Chapter 4

4 1 0
                                    

Hi guys! Stay safe nga po pala. Masyado nang malala ang fuvking virus na iyan.

Nakasimangot ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi ni Keanne. Kanina pa siya talak ng talak tapos puro kamanyakan lang naman ang topic.

"Zsa, hindi ka ba nagsasawang titigan ako?"

"Bakit naman ako magsasawa?" inis na sabi ko.

"Yown! Inamin mo rin na gwapo ako! Hahaha" tawa siya nang tawa habang ako naman ay napapaismid.

"Hindi kasi ako nagsasawang laitin ang mukha mo. Yung tipong mapapasabi ka na lamang na bakit kaya may ganitong virus dito? bakit kaya nahulma ang mukhang 'to?" Natigil naman siya sa kakatawa at tiningnan niya ako ng napakasama.

"Sumusobra ka na ah? Alam mo, kung hindi ka lang sana babae ay matagal na kitang nasuntok!" galit na turan niya sabay tayo. Asar talo naman pala 'to eh.

"Nakakatawa ka! Asar talo! Napaghahalataang bakla. Tsk tsk" naiiling na bulong ko.

****

Naglalakad ako ngayon at hindi ko maiwasang mainis. Kanina pa kasi sumasakit ang puson ko. Meron kasi ako ngayon.

"Ang sakit!" inis na turan ko habang hinihimas ang aking puson. Gusto kong sabunutan ang sarili ko at pagsasapakin ang mukha ng dalawang kumag na makakasalubong ko ngayon.

"Hey, miss beautiful!" nakangising bungad sa'kin ni Keanne. Inirapan ko lamang siya.

"Zsannen." seryosong tawag sa'kin ni Nesta. Inirapan ko din siya at tinalikuran silang dalawa. Ganito kasi ako kapag meron, galit sa lahat. Mainitin din ang aking ulo.

"Snobber." bulong ni Keanne kaya nilingon ko siya.

"May sinasabi ka?!" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Tss." ingos naman ni Nesta sabay talikod sa akin. Kahit kailan ang drama talaga ng lalaking 'to. Kumirot na naman ang aking puson dahilan upang mapangiwi ako.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Keanne. Pansin ko naman na natigilan si Nesta.

"I'm okay. It's just that I have a period today." nakangiting sagot ko. Ayaw kong mag-alala sila sa akin.

"Shit! Namumutla ka!" Natigilan naman ako. Usually kasi ay ganito ako kapag may period. Namana ko ata kay mama.

"I'm okay. I'm used to it at saka umalis ka na nga!" hilaw ang ngising ibinigay ko sa kanya. Ang sakit na talaga. Pansin ko na pinagpapawisan narin ako.

"Let's bring her to the clinic, Kiel." seryosong sabad sa amin ni Nesta.

"No, you still have your classes. Actually, I'm fine. No need to worry." I managed to smile pero parang hindi sila kumbinsido.

"Let's go." mahinahong sabi ni Nesta. Tinaasan ko siya ng kilay. Kailan pa naging caring ang kumag na'to? Pinaglakad nga niya ako noong nakaraan eh. Nanghalik pa ang gago. Bigla naman akong natigilan sa aking iniisip. Napapitlag na lamang ako nang may humila sa'kin. It's Nesta.

"Nesta, I'm okay. I can handle this." mahinahon na sabi ko pero para siyang bingi at hinihila parin ako.

"No you're not. You look pale na para bang anytime ay mag cocollapse ka." sabad ni Keanne habang nakasunod sa'min.

I smiled. Kahit na palagi nila akong binubwesit ay alam ko naman sa sarili ko na nag-aalala talaga sila sa'kin ngayon.

Nakarating kami sa clinic. Napapangiwi ako dahil agad na inayos ng dalawang nurse ang kanilang uniform na para bang mas pinapalabas pa nila ang kanilang dibdib. Fucking flirt. Naiiling na lamang ako sa aking naiisip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding HimWhere stories live. Discover now