

"Paki-ingatan mo iyan, sunny. Iyan ang espada ng hari." lumaki ang mata kong tumingin sa hari. Nakatingin rin ito sa akin at tumango na para bang wala siyang pagtutol rito. Nagpasalamat naman ako.

Una muna akong tinuruan nito.

"Handa ka na ba,binibini?" tumango ako rito at tumingin sa haring nakatutok na ang espada sa akin. Lumihis naman ang tingin ko sa prinsepe. Hindi ko parin alam ang pangalan niya. Nakatitig ito sa akin, imbes na ako ang kikindat dito at nagulat ako na siya ang kumindat sa akin. Nararamdaman ko na pumula ang pisngi ko sa ginawa nito. Enebe nemen crush.

Biglang umatake ang hari. Mabilis na isinangga ko ang atake nito gamit ang hawak kong espada. Tunog lang ng espada namin ang maririnig. Minsan ay napapaurong ko ang hari na ikinatuwa ko ng kakaunti dahil kahit papaano ay may pwersa parin ako sa paggamit ng sandata. Iniwaksi ng hari ang kanyang espada paitaas na isinalubong rin ng espada ko. Para kaming nagtutulakan gamit ang espada. Tumitig ang hari sa mga mata ko bago ikinalas ang espada sa espada ko.

"Hindi ko inaasahan na mabilis at magaling ka sa paggamit ng sandata." pinunasan nito ang namuong pawis sa noo. Nagbulungan naman ang magina sa likuran nito. Lihim akong napatawa.

"Sa totoo lang po, hindi po talaga ako sanay na makipaglaban sa sandata sa sandata. Iyong kayang kaya ko po ay mano mano lang." napatawa ito ng mahina sa sinabi ko. Tumingin naman ako sa likod ko. Sila dio na inihahanda na ang sarili.

Natigilan ako ng pagharap ko ay may adonis ng nakatayo sa harapan ko't seryosong pinupunasan ang pawis sa noo ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya hanggang sa matapos niya akong punasan.

"It's bad to let your sweat dry." nakangiting sambit nito. Napatakip naman ako sa bibig ko.


"Y-You smiled!" gulat na sambit ko't tumawa ng mahina. Tumawa naman ito ngayon.

"Because you're pretty and cute. " ginulo nito ang buhok ko at mahinang pinisil ang ilong ko. Pakiramdam ko mamula naman ang pisngi ko.

"Alam mo? Pa fall ka po." natatawang ani ko.

"Iyon nga ang gusto ko. I'll make you fall for me, very hard." kinindatan muli ako nito. Naputol lang ang titigan namin ng may pumekeng umubo sa likuran niya.


"Makikiraan." Dumaan pa sa harapan namin ang prinsepe at umirap sa ere. Bumalik naman sa seryosong mukha ang panganay na prinsepe.


"Bitter." sabay na sambit namin at tumawa.

"You're growing up, Augustus." Sigaw ng hari mula sa hindi kalayuan.

"Augustus.." sambit kung muli sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko.   Umuwang ng kakaunti ang bibig nito at hindi makagalaw. Mukhang nagustuhan niya ang pagtawag ko sa pangalan niya, hihihi.

"Augustus, The first prince of sterlina. It's nice to meet you, prince augustus."  nakangiting yumuko ako ng bahagya rito at nagbigay galang. Doon na ito natauhan at tumawa ng mahina. Gosh, ma-pangga beshies. Kinalaunan ay tinawag ito ng reyna dahil may ipapagawa raw.

Sunny Adelson: The journeyWhere stories live. Discover now