Panimula

369 22 2
                                    

Panimula

"Nov, nasaan ka na ba? Magsisimula na ang laro ni Cliff!" bungad sa akin ni Clarisse nang tawagan ko ito.

I sighed as I pack my things inside my bag. Nilagay ko rin doon ang mga device na kakailanganin ko para sa klase ko mamaya.

"Papunta na ako," kinuha ko na ang aking gamit at lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko naman si mommy na abala sa mga papel na nasa lamesa sa sala. May kape doon, sigarilyo, at alak. She looks so wasted and frustrated.

"Mom, I'm going," lapit ko sa kanya bago dinampot ang ilang upos ng sigarilyo sa lamesa at ang dalawang bote ng alak.

Tiningnan nya ako saglit bago tumango at nagpaka-abala na ulit sa ginagawa. Dinala ko naman na ang kalat nya sa aming kusina bago ako tuluyang umalis ng aming tahimik na bahay. Nilakad ko ang palabas ng aming village para doon maghintay ng bus. Ilang minuto lang naman ay may dumating na iyon kaya agad akong sumakay.

"Damn life, huh," umiling ako at nakipagsiksikan sa loob ng bus na punong-puno. Wala akong magagawa kundi ang tumayo ng thirty minutes or else ay hindi ako makakapunta sa klase at laro ng aking kaibigan.

Umandar na ang bus at saglit muling tumigil nang may sumakay pa na pasahero. Rinig na rinig na ang angal ng ilang pasahero dahil sobrang sikip na nga ay dagdag pa ng dagdag itong kundoktor.

"Baka gusto nyang sumakay na tayo sa lagayan ng bag!"

Gusto kong matawa dahil sa sinabi ng matandang babae pero pinili ko na lang manahimik dahil baka madamay pa ako sa init ng ulo nito.

"Nako, Lola, ayos lang naman na pasakayin ang ganyan kakisig na pasahero!" sabi naman ng katabi nitong babae na medyo bata pa kaya napalingon ako sa tinitignan ng mga ito.

Nangunot ang noo ko nang makita ang matangkad na lalake na kakasakay lang at nakatayo lang din. Sobrang seryoso nito at nakatitig sa akin na akala mo ay hindi ako aware sa titig nya.

Nakasuot ito ng itim na maong jacket na may white vneck shirt sa loob. Naka pantalon itong kulay itim at high cut na sapatos na itim rin. Katamtaman ang haba ng buhok nito na jet black.

Napunta ang tingin ko sa kanyang itim na itim na makakapal na kilay. Ang mata nito ay itim na may pagka kulay abo. Masyadong lubog ang mata nya at nakadepina. Kitang-kita ang kulay ng mga ito. Ang ilong naman nito ay saktong sakto ang tangos at ang kanyang labi ay kurbado din at maninipis lang. Pulang pula ang mga ito na para bang nakipag halikan siya sa babaeng may makapal na lipstick. Ang hugis naman ng kanyang mukha ay panglalaki talaga. The jaw lines are perfect-

"Why are you staring at me?" natigil ang pagsuri ko sa kanya nang nasa harap ko na pala sya nakatayo.

What the?!

Gulat na gulat ako sa napakabilis nyang paglapit at napanganga pa kaya hindi ako nakaimik.

"B-but... you were there..." nauutal at gulat kong usal.

"San Lazaro College! Meron ba?!" biglang sigaw ng kundoktor kaya roon ako napatigin at umiling saka lumayo sa weird na lalake na ito.

"Baka naging abala lang ako," bulong ko sa aking sarili at umiling. "By the way, you were the one who stared at me first!" bulyaw ko sa lalake saka umirap at nagmamadaling bumaba na ng bus.

Muli kong nilingon ang bus at nakitang nakatingin pa rin sa akin ang lalake nang may pagtataka hanggang sa tuluyan nang makalayo ang bus.

"That was weird," usal ko saka sinilip ang oras.

Simula na ng laro ni Cliff!

It's already 6:30 at kanina pa iyon nagsimula panigurado. May klase pa ako nang alas otso hanggang alas diyes kaya kaylangan kong magmabilis!

Itim Na Ulap Where stories live. Discover now