Prologue

26 1 0
                                    

Prologue

"Ms. Elizalde! Stand up! Natutulog ka na naman ba sa klase ko?" Napaiktad ako nang tawagin ng instructor namin sa Basic Calculus ang pangalan ko.

“Ano sa palagay mo sir? Alangan namang gumapang ako patiwarik sa kisame, edi napagkamalan niyo akong cute na sadako." Bawi ko nang umangat ang tingin ko sa kanya at agad ulit bumaon ang ulo ko sa mesa. Narinig ko pang nagbungisngis yung katabi ko kaya napasulyap ako sa kanya.

"Iba ka talaga, Blaise." Kahit kailan, ayoko talaga na tawagin ako sa second name—ay wow naka-english! Sa second name ko. Si Daeivien lang na best friend ko ang pinayagan kong tumawag sakin nun.

"Ako pa ba?" Pagmamayabang ko at tinuloy ko nalang ang pagtulog ko. Napatingin ulit ako sa best friend ko nang umuurong ang upuan niya palayo at nakatingala na parang takot na takot. 

Napantig ang tenga ko ng may marinig na pagsabog. Tila nagising ang buong diwa ko ng marinig yun, sa sobrang lakas parang umalog din yung utak ko—sana ol may utak. Yumanig pati lamesa na pinagsandalan ko kaya agad akong napaangat ng tingin kung saan nanggaling ang pagsabog na yon.

Ay hindi pala pagsabog, yung instructor lang pala namin yung gumawa non kaya napabuntong hininga ako at kinusot kusot ang mata ko. Akala ko may 'The Big One'. Hutek!

Tinignan ko kung saan nanggaling yung tunog na yun. May nakapatong sa lamesa na makapal na libro, makapal ang pabalat, panloob, at palaman— ay shet gutom na naman ako, parang gusto ko ng Sandwich. Siguro sinadyang ibagsak yan ni sir sa lamesa ko para mapatay niya yung butiki na nahulog mula sa kisame. Ang sweet talaga ni sir!

"Sir, baka mapatay niyo yung butiki! Kawawa naman!" Narinig ko pang dumagundong ang tawanan mula sa mga kaklase ko at pati narin kay Vien. Tinignan ko ang mga kaklase ko halos lahat sila nakatingin sakin. Haha~ ganda ko talaga! Lahat sila nagagandahan sakin.

Pero anong nakakatawa sa sinabi ko? Nakakaawa naman talaga yung butiki ah!

"Anong butiki yung pinagsasabi mo?!" Natahimik naman agad yung buong room dahil sa sigaw ng instructor namin. Abay sumosobra na yung kasisigaw sakin ah! Anak niya ko? Anak niya ko?!

"Whatever." Naigulong ko ang mata ko bago ko ulit isubsob ang ulo ko sa lamesa. Napangiti ako dahil sa galing ko mag English. Ilang minutes ko ba yang minemorize? Mga 30 minutes hanggang 45 minutes yung bilang ko. Ang galing ko talaga!

"Elizalde! Bumangon ka diyan kung ayaw mong ipa-guidance kita!" Galit niyang atugal. Umangat yung ulo ko para bigyan siya ng blangkong tingin. Isinandal ko sa upuan ang likod ko. Ano bang problema nitong matandang panot na ito?

"Bakit niyo ba ako pinapagalitan? Anong kasalanan ko sa inyo?" Halos mamula na ang tenga niya dahil sa galit.

"Kasalanan? Marami kang kasalanan! Bakit ka natutulog sa klase ko? Halos araw araw ka nang tulog dito ah!" Galit niyang tugon sakin. Ano? Kasalanan ba yung matulog? Ang alam ko normal lang naman sa tao yun ah.

"Sir? Binago na po ba ang batas?" Inosente kong tanong habang kamot kamot ang batok ko. Kita ko sa itsura niya ang galit, halos umuusok na ang tainga at ilong niya.

"Anong batas na naman yang sinasabi mo!?"

"Sir, sabi niyo kasalanan yung matulog. Hindi na nga lang ako matutulog." Ngiting ngiti kong tugon at kita ko sa mukha niyang unti unting kumakalma. "Siguro hihilik nalang." Dugtong ko kaya mas lalo siyang nagalit. Narinig kong napabungisngis yung iba kong kaklase pero agad ding tumigil.

"Batak ka talaga! Reinne!" Puri sakin ng Isa kong kaklase. Sinulyapan ko siya at tinanguan. Ako pa ba? Eh ang talino ko eh!

"Pero sir ano namang masama sa pagtulog dito sa school?" Kung kanina ay galit na galit siya ay ngayon naman ay extra galit na ang nakikita ko sa mukha niya, parang gusto na akong sakalin dito sa kinauupuan ko at mapatay ng walang kalaban laban huhu.

She's The Gangster Princess (On-going)Where stories live. Discover now