CHAPTER 27

3.1K 69 16
                                    

𝐄𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐏𝐎𝐕

"Magpahinga ka muna Erish baka mapano yang mga tama mo. Ezekiel will beat us..." turan ni Castro na nakaupo sa waiting area. Si Christian naman ay nakasandal sa pader at si Clark ay nagpapahinga. May tama din ito ng bala sa hita.

"Paano ako makakapagpahinga kung alam kung nasa loob ng emergency room si Ezekiel? Paano ko magagawa kung alam kong hindi pa siya nagigising? Tell me Castro. Paano ko gagawin yun?" sunod sunod na saad ko na siyang nagpaluha muli sa'kin na agad ko naman pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

"Masamang damo si Ezekiel, may siyam na buhay yun..." nakahalukipkip na turan ni Christian.

Nang maramdaman ko ang pananakit ng sugat ko sa binti ay napaupo na lamang ako habang patuloy na lumuluha.

𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑖𝑖𝑤𝑎𝑛 𝑑𝑖 𝑏𝑎? 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑦𝑢𝑛 𝑑𝑖 𝑏𝑎?

𝑁𝑜 ℎ𝑒 𝑐𝑎𝑛'𝑡 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 𝑚𝑒! 𝐻𝑒 𝑐𝑎𝑛'𝑡 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 𝑢𝑠!

"Don't stress yourself too much Erish, makakasama sa baby mo..." pagpapakalma ni Castro sa'kin habang hinahagod ang likod ko.

Napahawak ako sa tiyan ko.

𝐻𝑒 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑛𝑜𝑡 𝑙𝑒𝑎𝑣𝑒 𝑢𝑠 𝑏𝑎𝑏𝑦, 𝑛𝑜𝑡 𝑛𝑜𝑤, 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟. 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑦𝑢𝑛 𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔 𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎, 𝑜𝑘𝑎𝑦?

Nakangiti ako habang hinihimas ang tiyan ko.

May rason siya para hindi niya ako iwan. Hindi niya pwedeng gawin sa'tin yun. Hindi pwede.

Pinakalma ko ang sarili ko. Tama si Castro I need to calm myself or else madadamay ang baby na nasa sinampupunan ko, ang baby namin ni Ezekiel. Pinahid ko ang natirang luha sa pisngi ko bago huminga ng malalim.

He will not leave us.

Maya maya ay sabay sabay kaming napatingin sa pagbukas ng pintuan ng emergency room. Lumabas dito ang isang lalaking doctor at nakangiting tumango sa'min. Mabilis naman sa alas kwarto ang naging kilos ko ganoon din sina Castro at Christian.

"Relatives of patients?"

"Yes Doc. I'm h-his.... h-his girlfriend... Kumusta ang lagay niya? Maayos na po ba siya? Pwede na po bang pumasok?" sunod sunod na tanong ko dito. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

𝐸𝑧𝑒𝑘𝑖𝑒𝑙...

"He's fine. Natanggal ko na ang bala na nasa likod niya mabuti na lamang at walang tinamaan na internal organs pero kinailangan pa rin niyang salinan ng dugo dahil sa dami ng lumabas sa katawan niya kanina."

"Thanks God!" nabubunutan ng tinik na turan ko at hindi napigilang yakapin ang doctor na kaharap ko.

"Thank you Doc. I'm sorry na carried away lang. Salamat po ng marami...." turan ko dito ng pakawalan ko ang pagkakayakap sa kanya. Nakangiti naman ako nitong binalingan.

"No worries. My job is to save people. By the way you can visit him now pero isang tao lang muna. Kailangan niya pang magrecover. Please excuse me..." nakangiting turan ng doctor bago tumalikod at umalis.

Bumaling ako kina Castro at Christian. Tumango naman ang mga ito.

"Go ikaw muna ang mauna Erish. Ikaw din naman ang kailangan niya tsaka sa sunod na lang kami. Bibisitahin na muna namin si Clark." nakangiting turan ni Castro.

Season 1: Lust or Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon