Chapter 25

5.9K 176 3
                                    

T H I R D  P E R S O N

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang huling araw ni Scarlet sa labas ng SU, ito rin ang araw kung kelan siya babalik sa university. Sa mga lumipas na mga araw ay nag-shopping, kumain, nag-bar, gumala at natulog lang ang mga pinaggagawa niya. Talagang sinulit niya ang mga araw na nagdaan.

Namimiss na niya ang kaibigan niyang si Andrea, pero mas namimiss niya ang pagiging possessive at cold ni King. Ni hindi man lang siya binisita nang binata ngunit naiintindihan niyang baka hindi na talaga yun pinayagang lumabas pa nang university.

Ngayon ay naghahanda siya para sa lunch date nilang dalawa nang daddy niya, after nilang kumain ay ihahatid na rin siya sa SU.

Pagkadating nilang dalawa sa mamahaling restaurant ay agad silang pinaghanda nang mga pagkain na pina-reserved na agad ng secretary ng daddy niya.

"How's your stay inside Sanguis University, sweetie? Did you already have a lot of friends or you just met new enemies?"

Tanong sa kanya ni Mr. Flammia habang naghihiwa nang kanyang stake.

Uminom muna si Scarlet sa kanyang red wine at inirapan ang kanyang ama.

"Well, I am having fun. It's just that.. that university is full of mystery, it is also creepy. The students and surroundings are all creepy. And yes, I already have a lot of friends and enemies. I have both of them."

Nakangising tugon ni Scarlet na siyang bahagyang ikinatawa na lamang ng kanyang ama.

"It's good to know that you're already having fun inside the school, I thought you wouldn't last a month there since you really hate dormitory school."

"Yeah, it surprised me too that I am enjoying right now even though everything inside that university is creepy and mysterious."

Kibit-balikat na sambit ni Scarlet sa kanyang ama habang nagpapatuloy sa kanyang kinakain.

Tinignan siya nang kanyang ama habang napapangiti ito. Naaalala niya kasi ang kanyang asawa na kamukhang-kamukha mismo ni Scarlet, para silang pinagbiyak na bunga. Pwedeng isipin ng mga tao na kambal silang dalawa nang kanyang ina na matagal ng patay.

Napansin naman ni Scarlet ang pagtitig sa kanya nang kanyang daddy kaya tinignan niya rin ito nang may pagtataka.

"Bakit, dad? Do I have someting in my face? Madungis ba ako kumain?"

Curious niyang tanong habang pinupunasan ng tissue ang kanyang labi, inaakala niyang may dumi siya sa mukha.

"I just miss your mom so much, sweetie. You really look like your mother."

Nakangiti ngunit malungkot na sagot ng kanyang daddy sa kanya.

Bigla rin siyang nakaramdam ng lungkot dahil sa sinambit ng kanyang ama. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa table at nginitian ito.

"I miss her too, dad. I know for sure na miss na miss na rin tayo ni mommy."

Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpatuloy silang mag-ama sa pagkain, pagku-kwentuhan at tawanan. Matagal ring hindi nakita ni Scarlet ang kanyang ama dahil sa pag-stay niya sa SU at sa pagiging busy rin nito, minsan lamang ito magkaroon ng maluwag na schedule kaya sinusulit na niya ito ngayon.

Maya-maya pa ay sakay na sila nang isang private car papunta na sa Sanguis University.

Hindi naman maiwasang hindi maisip ni Scarlet si King kung ano na bang ginagawa nito ngayon, kung busy ba ito sa mga aralin nito o busy sa pakikipagharutan sa ibang mga babae. Bigla rin niyang naalala na hindi pa pala niya nasasabi sa kanyang ama na mayroon na siyang boyfriend. Medyo kinakabahan rin siya kasi si King ang first boyfriend niya at hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang ama.

Owned by the Vampire KingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant