CHAPTER 14

5.1K 84 5
                                    

𝐄𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐏𝐎𝐕

Hindi pa rin humupa ang pagkarambola ng puso ko dahil sa ginawang kababalaghan ni Ezekiel kanina. Halos masapak ko ang sariling mukha sa kahihiyan na ginawa niya.

"Gutom kana ba?" turan nito. Napalingon naman ako sa kanya ng sabihin niya ito at wala sa sarili akong napatango.

Agad ay hinila niya ako sa isang malapit na food court. Napakaraming tao dito. Maggagabi na rin naman kaya siguro mas dumami ang tao.

Agad kaming naghanap ng bakanteng upuan at hindi naman kami nabigo. Doon kami sa isang samgyupsalan umupo. Mabuti na rin dito dahil uunti palang ang taong kumakain dito. Agad inayos ng isang matandang babae ang mesa namin na nasa tingin ko ay nasa otsenta na ang edad at mukang may lahing korean. Malapad din ang ngiting ibinato nito sa amin.

"Bagay kayong dalawa, ang ganda at gwapo niyo." saad niya ng matapos ito sa ginagawa. Napayuko naman ako at pasimpleng ngumiti. Itinago ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Let's eat." saad ni Ezekiel kaya umayos na ako ng upo. Nakahawak kamay pa rin kaming dalawa kaya pati dito ay pinagtitinginan kami ng mga tao.

May mga matang kinikilig at meron ding nabibitter na ewan.

𝐵𝑙𝑒ℎ 𝑚𝑔𝑎 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑗𝑜𝑤𝑎!

Gusto ko iyang isatinig ngunit nanahimik na lamang ako.

Maya maya ay kumain na kami. Masarap, napakasarap ng timpla ng karne, katamtaman ang lambot nito at hindi nakakasawang kainin.

Nagtagal kami ng isang oras sa pagkain at agad din naman kaming umalis doon.

Ngayon ay nakapila na si Ezekiel sa may ferris wheel. Kahit natatakot ay hinayaan ko na lamang ito. Ayoko rin namang mag alala siya at hindi maenjoy ang magandang view mamaya sa taas. Alam ko namang gustong gusto niyang sumakay dito. Ako lang naman ang may ayaw kase may fear of heights nga ako.

Naghintay kami ng ilang minuto bago tuluyang sumakay sa ferris wheel. Dalawa lang kami sa loob kaya solong solo namin. Habang papataas ay papalakas ng papalakas na naman ang pagkabog ng puso ko. Katulad kanina sa roller coaster ay parang binibiyak na naman ito sa sobrang lakas ng tibok.

"Are you okay?" nag aalalang tanong nito ng mapansing natataranta ako.

"O-oo naman." nauutal na saad ko kahit na ang totoo ay hindi. Gusto ko ng bumaba. Gusto kong pagsisihan na sumakay pa ako dito.

Maya maya ay nasa pinakatuktok na kami ng ferris wheel. Kitang kita ang buong syudad at ang kagandahan ng paligid. Samu't saring kulay ng ilaw ang makikita mula sa taas. Medyo malakas na rin ang hangin dahilan upang maramdaman ko ang pagyugyog ng maliit na kwartong kinauupuan namin.

Nang sulyapan ko si Ezekiel ay nakatigtig pala ito sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Naramdama ko na lamang ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"You're so beautiful Erish." turan nito na nagpakabog na naman sa nananahimik na puso ko.

𝐿𝑒𝑡𝑠𝑒𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑡𝑜ℎ. 𝐴𝑛𝑜 𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖 𝐸𝑧𝑒𝑘𝑖𝑒𝑙 𝑠𝑎 𝑙𝑖𝑛𝑡𝑒𝑘 𝑛𝑎'𝑡𝑜?

"Ezekiel." tawag ko dito kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglingon nito.

"Hmm..."

"Bakit ako?" walang sa sariling saad ko.

𝐴𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑙𝑎𝑠𝑒𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛 𝐸𝑟𝑖𝑠ℎ?𝑃𝑓𝑡!

Season 1: Lust or Love?Where stories live. Discover now