19: TRIGGERING TO TRIGGER

21 1 0
                                        

PHYX THE CRAZY BEST FRIEND 

Mabilis na nagdaan ang mga araw sa school na nakakaloka. Pero kebs lang, grabe kasi ang kilig ko everyday, alam niyo ba?! Siyempre hindi! Hahaha! 

Charing lang! Paano ba naman kasi, ang sweetness ni Xyge Brylor Wievers sa Sagi kong ubod nang pagka-bakla, kahit ipis, iipisin talaga! Walang palya, hatid sundo kada may chance, mga bes! Ang bruhang best friend ko naman, ayon! Maldita parin pero ang haba ng intestines grabe! Inis kuno pero hinahayaan lang naman si Xyge haruuu! Lowkey lumalandi na ang dakilang jejemon! HAHAHA!

Pero mas grabe ang tingin ng madlang people na nakakakita sa kanila. Halatang mga mapag-bigay malisya eh! Panay ang bulungan, iyong iba naman tila bulateng sinabuyan ng asin sa sobrang pagkakilig! Siyempre dahil nga ang lakas ng dating ng hottie na si Xyge, marami rin ang namimigay ng inggiterang glare kay Sagi mapa babae man o binabae na tinatawanan ko nalang. Mamatay sila sa inggit! Bleh! Hahaha!

Feeling ko nga minsan, 3rd wheel ako sa dalawa kaya minsan sinasadya kong magpahuli ng lakad para hindi ko masira ang moment ng dalawa. Lagi akong sinisimangutan at iniirapan ng best friend ko pero nginingisian ko lang siya. Minsan lang siya gumaniyan, huwag na siyang pabebe!

Ang sabi sa'kin ni Xyge, hindi niya raw expected 'yong way of typing ni Sagi kahit alam niya kung gaano ka-jejemon ang lokang 'yon. Kaya naman, nag-chat siya sa'kin para magpaturong basahin 'yong mga nirereply ni gaga para raw mas makapag-chat sila nang maayos. Siyempre, ako 'tong si all out support, go sa pagturo ng mga kailangan niyang matutunan!

Tinanong ko siya kung hindi ba siya nawe-weirduhan sa kaibigan ko pero humindi lang siya. Kaya niya naman daw tanggapin 'yon. Enebe!

Dagdag niya pa, nag-search din siya kung ano ang ibang ginagawa ng mga kapwa jejemon ni Sagi para if ever daw na ma-encounter niya 'yon sa kan'ya , prepared siya. Oh 'di ba? Triple plus pogi points for the effort kaya todo kilig ako para kay bruha! Pero curious ako, si Cledge kaya, paano hina-handle ang pag-reply ni Sagi? Or... Nakapag-chat na ba sila? Eh si Vaige kaya paano? Wahhh nakaka-curious!


Shut up na nga ako, masiyado na 'kong maraming na-daldal hahaha! Mianhae! 

Anyways, narito kaming lahat ngayon sa napaka-bonggang mansiyon ng mga Alvisa para sa Welcome Home Party ni Tyv since 7 years nga siyang wala. Since medyo maaga kaming nakarating, tumutulong kami sa preparations kahit may mga kasambahay naman silang taga-gawa no'n.

Nabanggit ko 'tong party kay Xyge pero sabi niya, hindi naman daw sila close ni Tyv kaya ayaw niyang pumunta rito saka hindi naman daw siya invited. Next time nalang daw siguro. Gusto ko sana siyang pilitin dahil siyempre, narito si Sagi pero hindi ko na ginawa at baka mainis lang siya pag namilit ako kaya hinayaan ko nalang. Next time daw eh, edi next time. 'Wag pilitin ang ayaw, paniguradong papayag. Chos!

Nakakaloka 'yong maldita kong bessy na ubod ng ka-jeje-han, kanina pa kami narito pero hindi ko pa rin siya nakikita! Asaan na ba 'yon? Alam niya bang may ganap ngayon pero ayaw niya lang magpa-kita o sadyang wala siyang ka-alam alam na may party? Ano ba naman 'yan! Hide and seek ba 'to?! My gosh!

"Sound system's perfect, guys!" Hiyaw ni Ryd kaya nag-hiyawan din kami. Nakaka-exciiiite!

"'Yon! At dahil okay na 'yan, magpapa-tugtog muna ako para ganahan tayo sa pag-aayos!" Sabi naman ni Zy na tinigil muna ang pagde-decorate.

"Hoy Zy! Ayusin mo 'yan ah!" Banta ni Kladze sakan'ya pero binelatan lang siya ng kausap. Hay nako talaga, Zyress!

"Cledge, paki kuha naman 'yong ribs sa kusina tsaka 'yong isang JD na rin. Thanks!" Dinig kong utos ni Priv na hindi ko alam kung pinakinggan ng kausap. Though pumasok si Cledge so I think gagawin niya naman 'yong inutos sakan'ya kaya nag-kibit balikat nalang ako.

Malditang Jejemon (On Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя