Chapter 2

9 1 0
                                    

Walang magawa sa buhay kaya magsusulat na lamang ako! Tutal bawal namang lumabas ng dahil sa fuvking virus na iyan. Enjoy reading!

Nakatulalang napatitig si Zsannen sa kaharap. Nagtataka kung bakit nandito ito sa kanyang harapan.

"Alam kong gwapo ako kaya sige lang! Feel free to stare me." ngising sabi nito habang may pa lip bite pang nalalaman.

"Feeling gwapo ka lang naman kaya ayos lang na titigan kita. Natatanong ko kasi kung bakit may kutong lupang nakapasok dito sa skwelahan ng mga dyosang tulad ko." ismid na sabi niya at tinalikuran ito.

"What the fuck?! Hoy! Sinong feeling gwapo?! Sino?!" inis na tanong nito sa kanya habang hinahabol siya.

"Ay, hindi mo kilala ang sarili mo?"

"Aba! Kung hindi ka lang sana babae kanina pa kita inupakan!"

Hinarap niya ito at sinalubong ang mga mata nito.

"Tell me, nagkita na ba tayo dati?" kunot noong tanong niya dito.

"Huh? Bakit naman tayo magkikita? Girlfriend ba kita?" Binatukan na niya ito.

"Ewan ko sayo!" Sabay talikod at dumiretso na sa kaniyang klase.

Nakakunot noong hinanap ng kanyang mata ang kaibigan.

"Hoy, gaga!" agaw niya ng pansin nito.

"May hindi ka sinasabi sa akin!"

"At ano naman iyon?" taas kilay na tanong niya.

"Bakit mo kausap si Hidalgo kanina ah?"

"Hidalgo? Sino yun?" kunot noong tanong niya sa kaibigan. Pinagkatitigan siya nito at nang ma realize na nagsasabi siya ng totoo ay napatayo ito.

"What the fuck, Zsa?! Hindi mo ba siya kilala?" umiling siya at mas lalong nanlaki ang mata ng kanyang kaibigan. "Aba! Hindi ba uso sayo ang don't talk to strangers?! Jusko naman! Siya si Keanne Kiel Hidalgo! Sikat na womanizer sa campus!" mahabang turan ng kanyang kaibigan. Inirapan niya ito at umupo na sa kanyang upuan.

"Sikat na hindi ko kilala? Great! At saka wala akong pakialam sa kanya kaya calm down okay? Hindi ako magpapatuhog doon and what the hell?! He's not strange to me. Iwan ko pero parang matagal ko na siyang nakilala. I don't know when and where." seryosong saad niya. Simula nang magkausap sila ng gabing iyon ay parang kahit gago ang lalaking iyon ay ang gaan ng kanyang loob. Iwan pero parang matagal na niya itong kilala.

"Oh my gosh! You're creepy! Maybe he's the man in your dream?" Binatukan naman niya ito.

"What the hell?! Is that possible? Kahit kailan putangina ka talagang babae ka! Hindi ka man lang tumino! Seryoso ako dito tapos sasagutin mo lang ako ng walang kwentang sagot mo! Jusko naman!" nanggigigil niyang hinila ang buhok ni Hazmine.

"Aray ko naman! Eh sa iyon ang naisip kong sabihin!" reklamo nito sa kanya.

"At nag-iisip ka pa talaga sa lagay mong 'yan? Umalis ka nga sa harap ko! Naiinis ako sa mukha mo!"

"Aba! Naiinis ka sa mukha ko? Kainisan mo lang lahat huwag lang ang mukha ko! Sa ganda kong ito? Maiinis ka lang sa akin? Whatever!" asik nito sabay talikod sa kanya. Inismiran lamang niya ang inasal nito at humalukipkip.

*****
Zsannen's pov

Naglalakad ako sa may hallway nang biglang sumulpot ang kutong lupang ito.

"Hi, miss beautiful!" nakangising bati niya sa akin.

"Alam ko namang maganda ako at hindi mo na kailangan ipamukha ito sa akin."

Finding HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora