QUIZ THE MALOKONG KAPATID
Kinabukasan, isa isa kaming nagising. Sa'ming magto-tropa, ang pinaka early bird talaga, si Nadgill at ang pinaka late bird... Uhh... Ah basta! Kung sinong unang magising sa'min ni Clayedge 'yon na 'yon! Basta, masarap matulog, tapos.
At itong dalawang pinaka kupal na Rydion Aglum at Glair Ulcian na 'to talaga, wala sa bokabolaryo ang mga salitang 'kapayapaan' at 'katahimikan. Buhatin ba naman si Cledge at hinagis sa bathtub na puno ng nagye-yelong tubig eh.
Kaya pala nang magising ako, mula sa kwarto ko narinig kong tumatawa sila dahil bumili sila ng dalawang bloke ng yelo kaya lumabas at bumaba ako agad. 'Yon naman pala ang dahilan. Nang marinig ko ang rason, natawa nalang ako. Gg talaga sila niyan. Hahaha!
"Divoran! Mavor! You motherfucking shits! You're fucked!" banas na sigaw ni loko mula sa banyo na nagising agad ang diwa nang ihagis siya sa tubig. Yari kayong dalawa ngayon. HAHAHAHA!
Ang lakas naman ng hagalpak namin ngayon ni Kladze mula sa first floor. Dinig na dinig naman namin ang papalayong tawanan no'ng dalawang gunggong na paniguradong nagha-hanap na ng mapaglalagyan ng kabaong nila. Wala silang kawala. Kala nila ah.
Lalo pa kaming napahagalpak nang makita ang basang basang Cledge na may tumutulo-tulo pang tubig mula sa buong katawan at damit niya na humahangos at may namumulang mukha sa galit.
"Where are they?!" mariin at pasigaw na tanong niya.
"S-sa backyar- HAHAHA!" hindi na natuloy ni Kladze ang sasabihin dahil sa pag-tawa. Hindi naman na niya kami pinansin at agad nalang tumakbo papalabas. At siyempre, dahil dakilang usiyoso kami, sumunod na rin kami sa pag-takbo para mapanood ang mangyayari sa dalawa 'pag nahuli sila.
Pagkarating namin do'n, halos mapa-upo kami katatawa dahil naghahabulan ang tatlo paikot ng malaking pool at jacuzzi namin. Si Cledge, may hawak nang payong na mukhang ipanghahampas niya sa dalawa 'pag naabutan. Lagot ang mga sinto! HAHAHA!
Sira ulo kasi 'yang dalawang 'yan. Eversince, si Glair, mahilig talaga ang pinaka mahilig na mantrip sa'ming magto-tropa. Laging mastermind ng mga kagaguhan. Kapag may ganap, matic siya ang may pasimuno. Kaso ang kupal na Rydion na 'to, sumasakay naman kaya mas nakakatawa 'yong katarantaduhang ginagawa nila.
Ako naman, kapag trip ko mang-gago, ginagawa ko rin pero more on taga-tawa at taga-nood lang talaga ako haha!
"Oh pre?! Anong nangyari sa'yo?! Ang aga aga mukha kang basang sisiw na binasted! Nag-swimming ka pala ba't naman hindi mo kami tinawag? Ikaw, nagsasarili ka ah! HAHAHA!" pangga-gago pa ni Glair habang tumatawa na akala mo, nakalunok ng mic sa sobrang lakas. Hayop talaga amp! Mas binilisan naman ni Cledge ang pag-habol kaso kumaripas din naman ang dalawa.
"Gago, vivideohan ko 'to. Hindi puwedeng palampasin 'to!" isa pa 'tong ungas na katabi ko. Naisipan pa talagang mag-record!
"Loko, ikaw ang susunod na ililibing 'pag nakita ni mokong 'yan!" pigil-tawang banta ko pero siyempre, hindi ko siya pinigilan. Sorry, boy! We need remembrance. HAHA!
"Ays lang, pag sinend ko sa GC 'to siguradong malayo ako sakan'ya para hindi niya ako mabanatan. Ang mahalaga, makuhanan ko 'to." tatawa-tawang aniya kaya nginisian ko nalang siya at binalik ang tingin sa mga sintong naghahabulan.
"Go to hell and eat Satan's dick, you jackass!" puntirya niya kay Glair kaya namatay nanaman kami sa hagalpak. Iba rin mang-gago 'tong isang 'to eh. Hahahaha!
"Papi Cledge! Ang harsh mo naman! Don't you know I love you so much?" natatawang pang-uuto naman ni Rydion kaya sakan'ya naman napabaling si ogag. you can't tame the demon, moron! HAHAHA!

YOU ARE READING
Malditang Jejemon (On Going)
General FictionPaano kaya kung maka-encounter ka ng isang babaeng akala mo laging nireregla sa sobrang sungit? 'Yong tipong walang araw na hindi siya nag-sungit sa isang tao? Ganyan ang ugali ni Zevrin Feliorre Alvisa. Pero hindi lang 'yon ang ugali niya mga bes...