Chapter 1

17 0 0
                                    

Chapter One.

"Anong o-order-in mo?" Tanong ko kay Daeivien na best friend ko na kakaupo lang sa tapat ko. Narito kami ngayon sa Tonelink Pearl–isang milk tea shop para mag meryenda.

"Yung tig-eighty pesos na Taro milk tea, fries  tapos... Ano nalang siguro? Chicken balls." Mahaba niyang litanya habang naglalabas ng limangdaan. Napatingin naman ako sakanya ng gulat na gulat kaya kumunot ang noo niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Mag o-order ka ng itlog ng manok!?" Gulat na tanong ko sa kanya. Napataas ata yung boses ko dahil tumingin yung ibang customer sakin kaya ngumiti ako nang pilit sa kanila at nag peace sign.

Natawa naman siya at nasapo ang noo.

"Pinagsasabi mo diyan? Mag o-order ako ng Chicken balls na luto. Hindi itlog! Tange!" Napatawa kami pareho at tumango nalang. "Ikaw ano yung sayo?" Pagbaling niya naman sakin. Napa-isip ako.

"Ganun na lang din siguro sayo. Pero Chocolate gusto kong flavor ng milk tea ah." Sabi ko naman at binigay ko sakanya yung pera. Tumayo na siya't pumunta ng counter.

Kinuha ko muna yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at nag open muna ako ng Facebook. Puro mga walang kwenta yung lumalabas sa news feed ko kaya pinatay ko na yung cellphone ko at binalik ito sa bulsa. Sakto namang bumalik na si Vien na dala yung mga order namin.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid. Parang may unting kaba akong nararamdaman pero isinawalang bahala ko na yun. Siguro dahil sa sarap nitong kinakain ko o napaparanoid na ako.

Tumayo ako para sana ayusin yung pagkakaayos ng cellphone ko ng may bumangga sa aking babae. Sa lakas non ay muntik na akong mapatumba't buti nalang nabalanse ko pa yung katawan ko. Napatingin ako sa kanya't laking gulat kong natapon ang hawak niyang kape sa kanyang damit. Shit! Hala lagot! Patay ako nito!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanlalaki parin ang mga mata. Nakita ko namang napatayo na din si Vien dahil sa gulat. Lahat ata ng tao nakatingin samin. Hay, alam ko may nag vi-video nanaman. Siguro mamaya sikat na naman  ako sa Facebook.

Agaw eksena ako. Kadalasan sa mall, kadalasan din sa eskwelahan, minsan sa mga shops. Halos kung saan ata may nakabugbugan ako, may napahiya, may bitch na humaharang sakin tapos sasabunutan ako na halos mabunot na pati anit ko pero siyempre hindi ako magpapatalo.

Ilang beses na akong nagviral sa social media kaya hindi na bago sakin. Minsan pa nga sa sobrang sikat ko pinagkakaguluhan na ako nang mga tao. Minsan may hawak silang dos pur dos o kaya minsan naman ay may dala silang tubo tapos hahabulin ako. Oh! Diba! Madami na akong fans! Extra sikat!

"What the hell! Are you blind?! Look, what the hell happened to my dress!" Anas niya habang init na init sa natapon niyang kape sa damit. OA?! Grabe naman 'to maka-react parang mamamatay na! Atyaka wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.

Tinignan ko siya ulo mukhang paa. Mukha naman siyang mayaman pero sa tingin ko mas mayaman ako. Hindi lang halata.

"Sorry? Aksident—"  Naputol ang sasabihin ko nang inunahan niya ako. Papansin na naman 'to! Agaw iksena.

"Accident? Oh! C'mon! Nakita kong sinadya mo yon!" Alam palang mag Tagalog pero English yung ginamit niya! Nasa Pilipinas ka babae—wait! Sinadya ko daw?!

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. Whoo! Damn this girl!—wait napapansin ko MAS gumagaling ako mag English. Orayt!

"Hindi ko yon sinadya." Sabi ko na ikinangisi naman niya. Bwisit na babae to ah! Parang aso! Hutek!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The Gangster Princess (On-going)Where stories live. Discover now